(EMERALD’S POV) Malakas akong tumawa. Hanggang ngayon kasi tuwang-tuwa ako sa aking ginawa kay Michel. Kung tutuusin ay kulang pa ‘yon. Sa laki ng kasalanan nila sa akin noon.At hindi ko 'yon malilimutan hanggang sa mamatay ako. BIGLA rin akong napaisip. May kapangyarihan na pala si Michel. Nakakapaglaho na ito, aba! Saan kaya galing ang kapangyarihan nito? Bigla tuloy akong nasabik na muli itong makaharap. . . Pero hindi uubra sa akin ang kapangyarihan ni Michel o kahit pa ang mga kauri nito. Dahil ako pa rin ang masusunod sapagkat may sarili akong rules sa aking buhay at walang puwedeng bumali noon. Ako yata si Emerald Hycone. Saka ako pa talaga ang kakalabanin nila? Baka maaga silang sunduin ni kamatayan? Muli akong nagbuntonghininga nang sunod-sunod. . . Ayos na rin na muli kaming

