“Ahhhh! Nakakainis naman!” Sabay sipa ko sa center table kaya nabasag ito at dumami. Bigla ko ring hinila ang aking buhok. Gigil na gigil talaga ako, nalaman ko sa balita na pinahahanap pa rin ako ng lalaking ‘yon. Ang lakas ng trip ng lintek na 'yon. . Balak pa sanang suntukin ang bintana ng kwarto ko nang biglang may kumatok sa pinto ng silid ko. “Pasalamat ka't hindi ka nabasag ngayon, bintana!” bulyaw ko sa bintana. Siguro kong may makakakita sa akin ay iisipin na baliw ako, dahil pati bintana ay kinakausap ko na rin. Dali-dali na lamang akong humakbang para buksan ang pinto. Nakita ko ang dalawang kasambahay ko. “Dumating po ang tauhan mong si Julmen, may mahalaga raw po siyang sasabihin sa 'yo, bossing Emerald,” anas ni ate Royale. Tanging pagtango na lamang ang aking ginawa

