Hinayaan kong may tali ang aking bibig dahil sa perang alosk sa akin. . Aba! Sayang naman ang 500 thousand na aking makukuha kay Isaacm Ayaw ko naman na maging bato na lamang 'yon. May mga sasabihin pa sana ako sa lalaki. Ngunit saka na muna. Pera ang kailangan ko ngayon. Pagdating sa bahay nito ay nakasunod lamang ako sa lalaki. Hanggang sa makarating kami sa library. Agad akong nagsenyas dito na kung puwede ko nang alisin ang panyo sa aking bibig. Tumingin muna ang lalaki sa akin ng masama na may kasamang pagbabanta, ngunit hindi ako natatakot dito. . Hanggang sa pumayag na rin ito na alisin ko ang panyong nasa bibig ko. Tumayo ang lalaki at pumasok sa isang pinto na nandito sa loob ng library. Nang lumabas ito ay may dala-dala na itong brown envelope. Agad niyang inabot sa akin ang

