Agad kong tinitigan ang papel na kung saan binabasa ko ang kontrata ko. Bigla akong napangisi dahil sa mga bawal gawin ni Mr. Yago sa akin. Puwede na siguro ito. Agad akong pumirma sa ibaba. At sa kabilang side naman ay si Yago. Kailangan ko na itong madala sa lalaki. Hanggang sa muli akong tumayo upang bumalik sa bahay ni Yago. Kailangan ko itong mapapirmahan. Nagmamadali akong lumabas ng bahay na inuupahan ko. At nang makita ako ng security guard ay agad akong pinapasok sa loob ng gate. Nagtataka siguro ito kung bakit pabalik-balik ako rito. Tanging pagngiti lamang ang aking ginawa sa security guard. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng malaking bahay ng pamilya Yago. . . Wala nang katok- katok sa pinto ng library. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng library. Nakita ko ang lala

