Chapter 26: Venom WALANG sapat na loob si Conal upang harapin ang nakilalang pamilya simula bata palang siya. Ngunit kailangan niya. Nais niyang makausap ang mga ito sa ginawang pagtatago ng katotohan. Nais niyang malaman ang mga nangyayari noon. “Sigurado ka ba na ngayon natin sila pupuntahan? May ibang araw pa tayo,” ani Marfire. Ito na ang kasama-kasama niya ngayon matapos nilang ihatid sa bahay si Margaux pati na ang kapatid nitong si Teejay. “Ngayon lang tayo magkakaroon ng oras dahil may pasok tayo. At isa pa, hindi na ako makapaghintay. Gusto kong malaman sa kanila kung ano nga ba ang puno’t-dulo ng lahat ng ito.” “Maging ako Conal ay gusto ko ring marinig ang kanilang sasabihin. Nakakasiguro naman akong hindi na sila magsisinungaling saiyo. Alam mo na ang katotohanan at hindi

