(MICHEL'S POV) TALAGANG hindi maipinta ang tabas ng mukha ko habang nandito sa hospital. Dito ako dinala ng Mama ko matapos akong bugbugin ng hayop na Emerald. Ang sarap nitong sunugin ng buhay. Sa totoo lang, bata pa ako ay inis na inis na ako sa pagmumukha nitp. Feel maganda kasi ito. Aminado naman ako na mas maganda ito kaysa sa akin. Kaya nga galit na gali ako rito. Pakiramdam ko’y parang pangalawa lang ako. Paano ba naman, pagdating sa kulay ng balat ay talagang maputi ito, hindi katulad ko na medyo maitim. Lahat yata ng sabon na pampaputi ay ginamit ko na ngunit walang nagbabago sa aking kulay. Isabay na pa mas mataas ito kaysa sa akin. Kung titingnan ay hanggang balikat lamang ako ni Emerald. Ang hindi ko rin matanggap ay ang itsura ng mukha nito na ang sabi ng ibang bata sa b

