HINDI PO AKO MASAMA

1896 Words
CHAPTER 3 “Mother Beth, huwag po. Natatakot po ako kay Mother Tess," pakiusap ko kay Mother Beth nang hilahin ako nito papuntan opisina ni Mother Tess. Daig pa ang bingi nito at tila walang narinig. Daig ko pa ang isang bagay kung kaladkarin nito. “Mother Beth! Tumigil ka! Hindi na dapat pa ipaabot ito kay Mother Tess. Walang kasalanan si Esme! Sinabi na ‘yon ni Dave, hindi ba?” saad ni Mother Merideth habang pinipigilan nito ang masamang madre. Nakita ko rin ang ibang mga bata rito sa ampunan nakatingin sa akin. Nakita ko ang awa sa kanilang mukha ngunit kabaligtaran naman sa grupo ni Michel na tila mas nasisiyahan pa sa ginawa ni Mother Beth sa akin. Nakita si Michel nasa grupo nila Nerisa tila isang demonyong nakangisi habang nakataas ang gitnang daliri. Lahat sila pinagtatawanan ang nangyari sa akin. ‘Wala akong ginawang masama sa ‘yo, Michel? Bakit mo gustong nakikitang pinapahirapan ako!’ sigaw ng aking isipan. “Tumigil ka, Merideth. Kung ayaw mong pati ikaw mapaparusahan!” singhal ni Mother Beth at buong lakas na itinulak sabay buong hila sa akin papasok sa opisina kasama si Dave. Parehas kaming napasulampak sa sahog dahil sa lakas ng pagkakatulak ng madre sa amin. “Bakit Mother Beth? Ano ‘ng nangyari? Ano’ng kaguluhan ito?” Nakataas ang kilay na tanong ji Mother Tess. Sa kanyang hitsura makikita mo na ang kanyang kamalditahan. Si Mother Tess ang pinakamasama sa lahat. Lahat ng batang may kasalanan kanyang pinaparusahan. Kung pagdidisiplina ang tawag sa kanilang ginagawa ngunit sumusobra na sila. Porke’t alam nilang wala kaming kakayahang lumaban kaya para kaming walang buhay kung kanilang tratuhin. “Mother Tess, ang batang ito, wala na talagang pinakatatandaan! Siya ba naman ang nagpasimuno kung bakit nagkakagulo rito sa ampunan. Siya ang may kasalanan bakit nasugatan ngayon si Michel,” sumbong ni Mother Beth. Mariin akong napapikit. Ayaw kong makikita ang pagmumukha ng matandang madre, kahit hindi ko nakita ang kanyang hitsura ngunit nararamdaman ko ang matalas niyang tingin sa akin na mas lalong nabibigay sa akin ng takot. Hindi ko mapermi ang aking mga kamay dahil sa aking panginginig. Mahina akong napaatras sa dingding gamit ang aking pang-upo. Wala akong lakas para tumayo dahil sa pangangatal ng aking mga tuhod nang nararamdaman ko ang tunog ng mga yabag ni Mother Tess. Nang sulyapan ko si Dave tahimik na nakaupo na rin ito nakasulampak sa semento. Tila hindi ito nakitaan ng takot. Ngunit sa akin tila ako halos makahinga dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng hangin. Pakiramdam ko ano mang oras mawawalan ako ng malay dahil sa takot na aking nararamdaman. Napayulo ako ng ulo at , pinaglalaruan ang laylayan ng aking damit habang pinipilit pigilan ang mga luhang gustong muling bumagsak. ‘Siguro kung may mama at papa lang ako. Siguro hindi ko mararanasan ng ganito? Mahal na mahal kaya nila ako? O baka malas din ang tingin nila sa akin kagaya ng tingin nila Mother Beth at Mother Tess sa akin.’ Hindi ko mapigil ang aking mga luha dahil mas lalo akong nasasaktan sa isiping ‘yon. Talagang nangangarap pa ako ng gising. Kaya nga nandito ako sa bahay ampunan ngayon dahil hindi ako mahal ng mama at papa ko. Ipinimigay nila ako at pinabayaan dahil kaya sa akin nagkahirap-hirap sila. Ako ang malas sa buhay nila. Sa harap namin, nakatayo sina Mother Beth at Mother Tess. Pareho silang may nakakunot na noo, at malamig ang mga titig na tila mga punyal na nais sumaksak nang walang pagdadalawang-isip. “At sino naman ang batang ito?” Turo ni Mother Tess kay Dave. Nanatiling nagpang-abot ang kanyang makakapal na kilay. “Siya po ‘yong batang dinala kahapon,” maikling tugon ni Mother Beth. Marahan napailing-iling ang matandang madre. “Hay, naku, Dave. Kabago-bago mo pa rito. Hindi ka pa man nagtatagal dito, Dave, sumasama ka na agad sa kaguluhan,” mariing sabi ni Mother Tess, ang tinig ay parang bulong na may kasamang panggigigil. “At ikaw naman, Esme… talagang hindi ka nauubusan ng gulo. Ano ‘ng klaseng bata ka ba? Ilang beses ka na naming pinaparusahan hindi ka pa rin nagtatanda? Saan ba inilagay ang iyong utak?!” napaigik ako nang biglang pisilin ng matandang madre ang aking pisngi na tila ba may panggigil at puno ng inis. Hinawi ko ang kanyang kamay ngunit mas lalo lamang hinigpitan nito ang kanyang ginagawa. Napasinghap ako nang nakita ko sa kanyang mga mata ang matinding galit. Pero hindi ako nagsalita. Natatakot ako. Nakakasindak ang kanyang tinig. Pero higit pa roon, napapahiya ako. Para akong ibinilad sa liwanag habang lahat ay nambabato. Biglang bumukas ang pinto at at iniluwa doon si Mother Merideth. Nakita ko ang mabangis na awra nu Mother Beth na nakatingin sa kasama niyang madre. “Walang kasalanan si Esme. . . at si Dave mismo ang nagpapatunay na inosenti siya. Maniwala ka sa kanyang Mother Tess,” si Mother Merideth. Napatulo ang aking luha dahil sa kabutihan niya sa akin. Nawala man si Mother Margarette ngunit may ipinalit. Alam kong wala siya sa posisyon para magdedesisyon tungkol sa akin ngunit sa aking puso masaya ako. Kahit sa mura kong edad ngunit natuto akong kumilala sa mga taong tunay nagmamalasakit sa akin. At naging mature ang aking isipan. “Mother Merideth, masyado ka yatang a-touch kay Esme. Ilang buwan ka palang dito. Hindi mo pa lubusang kilala si Esme. Kami matagal na kamo kaya alam na namin ang gawain ng batang ‘yan! Siya ang puno’t dulo sa lahat ng kaguluhan dito sa loob ng bahay ampunan. Kaya huwag kang umasta na kilala mo na ang batang ‘yan!” halos lumabas na ang litid sa leeg ni Mother Beth dahil sa matinding galit habang dinuduro si Mother Merideth. Naawa ako sa kanya dahil sa akin napagalitan siya. “M-mother Merideth, t-tama na po. Napapagalitan po kayo dahil sa akin,” sa wakas na isa tinig ko rin. “Tssk. . . huwag kang umastang mabait bata ka! Dahil pwerihisyo ka dito!” si Mother Beth. Hindi naman talaga ako nagtataka dahil simula nang dumating si Michel sa bahay ampunan ito na ang kanyang paborito dahil magaling itong umarti at magsinungaling. “Mother Beth, puwede bang huminahon ka muna! Bata ‘yang kausap mo. Para kang hindi madre kung umasta. Daig mo pa ang batang inagawan ng kendi,” mahinahong tugon ni Mother Merideth ngunit alam kong natatamaang ego ni Mother Beth dahil tila Leon itong handang manakmal ng kalaban. “Tumigil kayong dalawa! Merideth! Beth! Para kayong mga bata. Merideth. Lumabas ka muna, hayaan mo kaming lutasin ang problemang ito na kami lang. Huwag kang makisali,” “Mother Tess, hindi naman sa nakikiaalam ako. Alam kong hindi ko pa lubusang kilala si Esme. Pero alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Maging fair sana kayo sa lahat ng bata rito,” diritsahang tugon ni Mother Merideth. Nakita ko ang pagtaaa ng matanda madre. Paniguradong hindi nagugustuhan ang sinabi ni Mother Merideth. “Ingrata! Kinu-question mo ba ang pamamalalad ko rito?” hindi maitago ang galit sa mukha nang matandang madre. Hindi ko maiintindihan, alagad sila ng Diyos pero kabaligtaran ang pinapakita nilang ugali rito sa loob ng ampunan. Mabit lamang sila kapag may mga bisita na nagbibigay ng tulong para sa amin. “Hindi naman sa ga—” hindi natapos ang sasabihin ni Mother Merideth nang itaas ang kamay nang Madre hudyat na dapat tumigil ito. “Huwag ka ng magpaliwanag pa!” singhal ng matanda sabay lingon kay Beth. “Palabasin mo nga ito!” Dahil sa narinig walang babalang hinila palabas si Mother Beth ang mabait na madre. Upang wala nang maging sagabal sa kanila. Bago pa man tuluyang nakalabas ng pituan si Mother Merideth, namumungay ang matang tumingin ito sa akin. Hanggang narinig ko ang tunog ng lock ng pinto. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba, napag-igtad ako. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Dave at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kanyang kulay brown na mata. Matangos ang kanyang ilong. Masasabi kong guwapo? Bakit kaya napunta siya rito sa bahay ampunan? Ulila na rin kaya siya? “Esme . . . huwag kang matakot. Nandito lang ako,” nakaramdam ako ng kunting ginhawa nang marahang pisilin nito ang aking palad. “S-salamat...” halos pabulong kong tugon. “Huwag ka munang magdiwang, Esme. Dahil hindi ka pa nahahatulan ni Mother Tess!” Ang mga mata ni Mother Beth ay tila isang demonyo nakakatakot. Hindi ko alam bakit ba ang napakainit ng dugo niya sa akin. Napalunok ako. Pakiramdam ko'y unti-unti akong nilulunod ng sarili kong takot. Ramdam ko rin ang tensyon kay Dave, na halos hindi rin makatingin sa kanila. “Ngayon, sabihin niyo sa amin ang totoo!" matalim ang boses ni Mother Tess. “Dave, tinatakot ka ba ni Esme kaya mo siya pinagtanggol kanina?” Napalingon ako kay Dave, mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi… sana huwag siyang bumigay. Sana hindi siya matakot. “Hindi po. Sinabi ko lang ang totoo," mahinang sagot ni Dave. Tumawa si Mother Beth. Mapait. “Totoo? Sa tingin mo may maniniwala sa isang batang kagaya mo? Bagong salta at walang alam sa batang iyan? Sino ang mas kapani-paniwala ikaw o si Michel?” Nanginig ang balikat ni Dave. Gusto ko siyang yakapin, pero pinili kong manahimik dahil walang lumabas na tinig sa aking bibig. Lumapit si Mother Tess sa akin. Yumuko siya at inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Tingnan mo ‘ko sa mata, Esme.” Dahan-dahan akong tumingala. Gusto kong maging matapang pero nanginginig ang aking mga tuhod. “A-a-ano pong gusto n’yong sabihin?” “Gusto kong malaman kung may kinalaman ka sa insidenteng 'yon. Kung aamin ka ngayon, baka mapatawad pa kita. Pero kung magsisinungaling ka…” Tumigil siya sandali, saka marahang humawak sa aking baba—katulad ng ginawa ni Mother Beth kanina. “Ngunit kung hindi…mas titindi pa sa ngayon ang sasapitin mo.” Pananakot ni Mother Tess sa akin. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi. Ramdam ko ang pait ng laway ko. Tiningnan ko si Dave, at nakita ko kung paanong bahagya siyang umiling, parang sinasabi niyang, 'Huwag kang matakot' Lihim akong huminga nang malalim. “Hindi ko po kasalanan. Sinabi na po ni Dave ang totoo. Hindi po ako ang nagsimula.” Muli akong binulyawan ni Mother Beth. “Lagi ka na lang may dahilan! Esme, hanggang kailan ka magtatago sa likod ng awa? Ganiyan talaga ang asal mo—palusot, paawa, kasalanan ng iba!” “P-pero. . . M-mother Tess, nagsasabi po ako ng totoo,” nauutal kong tugon..Hindi ko alam kung paano ko naitawid ‘yon dahil sa panginginig ng aking labi. “Sinungaling! Binigyan na kita ng pagkakataon na magsabi ng totoo pero nagmamatigas ka pa ring bata ka! Napakasama mo talaga!” Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas, pero tumayo ako. Hindi para lumaban, kundi para ipakita na hindi na ako matitinag kahit paulit-ulit pa nila akong maliitin. “H-hindi po ako masama… kahit anong sabihin ninyo..." pabulong pero buong paninindigan kong sabi. Tahimik. Tila hindi inaasahan nina Mother Tess at Beth ang tugon ko. “Sino'ng nagturo sa 'yo magsalita nang ganyan, ha?!” galit na galit si Mother Tess. “Si Mother Merideth ba? O itong si Dave?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD