(ISAAC’S POV) MARAHAS akong napahinga ng malalim habang nakatingin sa labas ng bintana ng opisina ko. Hawak-hawak ko rin ang kopita na may lamang alak. Halos maubos ko na nga ang laman ng bote ng alak. Pakiramdam ko ay hindi ako nalalasing. Hanggang sa sunod-sunod kong nilagok ang laman ng kopita. . . . Napatingin naman ako sa aking cellphone na panay ang tunog. Wala akong ganang sagutin ‘yon. Alam ko naman kung sino lamang ang caller ko. Walang iba kundi si Mommy. Gusto kasi niya akong pauwiin ka agad dahil kaarawan ko raw. . Alam kong naghanda sila para sa akin. Ngunit sinabi ko na ayaw ko ng maraming tao. Ayos lang kung maghanda sila basta’t walang ibang tao sa bahay kundi kung sino lang ang nandoon o nakatira. Bigla akong napatingin sa aking relo. Nakita kong alas-otso na ng ga

