(EMERALD’S POV) NAGISING ako na masakit ang aking ulo. Ano bang nangyari sa akin? Bakit parang hinampas ang aking ulo ng bakal. Bigla ko tuloy nahilot ang aking noo dahil sa kirot na aking nararamdaman. Sunod-sunod din akong napahinga ng malalim. Kahit gusto kong bumangon ay tamad na tamad ang aking katawan. Narinig ko rin ang malakas na ulan sa labas ng tent. Napansin ko na palagi na yatang umuulan dito sa Greenen Muwa? Ang sabi kasi dati ay madalang umulan dito. Pero bakit ngayon ay panay ang ulan. Wala namang problema kung umulan, nadidiligan ang mga puno na malapit nang matuyo. Talagang nalasing ako gabi. Pero wala akong matandaan. Baka wala naman akong ginawa na kabaliwan kagabi. Siguro’y natulog lamang ako rito sa loob ng camping tent ko. Napansin kong mas lalong lumakas ang ul

