SUBALIT mabilis akong umalis sa aking pwesto nang makita ko ang kutsilyo lumilipad papunta sa akin. Maliksi akong tumingin sa kalaban ko. Kitang-kita ko ang tattoo nito sa noo na kutsilyo. . Talagang dito nga naglalagi ang mga hayop na sindikato. Kaya kawawa ang lugar na ito lalo na ang mga madreng walang kalaban-laban sa kanila. “Ano’ng ginagawa rito ng isang dayuhan? Hindi mo ba naisip na puwede kang mamatay rito, babae?!” mayabang na tanong ng lalaki. Pinakita rin nito ang hawak na samurai. Hindi ako nagsalita. Ikiniling ko lang ang aking ulo. Ngunit nakita kong parang biglang sumama ang tabas ng mukha nito. Akala siguro ay matatakot ako sa kanya. . . Hanggang sa naglabas ulig ng isa pang samurai. Kaya dalawang samurai na ang hawao nito. Talagang tinatakot ako ng mga gago. . Nakita

