Kalahating Oras!

3312 Words

Talagang halos lamunin ko ng buo si Isaac dahil sa galit na aking nararamdaman ng mga sandaling ito. Ang nakakagalit pa’y kitang-kita ang pangalan na Emerald na ngayon ay nakasulat sa panty. Mabilis kong kinuha ang aking underwear na nasa kamay ng lalaki. “Kanina ko pa ito hinahanap! Mabuti nakita mo!” Agad akong tumalikod sa dalawang lalaki. Talagang hiyang-hiya ako sa lalaking gwapo. Peste talaga sa buhay po ang lalaking si Isaac Yago. Bakit ko ba ito nakilala, naging malas tuloy ang buhay ko? Nakakainis talaga. Pagdating sa bahay na inuupahan ko ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Tuloy-tuloy nahiga sa kama. Mataman akong tumingin sa labas ng bintana ng silid ko. Kay ganda ng sikat ng araw. Mas maganda pa rin dito na normal na mundo. May gabi at araw. Hindi katulad sa Green

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD