(Mrs. Armalen Cukel’ S Pov) Panay ang tungga ko ng alak habang nakatingin sa labas ng bintana ng bahay ko. Ngunit ang dibdib ko ay inis na inis dahil naging palpak na aking plano sa palasyo ng ikawalang Reyna. Kaya parang sasabog ang utak ko sa galit. Akala ko noong una ay okay na dahil una na naming nagagapi ang mga tauhan ng ikalawang Reyna. Sa laban ay mas lamang na kami at walang masyadong nasaktan. Pero kahapon ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Talagang nalagas ang mga tauhan ko na pinadala sa palasyo ng ikawalang Reyna. . . May isang nakatakas kaya nasaksihan nito ang mga nangyarin. Kitang-kita raw ng mga mata nito ang mga na ganap na laban. . Isang babae lang ang nakipaglaban. Talagang lahat ng tamaan nito ng samurai na hawak ay talagang namamatay. Sobrang galing daw niton

