Asar na asar ako nang makarating sa aking bahay. Hindi ko talaga matanggap na may humawak sa aking dibdib. . . Ngunit hindi ako halos nakaganti sa gagong 'yon. Bigla akong napangisi nang maalala ako ang aking ginawa. Tama lang ‘yon! Saka bumawi lamang ako rito. Pero hindi ko naman nahawakan ng maayos, ah? Oo nga't naipasok ko sa loob ng pants nito ang aking kamay pero agad kasi akong itinulak papalayo sa kanya. Nanghinayang din naman ako. . . Agad akong pumasok sa aking kwarto at isa-isa kong inalis ang lahat ng saplot ko sa aking katawan. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo para mag-shower. Mayamaya pa’y muli akong lumabas ng cr para maglagay ng damit sa aking katawan. NAPATINGIN naman ako sa aking kama na hugis kabaong. Hindi ko alam kung bakit ito ang gusto ko, basta maganda lang

