Dahan-dahan namang lumingon sa akin ang lalaki. Kitang-kita ko ang nanlilisik na mga mata nito. Pero wala akong nakapang takot aa aking dibdib. “Wala akong ginagawa sa ‘yo! Tingnan mo nasa ilalim ka ng niyog!” Sabay turo ko puno ng niyog. HINDI man lang tumingala ang lalaki. Nakatingin pa rin ito sa akin. Saka alam ko ring hindi ito maniniwala sa akin. Mabilis akong tumakbo nang makita kong mabilis itong lumapit sa akin. Aba’y balak na yata akong sakalin nito. Ngunit kahit papaano ay nakaganti ako sa lalaki. Nang lumingon ako ay hindi na ito nakasunod sa akin. Maganda talagang tumira rito sa bundok sobrang sariwa ng hangin. Walang maamoy na usok ng mga sasakyan o mga sigarilyo. Kaya lang parang ang hirap yata ng signal dito? Balak ko sanang tumawag kay Harere o Julmen pero hindi ko

