Dalawang Itlog Ng--

1407 Words
Matuling nagdaan ang maraming taon at ngayon ay walong taon na rin ang lumipas. Isa na akong ganap na Secret Weapon Ng Bansa. Kahit mahirap ang maging training ko ay nakaya ko naman. Nakapasa ako ng mas maaga kumpara sa iba. Ang ibang mga kasamahan ko ay umabot pa ng lima o anim na taon sa pag- training. Pero ako, hanggang tatlong taon lamang ang training ko at agad na binigyan ni boss Zach ng misyon. Halos limang taon na rin akong secret secret weapon ng bansa. Sa edad kong 23 years old ay puwede na akong mag-asawa. Ngunit saka na ang pag-aasawa, dahil may mga tao pa akong babalikan. Hindi pa kami nag-tutuos. Mga animal sila. “Ms. Heto ang cake at ice-cream na order mo, heto na rin po ang chocolate,” anas sa akin ng babaeng nasa harapan ko. Talagang bumili ako nito dahil may paggagamitan ako. May free naman na mga kutsara. Pagkatapos ay ang akong lumabas sa bilihan ng cake. Mabuti na lang at may ice-cream at chocolate rito. Mabilis akong sumakay ng kotse ko. Ngunit maingat ko lang pinatakbo ko ang aking sasakyan. Hanggang sa makarating ako sa Workout Gym na pagmamay-ari ni boss Zach. Wala pa akong misyon ngayon, pahinga pa ako. Saka katatapos ko lang lutasin ang misyon ko at dalawang araw pa lang akong pahinga. Sana lang ay hindi ka agad ako tawagan ng boss kong walang isang salita pagdating sa bakasyon. Agad kong kinuha ang cake, ice-cream at chocolate na nakalagay sa paper bag. Pagkatapos ay dali-dali akong pumasok sa Gym “Helle everyone! Namis ninyo ba ako?!” Malakas na sigaw ko. Sabay-sabay namang napatingin sa akin ang mga kasamahan kong secret weapon ng bansa. Malakas akong tumawa nang bigla silang napasimangot nang makita ang aking dala-dala. Maingat kong ibinaba sa table ang aking dalang pagkain. Lumapit ako sa isang tauhan ni boss Zach at inutusan ko itong bumili ng coke na maliliit. Pagkatapos ako ay agad kong kinuha ang ice-cream. Nakangising tumingin ako kay Ennaya na ngayon ay panay ang boxing. Talagang pinakita ko sa babae ang sarap ng ice-cream na hawak ko. “Emerald, huwag mo ngang ipatakam sa akin ang ice-cream—” Hindi na nito natapos ang sasabihin nang basta ko na lang itong pinasakan ng ice-cream sa bibig. Malakas tuloy akong tumawa. Kahit gigil na gigil sa akin ay agad itong lumapit at basta na lang inagaw ang ice-cream na aking hawak. “Kainin ninyong lahat ‘yan!” Malakas na sabi ko. Nagmamadali akong lumabas ng Gym. Balak ko sanang pumasok sa aking kotse nang mag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag sa ang dati kong kasamahan sa trabaho. Kailangan daw naming magkita. Sinabi naman nito kung saan kami magkikita. Hanggang sa mabilis akong pumasok sa aking kotse at matulin ko itong pinatakbo. Pagdating sa harap ng karenderya ay agad akong lumabas ng kotse. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Agad ko namang nakita si Ponkana na naghihintay sa akin. “Akala ko’y hindi ka na pupunta Emerald—“ “Hindi naman sana, ngunit dahil mabait akong kaibigan, kaya pinuntahan pa rin kita—” paingos na sabi ko. Narinig kong nagbuntonghininga si Ponkana. Biglang napataas ang kilay ko. Ramdam kong may problema itong dinala. Hindi ako nagtanong dito. Naghintay ako sa mga sasabihin nito. “May problema ako! Sobrang takot na takot ako, Emerald. Baka ipapatay ako…” bulong nito sa akin. Halos maningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa babae. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nito. “Ipaliwanag mo nga ng maayos, Ponkana!” “May nasaksihan ako na pagpatay, nakuhanan ko rin ng video at picture. Katapat lang ng apartment ko. Ngunit nakita ako sa bintana. Takot na takot ako Emerald. Noong gabing ‘yon ay panay ang katok sa pinto ng aking apartment. Mabuti na lang at maraming lock ang pinto at bintana ko. Ngunit natatakot pa rin ako, puwede bang doon muna ako sa bahay mo, please!” anas ng babae sa akin. “Walang problema! Doon ka muna sa aking bahay. Puwede ko bang makita ang video at picture?” tanong ko sa babae. Tumingin muna ito sa buong paligid, pagkatapos ay agag inabot sa aking ang maliit na brown envelope. Pasimple kong tiningnan ang picture. Kitang-kita sa picture ang mukha ng killer. May inabot ding flash drive si Ponkana. Nandoon daw nakalagay ang video. “Puwede bang ikaw muna ang magtago niyan. ALAM KONG hahanapin ‘yan sa akin. Ngunit hindi niya puwedeng makuha,” anas ni Ponkana at nasa mukha ang pag-aalala. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito upang pakalmahin ito. “Akong bahala rito. Let’s go, kailangan na nating umuwi— May masusuot ka naman sa bahay ko—” “Susunod na lamang ako, dadaan pa ako sa opisina upang dalhin ang aking report. Alam mo naman kung gaano kasungit ang boss ko.” “Samahan na lamang kita upang makatiyak na safe ka, Ponkana.” Ngunit sunod-sunod na umiling ang babae. Kapag araw raw ay hindi ito natatakot. Hindi katulad sa gabi. Ayaw talagang magpasama ng babae. Tatawag daw ito kapag may problema. Nasundan ko na lang ng tingin ang kaibigan ko. Kaya umalis ako sa pagiging reporter ko. Ang dami kong nakakalkal na mga baho ng mga nakaupo politiko. Baka makapatay ako ng wala sa oras Mabilis na rin akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at matulin ko itong pinatakbo papunta sa bahay ko. Ngunit agad akong nagprino. Napansin ko kasi na maraming tao. Ano bang nangyayari? May mga natanaw rin akong reporter. Agad akong lumabas ng kotse ko. Isinuot ko rin ang aking sombrero. Hindi naman ako Marites, nais ko lang malaman kung bakit may mga reporter at mga tao. Agad akong lumapit sa isang babae upang magtanong kung bakit ang daming tao.. “Kilala mo ‘yong tanyag na doctor sa ibang bansa at maraming negosyo sa iba't ibang panig ng bansa. Sa edad ba 34 years old ay isa nang bilyonaryo, naku, parating daw ngayon dito sa ating bansa—” anas ng babae. Hindi ako nagtanong kung sino ang sinasabi niya? Wala akong pakialam sa lalaking bilyonaryo. Balak ko na sanang umalis nang may sumigaw. “Tumabi kayo! Paparating na si Mr. Yago! Huwag kayong humarang sa daan niya!” Malakas na sigaw ng isang babae. Hindi ko naman alam kong saan dadaan ito. Kaya hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. . Agad kong kinuha ang aking cellphone dahil may nagpadala ng minsahe. Napangiti ako dahil safe si Ponkana. Habang chat ko ang aking kaibigan ay nakatungo pa rin ako. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko dahil may kamay na lumapit sa kabilang dibdib ko. Parang biglang umusok ang aking ilong sa galit. Dahan,dahan kong inangat ang aking ulo, nakita mo agad ang isang lalaki habang ang cellphone nito ay nasa kabilang tanga nito. “Manyak ka!” Sabay suntok ko sa nguso nito ng dalawang sunod. “Hindi mo ba nakikita ang nakasulat sa aking damit, ha? Heto oh basahin mo, ‘Don’t Touch Me! Marunong kabang magbasa! Bastos kang animal ka- Manyaki ka!” Sabay suntok ulit sa tagiliran nito. “Damn!” galit na sabi ng lalaki. "Huwag mo akong ma- damn-damn, lalaking manyakis!" malakas na sigaw ko. Balak ko pa sana itong suntukin nang mabilis nitong hinawakan ang leeg ko. "Wala akong ginawa sa boobs mo! Hindi ko nga nilamas! Dumikit lamang ang aking kamay, kasi may tinuturo ako, tapos Hindi kita napansin-- Saka, hindi lang boobs mo ang aking nahawakan, marami na at pari-parihas lamang ang laki at liit ng mga boobs niyong mga babae, kaya huwag kang mag-inarte riyan!" mariin sabi ng lalaking hindi ko kilala. Hawak pa rin ang aking leeg. "Bitawan mo ako! Huwag mong hintaying magputol-putol ang ugat ko sa utak- Mapapahiya ka sa akin, Bitawan mo ako manyak!" Galit na sabi ko sa lalaki. Ngunit parang bingi ito. Ngunit parang hindi natakot ang lalaki sa aking pagbabanta. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin na may nagbabanta rin. "Ayaw mo akong bitawan?!" Mabilis na gumalaw ang aking kamay at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng pants nito Talagang kinapa ako ang p*********i nito kung gaano kalaki. Bukol lamang ang nahawakan ko sapagkat agad akong itinulak nito. Talagang nanlalaki ang mga mata nito. "Ang liit lang pala! Parang dalawang itlog lamang ng butiki- Pweee!" Mabilis akong umalis sa harap nito at agad ba humalo sa mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD