(Mr. Ten Tongos Pov) NAGISING ako na masakit ang aking ulo. Subalit hindi naman ako makagalaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong nandito ako sa maliit na silid. Nasaan ba ako naroon? Nang tingnan ko ang aking sarili ay roon ko napagtanto na nakaupo ako sa isang upuan. Nakatali ang aking braso sa upuan at ganoon din ang dalawang paa ko. MULI kong naramdamang ang kirot ng aking ulo. Hanggang sa maalala ko ginawa ng hayop na Emerald na ‘yon. Hinampas ako ng bote na alak sa aking ulo kaya nawalan ako ng malay tao. Kailangan kung makaalis dito. Ngunit nagtataka ako, dahil hindi ko magamit ang aking kapangyarihan na makapaglaho. Ano’ng nangyari sa akin? Mabilis naman akong napatingin sa pinto ng silid na ito na kung saan ako nakakulong. Nakita ko agad ang bulto ni Em

