Bigla naman akong napakamot sa aking batok dahil sa pagtawag nito sa akin ng Ms. Kalbo. Hindi tuloy ako makapagsalita at medyo nahiya rin ako. . . Agad akong binigyan ng panyo ng babae upang punasan ang dugo ko sa aking noo. Nagulat ako rito dahil ipapagamit nito sa akin ang panyo niya. . . “Kilala mo ba sila? Bakit kailangan ka nilang saktan? Ang laki ng mga katawan nila tapos papatulan ang katulad mong bata lamang? Alam kong bata ka pa, kayan tawagin mo akong ate Hell,” anas ng babae sa akin at talagang kumindat pa nga ito. . . Sa mga salita nito ay sobrang bait. Sabagay ang ganda rin nito at parang manika. S itsura nito ay mukhang mayaman din ito. . “Doon tayo sa restaurant, nagugutom ako," pagyaya sa akin ng babae. . “Ms. Hell, wala po akong pera, sapat lang ang pera ko para pa

