bc

He Doesn't Share (SPG) Filipino

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
arrogant
mafia
bxg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Marami ang nagkagusto at nahumaling sa akin pero nag-iisang lang si Javier Guevarra sa kakaiba. Dahil kahit masama ng ugali niya hindi ko magawang balewalain siya, lalo pa kapag nadidikit ako sa kanya pakiramdam ko gusto ko ng hubarin lahat ng suot ko, Joke lang!

Si Javier lang rin ang pinakagwapo sa lahat at malakas ang dating kahit pa may sa demonyo siya.

chap-preview
Free preview
Chapter1
"Wala ka talagang katulad sa pag-sasayaw mo Elena, lahat ng mga customer natin mga nakanganga. Kulang na lang tumulo na lang tumulo na ang laway nila sa'yo." Napangiti ako kay Shena na kasama ko sa trabaho dito sa isang Club, dito ako nagtatrabaho bilang dancer tuwing gabi. Dahil hindi ako nakapagtapos ng high school ito ang trabahong napasok ko. Dito mabilis akong kumita at natutustusan ko ang pangangailangan ng kapatid at magulang na may maintance na gamot. "Sandali anong oras na ba?" Maya'y tanong ko kay Shane kasi nakadalawang sayaw na ako ngayon. "Ala una na ng madaling araw girl, umuwi ka na. Wala ka namang booking ngayon hindi ba?" Nakangising sagot ni Shane. "Gaga! Booking ka diyan, wala naman talaga. Tama na 'tong pagsasayaw ko, may kinikita naman ako. Saka ang papanget ng customer natin tapos yung iba matatanda pa." Paarte na sagot ko na kinatawa ni Shane. "Siraulo ka talaga, so kung may gwapo payag ka na? Alam mo mas malaki ang kita mo kung sakaling minsan sumama ka lumabas. Hindi ko naman sinabi na gumaya ka sa akin, kasi ako araw-araw at sana'y. Kaso ikaw bata pa kaya ingat-ingat lang para hindi ka agad malaspag." Natatawang sabi pa ni Shane habang nagre-retouch ng make-up. "Ayoko ngang malaspag dahil sa pera lang at isa pa kung magpapalaspag man ako doon na ako sa lalaking mamahalin ko." Sagot ko na kinalingon ni, Shane. "Ikaw ba 'yan Elena? Akala ko wala pa sa isip mo ang magkaroon love-love na ganyan?" Nakataas ang kilay na tanong niya. "Oo sinabi ko 'yun pero syempre darating tayo doon. Kaso mukhang 'yung pangarap ko na lalaki sa isip ko hindi 'yun mangyayari dahil narito ako sa ganitong klase na lugar. Malamang walang magkakagusto sa akin dahil iisipin nila na marumi akong babae." Seryosong wika ko habang nakaupo at sinisimulan ko ng tanggalin ang make-up ko. "Tama ka rin diyan, ako nga diba? Akala ko mahal ako ng gagong lalaki na 'yun. Noong mag-sawa sa akin ayun iniwan ako bigla." Inis na sabi ni Shane. Natahimik na lang ako at naalala 'yung lalaki na kinasama niya ng wala pang isang buwan pero iniwan siya agad. Oo, hindi na ako virgin dahil 'yun sa nakaraan ko. Nagkaroon man ako ng s*x, pero bihira lang 'yun kapag trip ko. Pero talagang hindi ako sumasama kapag may gustong ilabas ako. Wala rin namang magawa yung manager namin dahil sabi ko aalis na lang ako dito kung sakaling pilitin niya akong ipalabas sa mga customer. Malakas kita nila sa akin dahil sa pagsasayaw kaya rin dinadayo ang Club na ito. "Elena, halika muna." Napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang boses ng manager namin, nakangiti ito kaya naman nagtataka ako sa kanya. Nilingon ko pa si Shane at nagkibit balikat lang ito sa akin. Nagtakip ako ng jacket dahil halos lumuwa na ang lahat ng tinatago ko dahil sa manipis na suot ko. "Bakit po sir?" Takang tanong ko at inakbayan niya ako kaya napalingon ako sa kanya. "By the way Mr. Romulo ito ang star of the night namin dito sa StarNights Club. Meet, Elena." Naguguluhan man ako pero ayokong isipin na binibenta ako ni Sir dito sa may edad na lalaki. Kahit pa mukhang yayamanin ito, ayoko talaga. "Hello, hindi ka lang pala magaling sumayaw napakaganda at ang napaka-sexy mo. Perpekto ka para sa akin." Matamis ang ngiting wika nitong lalaki. Tiningnan ko muna sir at tiningnan niya ako na nagsasabi na bumati ako at pakiharapan ng maayos. "Salamat po sa sinabi niyo." Pilit ang ngiting sabi ko. "Bueno, alam niya na ba?" Muling sabi nitong may edad. "Oo nga pala Elena, iniimbitahan kang sumayaw sa Club ni Mr.Romulo, kahit isang gabi lang. Ngayon kung magkakasundo kayo maaari kang sumayaw na doon ng regular, malay mo mas malaki ang kitain mo doon." Paliwanag ng manager ko. So, ibig sabihin hihiramin ako? Hindi kaya gusto lang ako palitan ng manager namin dahil sa hindi ako sumusunod sa kanya? Saka lagi ko siyang inaaway. Pero ganun pa man subukan ko wala namang mawawala baka nga mas malaki kitaain ko doon. --------- "Napasyal ka ata dito Javier? Anong sa atin?" Nakipagkamay muna ako kay Mr. Romulo at sabay na naupo kami sa table. "Naalala ko lang itong lugar mo dahil marami ring magagandang alaala dito." Sagot ko at lumibot ang mata ko sa paligid. May mga ilang customer na dito, alas nuebe pasado pa lang ng gabi ngayon. Tumawa naman si Mr. Romulo. "Tama ka diyan, lalo na ang mga babaeng mga narito." Malokong sabi ni Mr. Romulo, dahil karamihan sa mga babae niya dito sa Club ay naikama ko na lahat. "Siya nga pala nasaan na ang bodyguard mo na si Randy?" Tiningnan ko muna si Mr. Romulo. "Si Randy? Kasalukuyang nagpapahinga na siya ngayon." Nakangising sagot ko. "A-a, ganun ba? Ano bang alak ang gusto mo? Mabuti rin pala at nandito ka dahil may bisita ako dito na magaling sumayaw." Nakangiting sabi nito at tumayo na. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya, nagpunta ako dito para magliwaliw. Marami na akong napuntahan at gusto kong makalimot sa nakaraan na nangyari sa akin at doon sa babaeng ngayon lang ako nagganun na kahit minsan ay hindi ko nagawa o naramdaman sa ibang babae. "Javier, ito. Pinaghanda rin kita ng masarap na pulutan, gusto mo ba na samahan muna kita dito?" Tumango lang ako sa kanya at pinagsalin niya ako ng alak, agad na inabot ko 'yun at ininom agad. Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa gitna na kung saan ay mga pribadong customer lang ang nauupo dito. "Panoorin mo ito Javier, sigurado akong magugustuhan mo siya." Wika ni Mr. Romulo, napatingin ako sa ibabaw ng stage na hindi naman ganun kataas. Namatay ang ilaw at nagkaroon ng ilaw bilog sa may pinakagitna. Tumutok ang mata ko ng may makita ako na babae dahil sa hubog ng katawan nito. Pumasok ang malamyos na tugtog at sinasabayan 'yun ng malambot na katawan ng babae. Hindi ko makita ng husto ang mukha nito dahil medyo natatakpan ng dilim, pero ang katawan nito ay kita ko dahil sa ganda ng hubog no'n. Hanggang sa magkaroon ng konting ilaw at malayo ko ng nakita ang mukha ng babae. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na dumami na ang tao dito at mga tahimik sila habang tutok na tutok ang mata sa babaeng sumasayaw. Muli kong binaling ang tingin sa babae, mapula ang labi nito at ang buhok niya na haggang bewang na medyo kulot ay bumagay sa kanya. Hindi ako sa pagsasayaw niya nakatingin kung hindi sa katawan niyang parang kumikinang. Ang dibdib nito na hindi naman ganun kalaki, ang bewang na maliit at flat na tiyan. Napababa ang tingin ko sa manipis na suot nito at bakat na bakat doon ang manipis na balahibo doon. Napainom ako ng alak ng maglakad ito palapit sa harap ng table namin, seryosong nakatitig ako sa pares ng mata niya. Hanggang sa papalapit na siya sa akin at dahan-dahan na umupo at kinapitan ang ibaba ko. Napapikit ako dahil sa marahan na paghimas niya sa p*********i ko na biglang nabuhay at parang gusto ng kumawala. "Javier?" "Javier?" Parang bigla akong natauhan at napalingon kay Mr. Romulo na nagtatakang nakatigin sa akin. Napaayos ako ng upo at napatingin sa ibaba ko, wala doon yung babae at katabi 'yun ni Mr. Rumulo. "Ipapakilala ko lang sa'yo si Ms. Elena, galing siya sa--" "Elisa?" Sambit ko at naalala ang sinabi ko. "I'm sorry, Elena." Pagtatama ko. "Elena, siya nga pala si Mr. Javier Guevarra." Pakilala sa akin ni Mr. Romulo. "H-Hi," nakangiting sabi nito. Tahimik na napatingin lang ako sa kanya at napatitig ako sa labi niya at naalala ang kanina na akala ko ay hinawakan niya ang p*********i ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
471.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
514.8K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
610.5K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
470.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook