(EMERALD’S POV) PABAGSAK akong nahiga sa ibabaw ng kama na ngayon ay nandito sa aking camping tent. Katatapos ko lang maligo at medyo basa pa aking buhok. Ngunit bigla namang bumuhos ang malakas ng ulan sa labas. Ngayon lang ulit sumapit ang gabi. Kaya kahit papaano ay nakakatulog ako. Medyo nakakapagod din maghapon para sa pagmamasid sa bahay ni Pinunong Purdel upang makalakap ng mga ebidensya. May nalaman pa ako. May hawak daw na tatlong madre ang hayop na Pinunong Purdel. Nalaman ko rin na naglabas ito ng pera upang mahanap si Mother Margarette. Bigla akong napaisip? Hindi kaya nandito rin sa Greenen Muwa si Mother Margarette? Hindi maglalabas ng malaking halaga ang hayop na ‘yon kung wala ito rito. Tapos nalaman kong balak nitong pugutan ng ulo ang mga Madreng hawak nito bukas ng g

