“Huwag mong idamay si Dave!” sigaw ko bigla at hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
“Ako lang ang parusahan n’yo kung gusto n’yo, pero huwag siya!”
Nabigla ang dalawa. Nagpalitan sila ng tingin.
Tahimik si Dave, pero may luha na rin sa kanyang pisngi. Hindi siya nagsalita pero hinawakan niya ang laylayan ng aking damit—isang simpleng senyales na hindi ako nag-iisa.
“Ah, sobrang tapang mo talaga. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" gigil na sabi ni Mother Beth.
Ngayon ay may dahilan na silang magalit dahil sa pagsigaw ko. Ito matatanggap ko pa, kaysa inaakusahan nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
“Beth, kunin mo ang latigo ko!”
Nagkatinginan kami ni Dave sa narinig at sabay na napaatras sa may sulok. Kaagad namang tumalima ang isang madre at inabot ni Mother Tess.
“Arraaay!” malakas kong atungal kasabay nang malaking patak ng luha tumama sa aking likod ang latigo.
“Tama na! Pakiusap!” pagmamakaawa ko kay Mother Tess ngunit tila wala itong narinig. At patuloy sa paghampas sa akin sa latigo.
Sa bawat dantay ng latigo sa aking manipis na katawan. Tila ba ang aking balat ay pinupunit ng apoy. Sa bawat hagupit, kumakalat ang matinding hapdi mula sa balat hanggang sa laman, at ang tunog ng pagkalampag nito sa aking katawan ay parang sigaw ng poot. Tumitigil ang mundo sa isang iglap—walang naririnig kundi ang paghinga kong mabilis, ang pintig ng puso kong takot na takot. Hindi lang katawan ang nasasaktan, kundi pati damdamin. Tila binababa nila ang pagkatao ko, kinakaladkad sa lupa ng kahihiyan at pang-aalipusta.
Sa malabo kong paningin dahil nahaharangan nang maraming luha nakita ko ang pagngisi ni Mother Beth sa kanyang nakikita sa aking kinasasadlakan. Hindi larawan ng isang madre kundi larawan ng isang demonyo. Si Dave walang nagawa, patuloy na nagpupumiglas at sumisigaw ng aking pangalan ngunit wala itong magawa dahil hawak ito Mother Beth.
Sa gitna nang aking malakas nahiyaw narinig ko pa rin ang malakas na katok mula sa labas.
“Tama na, Mother Beth! Mother Tess… Maawa kaya sa mga bata! Huwag ninyo silang saktan! Hindi kayo Diyos para husgahan para husgahan ang mga bata!”
Boses iyon ni Mother Merideth. Madiin. Buo. Galit. Ngunit tila may ano’ng nakaharang sa kanilang mga tainga at hindi nila narinig ang sigaw ni Mother Merideth sa labas. Mariin akong napapikit pakiramdam ko ano mang oras mawawalan ako ng malay dahil hindi ko na makayanan ang sakit.
“P-pakiusap lang po… Tama na. Wala po talaga siyang kasalanan. Nagsasabi po ako ng totoo,” nanginginig ang boses ni Dave pero nananatiling matatag.
“Kami po ang mga bata. Hindi po ba dapat kayo ang nagtatanggol sa amin?” Nagkatinginan si Mother Tess at Beth, saka biglang pumulandit ang galit.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Lumapit si Mother Tess kay Dave at hinila siya sa bisig. “Tama na ang kabibida mo, bata!” sigaw niya.
“Ano’ng ginagawa n’yo?!” sigaw ko rin habang sinubukan kong abutin si Dave.
Ngunit hinila na rin ako ni Mother Beth. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
“Pareho kayong pasaway! At kung gusto n’yo ng pansin, ibibigay namin ‘yon sa inyo,” aniya na may ngiting tila may demonyong laman. Parehas kaming hinila palabas nang opisina. Pagbukas ng pinto nakita ko si Mother Merideth na umiiyak at pilit akong inaabot ngunit kaagad nitong itinulak ng demonyang madre.
“E-esme. . .” nanginginig ang boses ni Mother Merideth na tumawag sa aking pangalan ngunit hindi ko man lang magawang tumugon dahil pakiramdam ko nawalan ako ng boses at lakas.
“Huwag ka ng makialam rito, Merideth! Tinuturuan lang naman sila ng leksyon dahil walang pinakakatandaan itong batang ‘to!”
“Saan ninyo dadalhin ang mga bata? Maawa kayo mga bata lang sila. Wala silang alam!” natatarantang wika ng mabuting madre nang kinalakad kami sa may hagdan pababang basement.
“Tumigil ka na! Kung sa tingin mo titigil kami sapag didisiplina sa mga batang ito nagkakamali ka! Ginawa lang namin ang nararapat para turuan sila ng leksyon!” si Beth na tila alagad ng demonyo.
“Pero, Mother Tess. Hindi rin tama na sasaktan mo sila. May ibang paraan po sa pagdidisiplina.”.
“Manahimik ka! Kaya lumaki ang ulo ng batang ‘yan dahil sa katulad ninyong kunsintidor! Nawala na si Mother Margarette ngunit nandito ka naman para harangan ang pagdidisiplina nang mga bata!”
Dinala kami sa pinakailalim na bahagi ng ampunan—sa lumang basement na matagal nang hindi ginagamit. Amoy alikabok, halu-halong kahoy, amag, at kinakalawang na bakal. Walang ilaw, at tanging ang maliit na bintanang nasa itaas ang nagbibigay ng kaunting sinag ng araw.
Binuksan ni Mother Tess ang pinto ng basement at itinulak kami sa loob.
“Sa gabing ito dito kayo matutulog! At hindi kayo kakain. Wala kayong karapatan kumain ang mga batang sinungaling!”
Tumigil si Mother Beth at tumingin kay Mother Merideth na nakatayo sa ‘di kalayuan, halatang gustong pigilan ang lahat pero hindi makalapit.
“Walang puwedeng mangahas na palabas ang mga batang ‘yan hangga’t hindi sila magtatanda! Ang sino man ang mangahas na susuway sa aking sinasabi. Mananagot! Nagkakaintindihan ba tayo?! ang tinig ni Mother Tess at matatag sa kanyang sinasabi. Kaagad naman tumango ang ibang mga kabataan.
Walang batang nagsasalita marahil natatakot ito.
Hinampas ni Mother Tess ang pintuan at isinara iyon. Malakas ang tunog ng pagkakasara. Kasunod noon, ang matigas na tunog ng pagkakandado.
Tahimik kami ni Dave. Ang bawat paghinga ay parang dagundong sa katahimikan ng lugar. Wala kaming upuan, wala kaming sapin sa sahig at wala ring pagkain.
“Ayos ka lang ba, Esme?” tanong ni Dave. Kahit na madilim marahan akong tumango.
“Pasensiya ka na, Dave. Nadamay ka tuloy dahil sa akin. mahina kong sabi. “Kung hindi dahil sa akin…”
“Hindi mo kasalanan, Esme. Wala silang karapatang gawin ‘to kahit kanino.”
Napaupo ako sa malamig at basang semento. Napakapit ako sa tuhod ko at napayuko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang naramdaman ang ganito—ang tila wala nang makikitang bukas. Pero ngayon, hindi ako mag-isa.
Lumapit si Dave at umupo sa tabi ko.
“Gutom ka na ba? Pasensiya ka na wala akong maibigay sa ’yo,” malungkot ang tinig ni Dave siguro naawala itong nakatingin sa akin. Marahan akong umiling ngunit kabaligtaran naman ang tunog ng aking tiyan na kanina pa naghahanap ng pagkain.
Napaluha ako. Hindi dahil sa gutom. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa muling paninindigan ni Dave. Sa gitna ng dilim, sa gitna ng kawalan… may isang taong nanindigan para sa akin.
Narinig namin ang pabulong na yabag sa labas. Tila may tumigil sa harap ng pinto. Humawak ako sa balikat ni Dave. Taimtim ang aming hiling: sana si Mother Merideth iyon.
Isang mahinang boses ang narinig.
“Dave… Esme…” bulong ni Mother Merideth sa likod ng pinto. “Patawad… hindi ko kayo naprotektahan. Pipilitin kong gumawa ng paraan. Magtiwala lang kayo…”
Hindi kami sumagot. Pero napangiti ako sa gitna ng luha. Kahit isang segundo lang, sapat nang maramdaman na may kakampi kami sa labas ng kadilimang ito.