Kahit anong pagpupumiglas ko ay talagang ayaw akong bitawan ng lalaki. Kaya naman agad kong kinagat ang kamay nito. Ngunit parang hindi man lang ito nasaktan. Mayamaya pa’y naramdaman kong nilagyan ng panyo ang aking bibig. Inayos naman nito ang pwesto ko. Nasa likuran ko ito. At mahigpit na hinawakan ang aking beywang. Ngunit nagulat ako nang gumapang ang kamay nito papunta sa loob ng damit ko at agad na inalis ang unan. “So, gusto mo na mabuntis Emerald…?” nang-aakit na bulong sa akin ng lalaki. Mabilis akong lumingon dito. Hindi ako nagsalita. Saka may panyo pa ako sa aking bibig. Kaya lang biglang tumaas ang kilay ko nang alisin na nito ang panyo sa bibig ko. Mabilis nitong hinawakan ang aking batok at gigil na gigil na hinalikan ang labi ko. Hindi pa bumabalik sa tamang katinu

