Talagan gigil kong inangat ang aking kamay upang hampasin ang taong istorbo sa aking balak na pagtulog. Ngunit naramdaman kong may humawak sa aking pulsuhan nang mahigpitm. . . Bigla akong napatingin sa ere dahil nakataas ang aking kamay na may hawak na kawali at talagang pinigilan ito ni Yagong Gago. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko na mahigpit pa ring pinigilan ang pulsuhan ko. Biglang tumaas ang kilay ko. “Bitawan mo ako, Mr. Yago!” Mariin sabi ko sa lalaki. “Huwag na huwag kang pupunta sa bahay ko babae, kung manggugulo ka lang din doon. Saka hindi ka welcome sa pamamahay ko. . Dahil sa mga sinabi mo ay panay ang iyak ni Michel at ate Sharel dahil sa 'yo! Talagang gulo ang hatid mo sa pamilya namin, Susumoko! Ang dapat sa 'yo ay—” Ngunit bigla itong napahinto sa pagsasalita na

