Karen “Ngayon, p’wede na tayo mag-usap ng masinsinan,” salubong kong sabi kay Paul at tinuro ang labas. Umupo ako sa mga upuang naroon at hinintay siya. Ngunit ilang minuto pa ang lumilipas ay walang Paul na nakasunod. Kaya sumilip ako’t nakita siyang nakaupo sa tabi ng aking mga anak at hinahaplos ang mga ito. May kung ano'ng may tumusok sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Nasasaktan ako para sa mga anak ko. Nasasaktan ako para sa aking sarili at nasasaktan ako kung bakit kailangan pang mangyari ito sa amin ni Paul. Bumalik ako sa pagkakaupo at tumingala saglit. Ayaw kong umiyak. Ang sabi ko’y matatag na akong tao. Pero nagiging mahina pag mga anak ko na ang pinag-uusapan. Maya-maya’y sumunod na rin siya at naupo sa aking tabi. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Marami akong gu

