Bigla akong napangiwi habang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Ang sarap nitong sampalin nang paulit-ulit. Hanggang sa inilapit ko ang aking mukha sa lalaki. Seryoso rin akong tumingin dito. “Ang ibig sabihin ay ako ang laman ng utak mo Mr. Yago?” tanong ko rito habang nakataas ng kilay ko. “Ibigay mo sa akin ang gamot- Hindi ikaw ang babaeng dapat ay nasa isip ko! Ayaw ko sa 'yo!” Mariing sabi ng lalaki. Lalo namang tumaas ang isang kilay ko. Sobrang funny ng lalaking ito. “Nababaliw ka na, Dr. Yago. Kung ako sa ‘yo ay dapat mo na sigurong gamutin ang sarili mo. Grabe ang lala mo na!” Tangka sana akong tatalikod nang bigla akong hawakan sa aking kamay nang mahigpit. Salubong ang kilay ko na tumingin sa lalaking nahihibang na. “Kailangan nating pumunta sa manggagamot. Hindi ko nag

