Tuloy-tuloy akong lumabas ng malaking gate. Si Mommy Isana lang ang matino sa bahay na ‘yon. Nakakaloka sila. Nang may dumaang taxi ay agad akong sumakay. Biglang kong hinawakan ang aking pisngi. Hindi naman masakit ang sampal sa akin. Nagulat lang ako kaya bigla akong napamura. Nang makita kong malapit na ako sa waiting shed ay agad kong pinahinto ang taxi. . Matapos kong magbayad sa taxi driver ay tuloy-tuloy akong lumabas ng sasakyan. Agad kong sinuot ang aking shades at facemask. Kinuha ko rin ang aking sombrero upang ilagay sa aking ulo. Mabilis akong tumalon papunta sa ibabaw ng malaking truck. Mabilis akong dumapa. Mula rito sa aking pwesto ay makikita ko ang pagdating si Mr. Tambungo. Alam kong wala pa siya sa bahay niya. May cctv camera akong nakalagay sa gate nito. Hindi pa n

