ANO’NG TINGIN NIYA SA AKIN BALIW?

1607 Words
Isang linggo ang nagdaan, ngayon ay nakikibaka naman ako rito sa kalye, kailangan kong magpulot ng basura na puwedeng ibenta. Minsan ay kailangan ko ring mamalimos sa mga tao. Ang aking tulugan ay sa plaza ay rito sa likod ng magalong halaman. May karton din ako rito na pinakang sapin. Pagdating naman sa pagligo ay may banyo naman rito sa Plaza at tubig din. Karamihan sa mga naliligo rito ay mga kasamahan ko ring pulubi. Gusto ko sanang umalis sa lugar na ito at pumunta sa Lunsod, ngunit wala akong sapat na pera. Alam kong medyo mahal ang pamasahe. Ang lugar na ito ay parang lunsod na rin at talagang nagtataasan ang mga building. Ngunit gusto ko pa ring pumunta sa lunsod, dahil alam kong mas safe ako roon at malayo sa mga humahabol sa akin. BIGLA naman akong napatingin sa kalangitan at nakita kong biglang nagdilim ang buong paligid at mukhang babagsak ang malakas na ulan. Pero hindi naman ako mag-aalala na mababasa ako ng ula lalo na ang aking hinihigaan sa likod ng mga halaman dahil sa pinakang unahan ng halaman ay may nakatayong maliit na kubo na kung saan nakalagay ang Sto. Ñino upang hindi mabasa kapag umuulan. Malapad din ang bubong kaya sakop ang aking tulugan. “Hoy brusha ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita rito? Saan ka ba nagsusuot.” Mabilis akong lumingon sa babaeng nagsalita sa likod ko, walang iba kundi si Lowane, sa isang linggo ko rito sa kalye ay naging kaibigan ko na rin ito. Palagi akong binibigyan ng pagkain nito kapag marami nitong pera dahil sa panglilimos. Napakamot naman ako sa aking ulo. Sa ibang lugar kasi ako nagpapalimos lalo at nakita ng dalawang mga mata ko ang bulto ni Tess at Michel. May mga kasama silang nga security guard. Hindi nila ako puwedeng makita. Agad kong hinila si Lowane papunta sa likod ng malaking bato. Kahit bago lang kaming magkakilala ay sinabi ko rito kung bakit ako tumakas sa bahay amponan. SINABI ko sa babae na noong nakaraan araw ay nakita ko ang pekeng Madre at si Michel. Kaya hindi ako pumupunta sa lugar na kung saan kami puwedeng magkikita. Kitang-kita ko ang nanlalaking mgaa mata nito. Pagkatapos ay tumingin ito kaliwa at kanan. “Nakita ko rin sila ngayon, tapos narinig ko na kailangan ka nilang makita…” bulong ng babae sa akin. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Talagang hindi sila titigil hangga’t hindi nila ako nahuhuli. . . “Saan mo sila nakita? Samahan mo ako…” bulong ko sa babae. Ngunit sunod-sunod itong napailing at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. “Nag-aalala ako sa ‘yo. Baka mahuli ka at dalhin na naman sa bahay amponan, Emerald.” “Hindi ako magpapahuli sa kanila, pahiram ako ng sombrero mo,” anas ko sa babae. Sabay kuha ng sombrero sa ulo nito para ilagay sa aking ulo. Kahit nag-aalala si Lowane ay napilitan pa rin ito na samahan ako na kung saan nito nakita ang mga kampon ng kadiliman. Mayamaya pa’y agad akong hinila ni Lowane papunta sa likod ng malaking truck. Nakita kasi namin sina pekeng Madre Tess at Michel. Bumaba sila ng kotse. At mukhang bagong-bago ang sasakyan nila. Ngunit si Tess ay nakasuot pa rin ng damit na pangmadre. Nakakahiya ito. Medyo lumapita ako ng baghagya upang marinig ko ang pinag-uusapan ng mag-ina. “Michel anak, hinatayin mo ako rito. Kakausapin ko lang si Madam. Huwag kang aalis dito, saka tumingin ka rin sa buong paligid at baka makita mo si Emerald.” “Okay po, Ma. Akong bahala sa babaeng ‘yon oras na makita ko siya.” Bigla akong napangisi nang makita kong umalis na ang demonyong pekeng Madre. Mukhang makakagante ako sa hayop na si Michel. Agas na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa matanaw ko ang isang dipang kahoy. Agad ko itong kinuha. “Emerald, ano’ng gagawin mo?!” Nag-aalalang tanong sa akin ni Lowane. “Kailangan kong gumanti sa hayop na babaeng ‘yan! Walang kapatawaran ang ginawa niya sa aking kaibigan na si Dave. Mas lalong hindi ko rin mapapatawad ang ina niyang demonyo dahil sa pagpatay sa aking mga mahal na Madre. Akala ko ay umalis lamang sila. Ngunit pinatay sila ng mga satanas na ‘yan!” Mariing sabi ko. “Teka lang Emerald, papatayin mo rin ba sila?” “No! Hindi kamatayan ang sagot upang mabigyan ng hustesya ang mga taong mahal ko. Dahil hangga’t na bubuhay ako ay titiyakin kong magdudusa sila.” Malalaki ang hakbang ko papalapit kay Michel na ngayon ay nakatalikod habang panay ang sigarilyo. Mas matanda ito sa akin. Ngunit wala akong pakialam kung parang ate ko na ito. Para sa akin ay hindi ito puwedeng tawagin na maging ate! Sapagkat kampon ito ng kasamaan. “Saktong lapit ko sa likod ni Michel ay buong lakas ko itong hinampas ng tatlong beses dahilan kaya bumagsak ito. “Ahhhh! Hayop! Sinong humampas sa akin?!” Malakas na sigaw ng babae at pilit itong bumabangon. Ngunit muli kong hinampas ang dalawang binti nito dahilan kaya lalong umatungal ito sa sakit. Agad akong nagsabi kay Lowane na buksan ang kotse nina Michel at kuhanin ang ibang mga pinamili nila. Dali-dali namang sumunod sa akin ang kaibigan ko. Bigla akong napangisi nang dalawang plastic bag na malaki ang kinuha ni Lowane. Agad ko itong pinauna at magkita na lamang kami sa aming tagpuan. “Hayop ka! Emerald- Tingin mo ba ay mpapalampas ni Mama ang ginawa kong pangbubugbog mo sa akin—” Ngunit muling napadain sa sakit ang babae dahil walang beses ko itong sinipa sa tagiliran nito. Hanggang sa mapatingin ako sa kotse nito. Buksan ang bintana. Kaya kitang-kita ko ang bag na palaging dinadala ni Tess kapag aalis ito. Agad kong kinuha ang bag at mabilis ko itong binuksan. Nakita ko agad ang wallet. Muli akong nangisi dahil sa pera na nilalaman ng wallet. Mabilis kong kinuha ang pera at talagang sinaid ko ang laman, wala akong itinira. Hindi sapat ang perang ito sa laki ng kasalanan nila sa akin. “Pera namin ‘yan! Ibalik mon’yan!” Malakas na sigaw ni Michel. Ngunit ngumisi lamang ako. Pagkatapos ay dali-dali akong umalis at baka may makakita pa sa akin. Agad akong itinago ang pera. Alam kong kasalanan ang magnakaw, ngunit para sa akin ay mag matindi ang ginawa nila. Nakakatiyak akong galit na galit sa akin ang mag-inang ‘yon. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa lugar na tagpuan namin ni Lowane. Nakita ko agad ang aking kaibigan. Tuwang-tuwa itong kumaway sa akin. “Wala bang nakakita sa ‘yo? Baka makulong ka oras na makita ang mukha mo, Emerald,” nag-aalalang sabi ni Lowane. Agad kong tinapik ang balikat nito. “Huwag kang mag-alala, dahil safe ako at walang ibang tao ang nakakita—” Nakita kong medyo nakahinga ito ng maluwag. Agad kong inutos kay Lowane na hatiin na ang mga pagkaing nakuha namin. Mas lamang ang babae dahil may ina itong may sakit at dalawang kapatid na maliliit na nasa ilalim ng tulay. Wala namang tumutulong sa babae. Sinasaktan pa nga ito ng mga taong mapepera kapag nanghihingi ng pera. Ngunit isang linggo na ako rito ng wala pang nang- bully sa akin dito sa kalye. Mabait ang mga batang lansangan. “Emerald, sobrang dami naman nang sa akin. Halos ibigay mo na ito sa akin.” Agad kong tinapik ang balikat nito. “Mas kailangan iyan ng mga kapatid at Ina mo. Heto pa ang pera. Para may pambili ka ng gamot nt Inay ko. Dagdagan mo na ang gamot—” Sabay lagay ng pera sa kamay ni Lowane. Kitang-kita ko ang mga mata nito sa gulat. Malaking pera ang nakuha ko sa bag ni Tess. Umabot din ng 25 thousand pesos. Kaya nga ang 15 thousand pesos ay binigay ko na lang kay Lowane. Okay na ako sa sampung libong piso. Bigla akong niyapos ni Lowane. Dinig na dinig ko ang malakas na iyak nito. “Bumili ka ng maraming bigas, saka tatlong araw ka munang huwag aalis sa ilalim ng tuloy. Kailangan nating mag-ingat. Sige na, umalis ka na!” Dali-daling umalis sa aking harapan ang kaibigan ko. Dalawang bese na akong nakapunta sa bahay nito sa ilalim ng tulay at talagang awang-awa ako sa lagay ng pamilya ni Lowane. Kaya tama lang na malaking pera ang ibigay ko sa babae. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Agad kong kinuha ang pinaglalagyan ng kaunting groceries. Hanggang sa tuluyan akong nakabalik sa plaza. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang makita ko ang mga tauhan ni Tess. Talagang pinalibutan nila ako upang hindi makatakas. Mayamaya pa’y agad nilang nahawakan ang aking braso at basta na lang pinaluhod sa lupa. “Emerald- Emerald, tingin mo ba ay nakaktakas ka sa akin? Hayop ka! Ang lakas ng loob mong saktan ang aking anak!” Sabay sampal akin ng ilang beses. Nang huminto ito sa pagsampal sa akin ay agad kong inangat ang aking ulo. "Mas hayop kayo ng anak mo!" balik sigaw ko rito. Kitang-kita ko naman ang galit sa mukha ni Tess. “Sige na, alisin sa aking harapan ang babaeng ‘yan at dalhin sa mental hospital ngayon din!” utos ni Tess na kinalaki ng mga mata ko. Ano’ng palagay sa akin ng demonyong ito isa akong baliw? "Emerald Hycone, titiyakin kong magiging baliw ka sa mental hospital--!" malakas na sigaw ni Tess demonyo. Kahit saan nila ako dalhin ay titiyakin kong makakatakas ako. Lalo at hindi pa ako tapos sa kanila. Ipapalasap ko ang hirap na binigay nila sa akin. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD