Karen "Hija, how old are you?" Abala ang mga mata ko sa simpling pagkilatis ng loob ng mansyon nila Paul. Awang ang labi ko sa magarbong kagamitan na tanging sa palabas ko lang nakikita. Matayog na hagdanan kung saan kasya ang sampung katao na aakyat ng sabay-sabay ganoon ka literal na lawak ang hagdanan pa lang. At ang mga palamuting ilaw na nakasabit lamang sa matataas na bahay na gaya nito. Bago ko lang din nalaman ang tawag dito kung hindi itinuro sa akin ng anak kong si Kaye ay hindi ko malalaman na ito pala ay chandelier. "Ay, bilat mo!" Natutup ko ang bibig dahil sa aking sinabi. Nakasanayan ko kasi mga salitang iyon kapag ako'y nagugulat. "Pasensya na po, Madam," hingi kong pasensya habang pinapalo ang aking bibig gamit ang kamay. Masyado talaga matabil ang dila ko kung minsan

