Lihim??

1631 Words
Tanging pag-iyak lang ang aking ginawa. Pakiramdam ko’y tuwang-tuwa sina Mother Beth at Mother Tess kapag sinasaktan nila ako. Para silang mga halimaw sa totoo lang. Hindi sila mga Madre. “Emerald? Magnanakaw ka pa ba?!” malakas na sigaw ni Mother Tess sa akin. Ngunit hindi ako nagsalita. Hindi ako aaminin dahil wala akong kasalanan kay Michel. “Wala akong ginagawang kasalanan at mas lalong hindi ako magnanakaw, Mother Tess!” mariing sabi ko habang panay ang tulo ng aking mga luha. Kuyom din ang aking mga kamao. Galit na galit namang tumingin sa akin ang dalawang Madre. Kumuha pa ng dalawang kandila si Mother Beth at tumulong din siya sa pagpatak sa aking dalawang palad. Ngunit tiniis ko sakit. Hindi ako magmamakaawa sa kanila. “Humingi ka ng tawad kay Michel, ngayon din --!” Mariing sabi ni Mother Tess. Ngunit sunod-sunod na naman akong umaling. “Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya? Wala akong kasalanan, ako pa nga ang ninakawan niya!” umiiyak na sabi ko. Kahit patayin nila ako hinding-hindi ako hihingi ng sorry kay Michel. Agad na inalis ang kandila sa aking kamay. Ngunit bigla akong hinawakan sa aking braso ni Mother Tess at basta na lang hinila papalapit kay Michel. “Lumuhod ka sa harap ni Michel at humingi ka ng tawad, Emerald--!” utos ni Mother Tess. Pilit akong pinaluluhod nito ngunit nagmamatigas ako. Dahil ayaw kong sundin si Mother Tess ay agad kong kinagat ang kamay nito upang pakawalan ako. Pagkatapos ay galit akong tumingin dito. “Mas gugustuhin ko pang mamatay Mother Tess, kaysa lumuhod sa harap niya. Lalo at wala naman akong kasalanan sa kanya!” malakas na sigaw ko. Pagkatapos ay mabilis akong nagtatakbo papunta sa aking silid. “Emerald--!” Malakas na sigaw ni Mother Tess. Ngunit hindi ko siya pinansin. Agad kong ini-lock ang pinto. Dali-dali akong pumunta sa likod ng cabinet ko. Agad kong kinuha ang maliit na walet. Tiningnan ko ang laman at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nandito pa ang ibang ipon kong pera. Matagal na ang perang ito sa akin. Palagi kasi akong binibigyang pera ni Mother Margarette noon nandito pa siya kaya nakakaipon ako. Panay rin ang bigay ng pera sa akin ni Mother Merideth. Bigla ko tuloy nahilot ang aking noo. Bakit kasi nakalimutan kong ilagay ang pera rito sa aking wallet? Sayang din ang isang libo. Mabilis kong itinago ang pera ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang boses ni Dave kaya dali-dali kong binuksan ito. Nawala ang inis ko nang makita ko ang mukha nito. Agad niya akong niyaya na pumunta sa likod ng bahay amponan. Ngunit bago ako umalis dito sa aking kwarto ay tiniyak kong naka-lock ang pinto upang hindi pasukin ang aking silid. Hindi ko na hahayan na makapasok si Michel at Nerisa sa aking silid. Hindi nga ako nakakapasok sa kwarto nila. Tapos sila basta na lang papasok sa aking kwarto. Pagdating sa likod ng bahay amponan ay agad kaming naupo sa malaking puno. Maganda ang sikat ng araw ngunit para sa akin ay hindi maganda ang araw ko lalo at sinaktan na naman ako nina Mother Tess. Bigla akong napatingin sa aking palad. Kitang-kita ko ang pamumula nito may mga patak pa nga ng kandila. “Emerald, ano’ng nangyari sa mga palad mo? Sinaktan ka na naman ba nina Mother Beth at Mother Tess?” tanong ni Daddy sa akin. Hinawakan din nito ang aking kamay at dahan-dahan na inalis ang dumikit na kandila. Tanging pagtango lamang ang aking ginawa. Kapag sasagot kasi ako ay baka umiyak na naman ako. Halos sabay kaming napatingin ni Dave sa malaking gate nang bumukas ‘yon. Agad akong hinawakan nito at nagtatakabo kami sa malaking halaman para magtago. Bakit ang daming sasakyan na dumating? Sino kaya sila? “Huwag kang maingay Emerald— Baka marinig tayo. Saka simula nang dumating ako rito ay palagi ko nang nakikita ang mga sasakyan na ‘yan…” bulong ni Dave sa akin. Agad akong tumango sa lalaki. Nang medyo sumilip ako ay nakita kong papunta sila sa lumang bahay sa likod ng bahay amponan. Pinagbabawal ni Mother Tess na pumunta kami roon. Kaya kahit matagal na ako rito ay talagang hindi pa ako nakakarating doon. Ano kayang mayroon sa lumang bahay na ‘yon? Muli akong napatago nang makita ko sina Mother Beth at Mother Tess. Kasama ng mga lalaki. Bigla rin aking natakot dahil may dala-dalang baril ang mga lalaki. “Kailangan kong makapunta sa lumang bahay na ‘yon…” bulong sa akin ni Dave. “Hindi puwede! Pinagbabawal na pumunta roon. Baka mahuli ka ni Mother Tess!” awat ko sa lalaki. Ngunit wala akong narinig na salita mula kay Dave. Naramdaman kong hinawakan ito ang aking kamay ng mahigpit. Hanggang sa umalis na kami rito. Sana lang ay huwag itong pumunta roon sa bahay lumang bahay baka kung ano’ng gawin dito nina Mother Beth at Mother Tess. Hinatid ako nito hanggang sa harap ng pinto ng kwarto ko. “Huwag ka nang lalabas at baka makita ka na naman nina Michel at Nerisa at pag-initan ka na naman nila,” anas sa akin ni Dave. Bigla akong napangiti. Parang matanda na itong magsalita. Pero alam kong mas malaki ang agwat ng edad namin. Tingin paghinga na lamang ang aking ginawa. Agad ko ring ini-lock ang pinto at agad na nahiga sa kama. Nagdaan ang halos apat na oras. Ngunit hindi pa rin ako makatulog. Agad akong bumangon at lumipat sa bintana. Malapit na pa lang dumilim. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang dalawang putok ng baril. Alam kong putok ng baril ‘yon. Minsan kasi ay patago akong nanonood ng palabas sa tv ng action. Kahit pinagbabawal nina Mother Beth at Mother Tess na manood ako ng mga ganoon palabas ay hindi ko sila sinusunod. . . Nang tingnan ko ang aking dalawang kamay ay napansin kong nanginginig ito. May nag-utos din sa akin utak na alamin ko kung ano’ng nangyayari sa likod bahay. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Napansin kong sobrang tahimik ng buong paligid? Tulog na ba agad ang mga kasamahan kong bata? Hanggang sa mapadaan ako sa kwarto ni Dave. Napansin kong hindi naka-lock ang pinto. Kaya agad akong pumasok dito sa loob. UNA kong napansin ang lollipop ng candy. Oo nga pala, nakikita kong palagi itong may lollipop sa bibig. Dala-dala ba niya ito noong pumasok dito sa bahay amponan? Nakaramdam naman ako nang pag-aalala nang makita kong wala rito sa Dave sa kwarto nito? Saan kaya nagpunta ‘yon? Mabilis akong lumabas ng kwarto ni Dave at agad na pumunta sa labas ng bahay amponan. Sa lumang bahay ako pumunta dahil ramdam kong may balak talagang pumunta si Dave sa lumang bahay. Ingat na ingat ang mga hakbang ko upang hindi ako marinig ng mga Madre. Lalo at napansin kong may mga nag-uusap sa loob ng lumang bahay. “Dapat lang ‘yan sa ‘yo, bakit kasi pumunta ka rito? Dapat na tulog ka na lang sana!” narinig ko ang boses ni Michel. “Anak Michel, barilin mo pa siya dahil hindi na siya dapat mabuhay!” narinig ko ang boses ni Mother Tess. “Okay Mama! Akong bahala sa pasaway na ‘yan,” narinig kong anas ni Michel. Medyo nagulat ako dahil sa tinawag na Mama ni Michel si Mother Tess? Mag-ina ba sila? Agad ko namang tinakpan ang aking tainga dahil sa putok ng baril. Ngunit biglang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa beses ni Dave na dumaing. Hindi na ako nag-isip pa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto ng lumang bahay. “Dave!” malakas na sigaw ko. Nakahandusay ito sa sahig at naliligo sa sariling dugo. “Ano’ng ginawa ninyo kay Dave?!” malakas na sigaw ko. Dali-dali akong lumapit sa aking kaibigan. Hindi ko alintana ang dugo sa katawan nito. Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha. “E-Emerald, ha-hanggang dito na lang ang buhay ko, pasensiya ka na kung maiiwan na kita—ngunit mangako ka sa akin, huwag mong hahayaan na patayin ka nila,” pabulong na sabi ni Dave. Kitang-kita ko ang pag-agos ng luha nito. Naramdaman kong may inilagay ito sa akin kamay at nakita ko ang tatlong piraso ng lollipop. “D-Dave, hindi ka pa mamatay, sabay pa tayong lalabas ng bahay amponan na ito!” Malakas na iyak ko. Habang nasa mahinang tinig. “Sana’y palagi mo akong maalala sa lollipop na ito, Emerald. Huwag mo sana akong kalimutan. Saka palagi kang mag-iingat lalo na kay Mother Tess at Mother Beth. Hindi talaga sila tunay na Madre. Dahil pinatay nila ang dating mga Madreng may hawak talaga sa bahay amponan na ito—” Ngunit isa pang putok ng baril ang aking narinig at tinamaan na naman si Dave sa tiyan. “Masyado kang madaldal bata, kaya, maaga kang susunduin ni kamatayan!” galit na sabi ni Mother Tess. “Demonyo ka Mother Tess!” malakas na sigaw ko. Ngunit sunod-sunod akong pinagsasampal nito. Pakiramdam ko ay bangi ako. “Emerald, umalis ka na rito, baka patayin ka rin nila katulad ng ginawa nila kay Mother Merideth—” anas ni Dave. Ngunit dalawang pagbaril pa ang ginawa ni Mother Tess kay Dave hanggang sa tuluyang nawalan ng buhay si Dave. “Daveeeeee!” Malakas na sigaw ko. Kasunod ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung panagip ba ito? Gusto ko nang magising. MAYAMAYA pa’y naramdaman kong may humawak sa aking buhok. “Pasalamat ka Emerald, hindi pa kita puwedeng patayin, malaking pera pa akong makukuha namin sa ‘yo!” Galit na sabi ni Mother Tess. Medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi nitong pera raw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD