Hindi ko inalis ang kutsilyong nasa tagiliran ko. Muli akong tumingin sa kalaban ko na gumagamit ng kutsilyo. Agad akong naghanda sa pag-ataki nito. Pasimple kong kinuha ang karayom. Nang makita kong mabilis itong sumugod papalapit ay buong lakas kong pinitik ang karayom papunta sa leeg nito. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na itong bumagsak. Agad ko namang hinawakan ang kutsilyong nasa tagiliran ko. At walang habas ko itong inalis. Naramdaman ko agad ang dugong lumabas. Kaya naman mabilis akong nagpunit ng tela at inilagay ko sa aking tagiliran. Mabilis akong tumakbo papunta sa pader na dinaanan ko kanina. Balak ko na sanang tumalon nang may biglang sumulpot sa aking harapan. Mabilis akong umillag upang hindi matamaan nang pagsipa sa aking mukha. Pero hindi talaga titigilan ng hayop na kala

