Kahit natatakot ay pinilit kong lakasan ang aking loob. Nag-aalala rin ako baka may mga dagang lumapit sa akin lalo at sobrang dilim dito sa loob ng silid na ito. Palagi naman akong kinukulong dito, bakit ba hindi ako masanay, swerte lang ako ngayon dahil may kasama ako.
“Huwag kang matakot, Emerald, nandito lang ako,” narinig kong anas ni Dave. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ng kamay nito sa akin.
“Maraming salamat Dave,” mahinang sabi ko. Naramdaman kong lumapit ito sa akin.
“Puwede ba akong magtanong Emerald? Palagi ka bang sinasaktan dito?” tanong ni Dave sa akin.
Hindi muna ako nagsalita, bigla kasi akong napangiwi dahil sa sakit ng aking likod dahil sa paghampas ng latigo ni Mother Tess.
“Oo, palagi nila akong sinasaktan at pinagbibintangan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Palagi akong dinidiin nina Michel at Nerisa kahit ang totoo ay sila talaga ang may kasalanan. Sa harap nina Mother Beth at Mother Tess ay sobrang babait nila, ngunit kapag nakatalikod sila ay para silang mga demonyo,” anas ko kay Dave.
“Gusto mo bang tumakas dito, Emerald?” mahinang tanong sa akin ng lalaki.
“Oo, gustong-gusto ko. Ngunit hindi ko alam kung papaano. Mataas ang pader, hindi lang ‘yong palaging may bantay na security guard? Baka mahuli tayo. Mas lalo tayong malalagot kay Mother Tess. Baka tuluyan na tayong ikulong niya rito,” malungkot na sabi ko.
“Gagawa ako nang paraan upang makatakas tayo rito…” bulong sa akin ni Dave. Kahit nag-aalinlangan ay kailangan kong magtiwala kay Dave.
“Emerald, Dave—!” Narinig ko ang boses ni Mother Merideth. Nakit kong binuksan nito ang maliit na siwang dito sa pinto at kasya lang ang isang kamay.
“Kuhanin ninyo ito, bilisan ninyo at baka makita ako ni Mother Tess,” anas ni Mother Merideth. Kahit masakit ang aking buong katawan at nagpilit akong tumayo. Ngunit mas naunang tumayo sa akin si Dave at agad na nakalapit sa pinto. Agad nitong kinuha ang plastik bag na binibigay ni Mother Merideth. Mayamaya pa’y muling nagsara ang maliit na siwang kaya purong kadiliman na naman ang nakikita ko.
Mayamaya pa’y nagulat ako nang magkaroon ng liwanag. Napatingin ako kay Dave at nakita ko siyang may hawak na maliit na flashlight.
“Emerald, may flashlight na nakalagay sa plastic bag na galing kay Mother Merideth. May dalawang tinapay at tubig na nakalagay sa plastic bottle, kumain ka na, dahil alam kong gutom ka na,” anas ni Dave sa akin. Agad nitong inabot sa akin ang tinapay. Dali-dali ko itong kinuha dahil nagugutom na ako.
Nang maubos ko ang tinapay ay agad akong binigyan ng tubig ni Dave. Kahit papaano ay nabusog ako.
“Emerald, mahiga ka na rito sa aking hita, babantayaj kita hanggang sa makatulog ka,” anas ni Dave sa akin. Walang pagdadalawang isip na ako’y nahiga sa hita nito. Ito ang tanging naging unan ko. Mayamaya pa’y agad na akong nilamon ng karimlan. Nang magising ako ay puro’s kadiliman pa rin ang aking nakikita. Hindi ko alam kung ano’ng oras na. Ngunit alam kong nakahiga pa rin ako sa mga hita ni Dave.
Dahan-dahan akog bumangon, ngunit talagang napangiwi ako dahil sa sakit ng aking likod. Kailangan kaya kami papalabasin dito? Gusto ko nang mahiga sa aking kama. Gusto kong mahiga maghapon dahil pakiramdam ko’y lalagnatin ako.
Mabilis akong napatingin sa pinto ng madilim na silid na ito nang bumukas at iniluwa si Mother Tess at Mother Beth. Kasama rin ang ibang dalawang madre na alam kong kakampi nila.
“Ilabas ang dalawang pasaway na ‘yan!” galit na utos ni Mother Tess sa dalawang Madre. Agad na lumapit sa akin ang isang Madre at mabilis akong hinila na walang pag-iingat. . . Napatingin ako kay Dave na ngayon ay nakatingin sa akin at kitang-kita ko ang pag-aalala nito. Marahan akong tumango rito upang iparating sa lalaki na ayos lamang ako.
“Pumunta ka na sa kwarto mo Emerald, lalabas ka lang doon kapag may ipag-uutos kami sa ‘yo. Saka may parating kaming mga mayayamang tao, huwag na huwag kang lalabas doon!” mariing bilin sa akin ni Mother Tess. Binangga pa nga nila ako nang dumaan sa aking harapan si Mother Beth.
Kahit masakit ang aking katawan ay dali-dali akong pumasok sa loob ng munti kong silid. Ngunit nagulat ako nang makita kong gulo-gulo ang aking higaan. Pati ang mga damit ko ay nasa ibaba ng sahig. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao, kahit hindi ako magtanong ay alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Walang iba kundi sina Michel at Nerisa. Sila lang naman ang may galit sa akin, samantalang, wala akong ginagawang masama sa kanila.
Agad kong ini-lock ang pinto. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko sa sahig. Pagkatapos ay agad kong inayos ang munti kong kama. May mabuti na lang ay mat cr ako rito sa aking kwarto. Kahit maliliit ang kwarto rito ay may cr naman upang hindi na lumabas lalo na sa gabi. Pinagbabawal na kasing lumabas kapag gabi.
Pagkatapos kong maligo ay narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nang buksan ko ito ay nakita kong si Mother Merideth. Agad itong pumasok sa loob ng silid ko at sinabing kailangan daw nitong gamutin ang mga latay ko sa aking katawan.
“Pasensiya ka na, Emerald, kung wala akong magawa. Gusto kita pakawalan kahapon, ngunit tinutukan ako ng baril ni Mother Tess na talagang kinagulat ko. Parang hindi siya isang Madre kahapon habang nanlilisik ang mga mata,” anas ni Mother Merideth sa akin.
Bigla akong natakot sa baril na sinasabi ni Mother Merideth. Hinawakan din nito ang aking kamay. Napansin ko na medyo kabado ang mabait na Madre.
“Emerald hija, makinig ka sa akin, kung puwede umiwas ka kina Michel at Nerisa. Dito ka na lang sa kwarto mo magtigil, huwag kang lalabas kung hindi ka pinatatawag. Baka kasi umalis na ako rito,” malungkot na sabi ng Mother Merideth sa akin.
“Iiwan mo na ako, Mother Merideth. Puwede bang sumama na lang sa ‘yo?” tanong ko rito habang panay ang iyak ko.
Bigla naman akong niyapos nito. Nakita ko ang luha sa mga mga mata nito.
“Gusto kitang isama, ngunit ayaw pumayag nina Mother Beth at Mother Tess. Patawad Emerald.”
“Tatakas po ako rito!” Mariing sabi ko.
“Kung makakatakas ka, Emerald. Tawagan mo ako sa number na nandito sa papel. Kuhanin mo itong pera at itago mo dahil alam kong kailangan ko ito kapag umalis ka rito. Hihintayin ko ang tawag ko,” anas ni Mother Merideth. Tanging pag-iyak na lamang ang aking ginawa.
Mayamaya pa’y agad akong pinadapa nito sa kama upang gamutin ang mga latay ko sa aking likod. May latay rin ako sa aking dalawang braso. May pasa ako sa aking mukha dahil sa pagkakasampal sa akin ni Mother Beth. Nang matapos gamutin ang mga sugat at latay ko ay agad na ring umalis ng kwarto ko si Mother Merideth. Ngunit panay ang bilin nito na ingatan ko ang pera na ibinigay nito sa akin.
Dahan-dahan akong nahiga sa kama hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Narinig ako dahil sa mga katok ni Mother Merideth mula sa labas ng kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko ang tray na naglalaman ng mga pakain para sa akin.
“Kumain ka ng marami, Emerald. Baka umalis na rin ako mamaya. Palagi kang mag-iingat. Ipagdadasal ko na makaalis ka rito o may umampon sa ‘yo upang makalaya ka na sa kulungan na ito,” malungkot na sabi ni Mother Merideth. Mahigpit ko itong niyapos bago umalis sa aking harapan.
Bakit ganoon? Si Mother Merideth na lang ang kakampi ko rito, tapos aalis pa ito? Agad kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Hanggang sa nagsimula na rin akong kumain.
Nang mabugsog ako ay agad kong dinala sa kusina ang aking pinagkainan. Mabuti na lang at wala sina Michel at Nerisa rito. Nagmamadali akong humakbang para muling pumasok sa kwarto ko. Ngunit bigla akong napahito sa paglalakad nang marinig kong may kausap si Mother Tess.
“Huwag kang mag-alala, Madam kaming bahala sa batang ‘yo,” anas ni Mother Tess sa kausap nito. Dahan-dahan akong sumilip sa pintong nakaawang. Ngunit likod lamang ng isang babae ang aking nakita.
“Basta, tiyakin ninyong walang aampon sa batang ‘yon. Kailangan ko pa ang pirma niya pagsapit niya ng labing walong taong gulang. Kung mapapanatili ninyo siya rito sa bahay ampunan, tuloy-tuloy ang dating ng pera sa inyo. Heto ang isang milyong piso katulad ng pangako ko sa inyo. Mas malaki pa ‘yan sa sunod na buwan pagbalik ko sa sunod na buwan,” anas ng babaeng kausap ni Mother Tess.
Dali-dali naman akong umalis sa harap ng pinto. Lagot ako kay Mother Tess oras na makita akong nakikinig sa kanila. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Ngunit bigla akong napatda nang makita ko sina Michel at Nerisa na nandito sa aking kwarto. Mas nagulat ako dahil hawak-hawak ni Michel ang isang libo na galing kay Mother Merideth.
Paano ‘yon napunta sa kanya? Samantalang itinago ko ‘yon sa ilalim ng unan ko.
“May pera? Saan galing ito? Ninakaw mo ba kay Mother Tess?!” Sigaw ni Michel sa akkin.
“Sa akin ang perang ‘yan! Ibinigay sa akin ‘yan ni Mother Merideth. Ibalik mo sa akin ‘yan!” Sigaw ko kay Michel. Dali-dali akong lumapit dito upang kuhanin ang pera ko. Ngunit buong lakas akong sinipa ni Michel, dahilan kaya natumba ako.
“Ibalik mo sa akin ang pera ko Michel--!” Galit na sigaw ko. Dali-dali ko itong sinundan. Ngunit agad kong nakita si Mother Beth na kausap ni Michel.
Nang tumingin sa akin si Mother Beth ay kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. Hanggang sa nagmamadali itong lumapit sa akin.
“So, magnanakaw ka rin ngayon, Emerald?!” Sabay hawak sa aking panga.
“Wala po akong ninakaw, dahil akin ang perang ‘yan, ibinigay ‘yan sa akin ni Mother Merideth!” Mariing sabi ko sa Madre.
“Sinungalin siya Mother Beth! Ang ang perang ito. Nag-iipon ako ng pera, alam mo ‘yan Mother Beth, sinasabi ko sa ‘yo na nag-iipon ako upang makatulong din dito sa bahay amponan tapos na nakawin lamang sa akin ni Emerald—” Bilgang umiyak si Michel at talagang kitang-kita ko ang luha sa mga mata nila.
“Kahit kailan talaga Michel ay dakila kang sinungaling, magalit sana sa ‘yo ang Diyos!” galit na sabi ko. Ngunit bigla akong hinawakan ni Mother Beth para dalhin sa opisina ni Mother Tess. Nang tumingin ako kay Michel ay kitang-kita ko ang pagngisi nito habang pinakikita nito sa akin ang pera.
Pagpasok sa opisina ni Mother Tess ay nakita kong wala na ang bisita nito.
“Ano naman ang kasalanan ng batang ‘yan, Mother Beth?!” galit na tanong ni Mother Tess.
“Kinuha niya ang perang iniipon ni Michel, Mother Tess. Kahit kailan talaga ay hindi nagtatanda ang batang ito. Ano’ng gagawin natin sa kanya, Mother Tess?!”
Wala akong narinig na salita mula kay Mother Tess.
“Akin ang perang ‘yan, Mother Tess. Ibinigay sa akin ni Mother Merideth--!” umiiyak na sabi ko.
“Tingin mo ay maniniwala pa kami sa ‘yo, Emerald? Alam na alam kong sinungalin ka! Ibuka mo ang dalawang palad mo dahil kailan kang bigyan ng leksiyon!” galit na sabi ni Mother Tess.
“Bakit ba ayaw ninyon maniwala sa akin na akin talaga ang perang ‘yon!” malakas na sigaw ko. Ngunit isang sampla ang aking natamo kay Mother Tess. Kasunod ang paghampas nito ng kahoy sa aking dalawang palad. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang tiisin ang sakit.
“Mother Tess, heto na po ang kandila-“ anas ni Mother Beth, sabay abot ng kandila kay Mother Tess. Malakas akong napaiyak nang maramdaman ko ang pagpatak ng kandila a aking dalawang palad.
“Tama lang na parusahan ang isang katulad mong mangnanaka!” galit na sabi ni Mother Tess sa akin.