(EMERALD’S POV) Malakas akong tumawa nang tuluyan akong nakalabas ng lapasyo. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nina Michel at Bawane. Hindi ko akalain na madadamay si Bawane kaya tuwang-tuwa ako sa aking ginawa. . Ang totoo niyan ay ihi ko naman talaga ‘yon. Nagdagdag lang ako ng kaunting tubig upang dumami. Sample pa lang ang aking ginawa sa kanila. Huwag nilang hintayin na popo ang ibato ko mga mukha kanila. Tiba-tiba talaga ako sa perang nakuha ko at nandoon na ito sa aking bahay sa lunsod. Gamit ang suot kong singsing ay talagang dinala ko na roon upang hindi ako mahirapan sa pagbuhat. Lalo at alam kong hahabulin ako ng mga kawal ni Michel kapag nakita nila ako. . Nang muli akong bumalik sa palasyo ni Michel ay para gumawa ng kalokohan. Talagang nag- enjoy ako at tuwa habang pinan

