Kitang-kita ko namang nagsalubong ang kilay nito. Habang nakatingin pa rin sa zipper ng pantalon nito na bukas pa rin. Mabilis akong umiwas ng tingin nang medyo umangat ito mula sa pagkakaupo nito sa kabayo. Umangat ang tingin nito sa akin. Tumingin ako sa mukha nitong seryoso pa rin. Ngunit sadyang baliw rin ang lalaki. Sapagkat dahan-dahan na nitong inaangat ang zipper pero walang kakurap-kurap na tumingin sa akin. Para bang inaakit ako nito na tumingin sa gitnang hita nito. Inis ko tuloy pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Nakakabaliw ang lalaking ‘yon ang daming alam na kabaliwan sa buhay. Akala naman nito ay maaakit ako sa kanya. Pagdating sa lugar na kung saan naroon ang camping tent ay dali-dali na akong pumasok sa loob. Kumuha ako ng tuwalya. Mabuti na lang ang huminto ang ulan. Ka

