BIGLA akong napangisi nang marinig ko ang tanong ni boss Zach. “Kayang-kaya ko nang bumalik sa lugar na ‘yon boss Zach.” At talagang sumandal pa ako sa aking kinauupuan. “Good- Dahil sa Sta. Esmelas ang bagong misyon mo, Emerald.” Sabay abot ng apat na picture sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa picture ng apat na madre. Nagulat pa nga ako dahil walang ulo ang apat na Madre. Ano’ng nangyayari sa kanila? “Iyan ang bagong misyon mo, Emerald. Ang mga nawawalang madre at ang iba ay pinapatay. Hindi ako siguro kung sindikato rin ang may kagagawan o isa lang killer na galit sa mga madre. 25 milyon ang ibabayad oras na malutas mo ang kasong ‘yan.” May inabot din sa akin si boss Zach na dalawang bag na naglalaman ng mga gamit sa aking misyon. “Tatanggapin ko ang kasong ito, boss Zach. A

