Sad, Beautiful, and Tragic
Sad, Beautiful, and Tragicโฆ
That's how my stories go on.
That's how I work with every piece I write. I don't know why, but every time I write, even though I started it hoping I could make a happy ending, things wonโt go my way. The ending would be the same. Yeah, it may be sadโbecause that's how the story should be. Then it will be beautiful in a way that every heart will flutter, but at the endโit is still tragic. It is still heartbreaking.
"Nakakainis ka na, Alelia!" Nagdadabog na wika ni Thea, kaibigan ko, habang palabas kami ng cafรฉ.
Nilingon ko lang siya pero hindi nagsalita. Alam ko kung anong pinaghuhurumentado niya pero wala ring silbi pa kahit magwala siya. Nagawa ko na at naipasa na rin sa publisher ang nobelang katatapos ko lang gawin.
"Hindi mo ba talaga kayang sumulat ng masaya man lang na katapusan? 'Yung hindi namatay ang bida o kaya naman ay iyong nagkatuluyan naman sila. Sayang ang mga sinusulat mo kung puro ang lulungkot naman."
"May nagbabasa ng mga gawa ko kaya hindi sayang yun. Isa pa, naggagawa ko ang pangarap ko and at the same time kumikita ako kaya hindi sayang ang pagsusulat ko." Nagpatuloy kami sa paglalakad na dalawa hanggang makarating sa sakayan ng bus.
"Okay, tama ka diyan. Pero alam mo bang ikaw na ang gustong isunod ng mga reader mo sa tuwing maiisip mong patayin ang character mo o kaya naman ay ang paglayuin sila?"
Muli, hindi ako nagsalita. Nakipila kami sa mga sasakay ng bus. Nasa Batangas kami at pupunta kaming Baguio. Ten days kami roon dahil doon gaganapin ang seven days na workshop namin, samantalang ang natitirang araw ay kaunting unwind.
Tahimik na si Thea nang makasakay kami. Buong akala ko ay tumigil na siya sa kakaaway sa akin tungkol sa malulungkot kong nobela, pero mukhang hindi pa.
"Kahit isa lang, baka naman pwedeng maging masaya ang ending. Oo, loner ka pero hindi ka naman man hater, hindi ka rin naman broken pero bakit kailangang tragic lang ang isinusulat mo?"
Naubos na lahat ng pwede kong ikatwiran sa kaniya. Ilang taon na kaming magkaibigan ni Thea. Nagsimula iyon ng sabay na-publish ang libro namin. Nagkakilala kami online, nagkita ng personal hanggang sa nagtagal ay naging buddy namin ang isa't isa. Kapag nauubusan ang isa ng inspirasyon o gana nang pagsusulat, palaging on-the-go ang isa para tumulong.
Ngunit kailanman, tila hindi niya naunawaan na sa bawat pagsusulat na ginagawa ko, hindi rin madali para sa akin na maging malungkot ang katapusan, pero iyon ang tinitipa at isinusulat ng mga kamay ko.
"Mas tumatatak sa puso ng mambabasa ang mga kwentong nagpapaantig sa kanila. If I switch to fairytale-like stories, baka hindi maganda ang kalabasan." Casual kong wika sa kaniya bago inihilig na ang ulo sa may bintana.
Mahaba ang buong byahe. I can't bear to hear Theaโs grouch about my stories.
"Pwede mo naman kasing i-cut na lang doon sa masayang part. Bakit kasi dinadagdagan mo pa uli tapos ang labas tragic?" Nagmamangol pa ring saad ni Thea na sinamahan pa ng paghalukipkip.
"You know, I'm trying. But then, even the writer's imagination has said there to be no limit, their feelings are." Ipinikit ko na ang mga mata ko. I really don't want to talk about why my novels are like that.
Naramdaman ko ang pagtitig niya. I felt her move, and then said in a low voice, "I really don't understand."
I hugged my backpack, but didnโt say anything.
I actually don't understand either. I don't understand why they have to be so sad.
They are beautiful, yet they are tragic.
Someone said that maybe my past has to do with it. But, that's a big no.
Nagmula ako sa malaki, masaya, at maingay na pamilya. Sampu kaming magkakapatid at pangpito ako sa amin. Simple lang ang buhay namin pero masaya. Literal na average class. Maagang nag-asawa sina inay at itay at dahil hindi pa uso noon ang family planning, dumami kami nang hindi namamalayan. Tandang-tanda ko pa ang palaging sinasabi ni itay kapag magkakasama kami at may nagtanong na, โAnak ninyo lahat iyan?โ
"Oo, eh. Hindi ko din namalayang dumami na pala. Sasabihin ni itay at tatawa."
Naiiling na lang kami at matatawa sa kaniya.
Pagdating sa mga relasyon, hindi ko rin matandaan kung may lalaki bang bumiyak ng puso ko. I'm 25, and still single. Dalawang beses akong nagka-boyfriend. Isa noong high school at isa noong college, but it didn't work. Ngunit masaya at maayos kaming naghiwalay. Walang samaan ng loob. Ngayon, ilang taon na akong walang boyfriend pero kailanman ay hindi ako naghanap. May nanliligaw naman sa akin, pero ang puso talaga kung minsan mailap.
May nagsasabing ang mga katulad daw naming writer ay sadyang mahirap hulihin ang puso. Nakakaya kasi naming mabuhay ng walang lalaking magpaparamdam sa amin ng atensyon dahil kaya naman naming lumikha, malunod at sumaya habang sumusulat at gumagawa ng mga lalaking ayon sa gusto namin.
Ngunit alam ko rin naman na darating ang panahon na kakailanganin namin ng kapareha sa buhay. Hindi habang buhay ay bata ako. Pero kagaya ng mga nakasulat sa kwento, hindi natin pwedeng turuan ang pusong magmahal na lang basta ng kung sino.
Wala akong gusto. Crush siguro, pero literal na paghanga. Paghanga na kapag nagtagal ay nawawala din. Naglalaho na lang kasabay ng hangin.
Ngunit may isa akong sikreto.
Walang nakakaalam nito maliban sa akin. Iniisip kong baka may kinalaman siya sa pagsusulat ko ng malulungkot na kwento pero wala ring tiyak na basehan kung iyon nga ba.
Bata pa lang ako ay mahilig na akong magbasa at magsulat. Hilig ko ring manood ng mga mada-drama, nakakatawa at malulungkot na panoorin. May pagkakataong pinagsasama-sama ko sa isip ko ang mga character nang nabasa o napanood ko at gagawa ako ng sarili kong kwento. Tumagal na ganoon ang ginagawa ko at habang lumalaki ako ay naggagawa kong lumikha ng sarili kong kwento at karakter.
Naalala ko noong high school pa ako noon ay palagi akong may basehan sa paggawa ng mga karakter ng kwento. Halimbawa ay dapat parang si Jack ng Titanic, o kaya ay si Dennis ng Ghost fighter na cool, matalino at palangiti, pero nakakatakot kapag nagagalit.
Hanggang isang araw ay naisip kong lumikha ng sarili kong karakter. Iyong purong sa akin nagmula. Mabilis kong natapos ang leading lady. Simula sa hitsura, hilig, pinagmulan at iba pa. Pero nang nililikha ko na ang leading man ko ay nahirapan na ako. Wala akong gaanong alam tungkol sa mga lalaki, maliban sa mabiro sila, mapang-asar, nakakainis, at kung ano-ano pang katangian ng normal na lalaki. Mga katangian na halos gaya ng sa mga kapatid ko. Pero ayaw ko ng basta na lang, I wanted him to be unique.
Naalala ko pa...
"Alelia, matulog ka na. May pasok ka pa bukas!" Mula sa labas ng kwarto namin ay dinig kong wika ni inay.
"Opo!"
"Tama na iyang pagsusulat mo ng kung ano-ano, ha. Baka mamaya ay wala kang isagot sa test mo," malakas na dugtong pa ni inay.
Nakasimangot kong niligpit ang mga gamit ko. Itinago ko ang makapal kong notebook kung saan ako nagsusulat. High school pa lang ako at wala pa akong laptop. Humihiram nga lang ako kina ate at kuya kapag may project ako.
Balang-araw magkakaroon din ako ng sarili kong laptop.
Nahiga na ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong klaseng lalaki ang gagawin ko sa kwento ko. Dapat kasi malakas siya, maginoo, masipag, matalino.
Pero masiyado namang perfect kapag ganoon. Dapat iyong parang tunay na tao talagang may mga kapintasan din.
Nagpatuloy ako sa pag-iisip hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
*****
Nagising ako sa maingay na sigawan sa labas.
"Bilisan ninyo! Bilis!" dinig kong sigawan sa labas.
Bumangon ako. Wala na sina ate sa tabi ko kaya lumabas na ako ng kwarto pero ang pinagtataka ko ay pagbukas ko ng pinto ay tila nasa ibang lugar ako. Kumurap-kurap ako ngunit hindi man lang nagbago ang itsura ng paligid. Sinubukan kong sampalin ang sarili ko pero walang nagbago sa paligid.
Noon ko lang napagtanto na nananaginip ako. Madalas akong managinip at minsan parang totoo. Noong una ay parang natatakot pa ako pero dahil sabi ni inay na nangyayari daw iyon kapag masiyado akong nagpapaapekto sa mga binabasa at napapanood ko, nasanay na ako. Nalaman ko ring kung minsan, konektado ang panaginip natin sa mga nangyayari sa tunay na buhay.
Naglakad-lakad ako at nakakita ng mga taong nagtatakbuhan. Wala akong kilala sa kanila at hindi ko rin maaninaw ang iba dahil parang blurred ang mukha nila. Sinubukan kong magtanong pero walang pumapansin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung nakikita ba nila ako o ano.
"Kuya! Ate! Ano pong nangyayari?" tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinapansin.
Nagpatuloy lang sila sa pagtakbo. Tumingin ako sa pinanggalingan nila at naghahanda ng makitakbo din. Pero natigalgal ako ng makita ang dalawang malaking tigre na mabilis na tumatakbo patungo sa direksyon ko.
OMG!
Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Nanigas na ang paa ko sa kinatatayuan ko.
"Gising, Alelia! Panaginip lang iyan! Gising!" Sinubukan kong sampalin ang sarili ko hanggang maramdaman kong kaya ko ng tumakbo.
Naggawa kong tumakbo pero sa kasamaang palad ay napatid ako. Lumingon ako at nakita kong palapit na ang dalawang tigre. Hindi pa ako nagkikita ng tigre sa totoong buhay pero alam kong mas malaki sila kumpara sa totoong buhay. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at naghanda sa paglapit nila. Hindi ko tiyak kung magigising ba kaagad ako bago nila ako masakmal o masasaktan muna ako bago ako magising.
"Alelia! Panaginip lang ito.. Gumising ka na!" Nanginginig ang katawang bulong ko sa sarili.
Ilang segundo ang lumipas ngunit tila isang oras na ang dumaan. Nakahanda na ako na anumang oras ay sasakmalin ako ng tigre ngunit nagulat ako nang may humila ng kamay ko para makatayo ako.
โSumunod ka sa akin.โ
Napakurap ako sa taong bigla na lang humila sa akin. Nakapula siyang jacket at asul na sombrero. Mas matangkad din siya sa akin. Tinitigan ko siya pero hindi ko makita nang maayos ang mukha niya.
Humigpit ang hawak niya sa akin ng bigla na lang siyang tumalon kung saan.
"Hooyy! Anong!! Waahh!" bulalas ko dahil sa pagkabigla nang tumalon kami.
Napakapit ako sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit na mahigpit. Tiningnan ko siya pero nakayuko ang ulo niya. Nahuhulog kami pero tila ba napakakalmado lang niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.
"Siโ"
"Alelia! Bangon na! Tanghali na."
Nagmulat ako ng mata at ang unang sumalubong sa mga mata ko ay ang puting kisame namin.
'Hindi! Gising na ako! Hindi ako pwedeng magising!'
Sinubukan kong matulog pero hinila na ako ni ate sa paa.
"Bangon na, Alelia. Tatanghaliin ka na sa pagpasok!"
"Five minutes na lang," ungot ko at halos sipain ko si ate para bitawan ang paa ko.
"Maliligo ka pa ay pagkabagal-bagal mo pang kumilos," pamimilit nito sa kaniya at inabot na ang dalawang paa niya.
Napilitan na akong bumangon kahit labag sa loob ko. Naiinis akong hindi ko siya nakausap. Naiinis ako at hindi ko man lang alam kung anong nangyari pagkatapos pero mas naiinis ako dahil hindi ko maalala ang mukha niya.
Habang naliligo ay para bang dama ko pa ang mainit niyang palad sa kamay ko, ganoon din ang mabilis na t***k ng puso ko pero kahit anong halukay ko sa isip ko ay hindi ko matandaan ang mukha niya.
Iyon ang unang pagtatagpo namin ng lalaking nakapula..
*****
Buong akala ko ay isa lang simpleng panaginip iyon na dumaraan sa isang tao paminsan-minsan. Walang ibig sabihin maliban sa talagang tumatak siya sa puso ko. Buong akala ko din ay hindi ko na siya makikita.
Ilang taon ang dumaan at nasa college na ako. Uwian ako kahit isang oras mahigit palagi ang byahe ko mula sa bahay at sa school. Mas mapapamahal kasi ako kapag kumuha pa ako ng dorm kaya nagtiyaga na lang akong mag-commute. Noong mga panahong iyon ay sumisikat ang w*****d kaya sinubukan kong mag-try na magsulat doon.
Katuwaan lang. Tsaka para may iba na ring magbasa ng mga sinusulat ko. Pangarap ko talagang maging writer/ author kaya nga kahit ayaw nina itay noong una ay pumilit akong kumuha ng Journalism. Mabuti na lang at sinuportahan naman ako nina ate at kuya.
Kauuwi ko lang nang salubungin ako ni Nini, ang bunso namin.
"Ate, tapusin natin mamaya yung Goblin! Wala namang pasok bukas!โ Excited na wika ni Nini.
"Sige, pagkakain natin."
Dose anyos pa lang siya pero mukhang namana niya ang hilig ko. Kaya nang matapos kaming kumain ay nanood kami ng Goblin sa laptop ko. Pinag-ipunan namin ito nina itay at inay para matapos hulugan. Tatlong hulog din bago namin ito natapos sa Home Credit.
Malalim na ang gabi nang matapos kaming manood ni Nini. Magkatabi kaming natulog kaya kita kong halos kahihiga pa lang niya ay tulog na tulog na agad siya. Ako naman ay nag-update muna sa w*****d. Iilang reads pa lang ang nakukuha ko pero okay lang. Mahalaga, kahit 'wag nilang pagtuunan ng atensiyon, 'wag lang nilang kopyahin ang gawa ko.
Nahiga na ako at sinubukan nang matulog. Ngunit ito ata 'yung panahon na kung kailan free kang matulog ay hindi ka naman dalawin ng antok. Nagpabiling-biling na ako ay hindi pa rin ako makatulog. Nagbasa ako ng English Novel, baka sakaling malugaw ang utak ko sa mga English vocabulary at antukin ako.
Hindi nga ako nagkamali at ilang sandali lang ay nakatulog na.
*****
Makaraan ang ilang sandaliโฆ
Nagising ako sa malakas na tunog ng kampana.
Malayo kami sa simbahan kaya nagtatakang nagmulat ako ng mga mata. Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto kong nakahiga pala ako sa kalsada.
"Hala! Ano ito?"
Napahawak ako sa sarili ko nang makita kong hindi na ako nakapantulog. Nakasuot na ako ng kulay puting gown at may mahabang belo na nakalagay sa ulo ko. Hinawakan ko ang mukha ko at kahit wala akong salamin ay alam kong may make-up ako.
'Bakit nakadamit pangkasal ako?' hindi makapaniwalang wika ko.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay sunod-sunod ang sasakyang tumigil sa tabing kalsada. Bumaba ang mga lalaking naka-tuxedo at mga babaing nakasuot ng pulang gown.
โAnong?โ
Isang babae ang bigla na lang sumulpot sa harap ko at hinila ako.
"Magsisimula na ang kasal, halika na," saad nito sa'kin.
Sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Wait lang!" awat ko sa kaniya.
"Nasa loob na ang groom. Hindi ka na pwedeng umatras."
"Pero? Anong groom?"
Hindi ito ang unang beses na nakapanaginip ako ng ikakasal pero hindi pa nangyari na ako ang ikakasal.
Nakapasok na kami ng simbahan. Marami ng tao sa loob. Lahat sila ay nakangiti nang makita ako. Nagtayuan sila at itinuon ang tingin sa akin.
'No! Kahit panaginip lang ito, hindi ako pwedeng ikasal.' Naghuhurumentadong sigaw ng isip ko at akmang tatalikod nang may maramdaman akong may lumapat na kung ano sa likod ko.
"Mamamatay ka kapag hindi ka nagpakasal sa kaniya," mariing bulong ng tinig ng isang lalaki.
Nagtindigan ang balahibo ko sa takot kaya napilitan akong lumakad.
Habang naglalakad ay nakatingin silang lahat sa akin, nakangiti at tila ba kilalang-kilala nila ako. Ngunit, kahit isa sa kanila ay wala man lang akong kilala. Kahit isa ay walang pamilyar na mukha.
Ano ba namang kasal ito? Dala ba ito ng panonood ko ng Goblin? Pero ayaw ko namang maging bride ng kung sino lang.
Malapit na ako sa groom. Hindi ko masabi kung gwapo o pangit yung groom dahil malabo ang mukha niya. Hindi na mahalaga kung gwapo o pangit. Ayaw kong magpakasal sa kaniya.
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ko kanina. Patayin niya na lang ako dahil wala akong balak magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala at lalong hindi ko naman mahal.
Walang salitang tumakbo ako habang nakatuon ang mga mata sa pintuan ng simbahan. Nakita kong may lalaking unti-unting nagtaas ng baril pero wala na akong pakialam. Kahit panaginip lang ito ay wala akong balak magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.
Binilisan ko ang pagtakbo ko sa pagbakasakaling mapipigilan ko siya.
Ngunit bago pa ako makalapit sa kaniya ay may lalaking biglang tumulak dito. Bumagsak ang lalaking may hawak ng baril. Napatigil ako sa pagtakbo at mas lalong natigilan nang makita ko ang lalaking tumulak sa may baril.
"Ikaw?"
"Sumunod ka sa akin," malakas niyang wika sa buong-buong tinig.
Tila may sariling isip ang mga paang tumakbo ako patungo sa kaniya. Nakarinig ako ng malalakas na sigawan pero hindi ko sila pinansin. Nakatuon ang atensyon ko sa mga kamay niyang nakalahad. Nang makalapit ako sa kaniya ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas.
Gaya lang noong una kaming magkita. Noong una ko siyang makilala sa panaginip ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang tumatakbo kami.
"Malayo mula rito," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang sasagot siya. Pagkakataon ko na ito.
Pagkakataon ko nang makilala siya.
"Sino ka? Anong pangalan mo?" kumikibot sa kaba ang labing tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa pagkakataong ito pero naramdaman ko ang paghigpit nang hawak niya habang patuloy kami sa pagtakbo. Alam kong kahit papaano ay nauunawaan niya ako.
Pinagmasdan ko siya at napansing wala pa ring pagbabago sa kaniya. Kung anong suot niya ng una ko siyang makita ay ganoon pa rin siya. At kahit hindi ko nakikita nang maayos ang mukha niya ay alam kong seryoso siya. Nararamdaman ko ang tensyon ng buong katawan niya.
Alam kong matatapos na ang panaginip na ito kaya kailangan kong samantalahin ang pagkakataon. Tumigil ako sa pagtakbo dahilan para tumigil din siya. Nakatalikod pa rin siya sa akin kahit nakatigil na kami.
"Sino ka?" ulit ko sa tanong ko kanina. "Bakit mo ako tinutulungan? Bakit nakikita kita palagi sa panaginip ko? Bakit nakakausap kita?"
Dama ko ang bilis nang kabog ng dibdib ko sa bawat tanong na binibitawan ko. Masaya akong makita siya pero nalulungkot ako dahil alam kong sandali lang ito.
"Panaginip lang ito, gigising ka din. Makakalimutan mo rin ako." May lungkot na wika niya bago humarap sa akin.
Napakagat-labi ako nang masilayan ang mukha niya. Ang kaninang kumakabog ko ng dibdib ay mas lalong bumilis sa pagkabog.
"Hindi!โ malakas kong saad. โHindi kita makalimutan at tingin ko hindi kita makakalimutan," umiiling-iling na wika ko sa kaniya sa determinadong tinig.
Ngumiti siya ng pilit. "Kailangan."
Umiling-iling pa rin ako at akmang hahawakan siya nang maglaho na ang lahat sa paligid ko...
Kasama siya..
Nagising akong umiiyak. Napakabigat ng dibdib ko na para bang gusto kong sumigaw. Pero dahil hindi ko pwedeng gawin, nagtalukbong na lang ako ng kumot para hindi ko magising si Nini. Lumipas ang gabi hanggang sa nakatulog ako.
Sa paggising ko ay may luha pa sa mga mata. Nagising akong dala pa rin ang alaala ng mainit at mahigpit niyang hawak. Nasa alaala ko pa ang masayang pakiramdam na nakita ko uli siya, ganoon din ang lungkot na alam kong sandali lang ang lahat.
Pero bakit ganoon? Kahit anong gawin kong pag-alala ng mukha niya.. hindi ko magawa.
โBakit hindi ko siya maalala?โ
Tanda ko pa kung paanong kumabog ng husto ang dibdib ko nang humarap siya sa akin. Pero bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Hindi ko matandaan..
Umiyak ako nang umiyak na tila ba wala ng bukas. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko matandaan ang mukha niya o natatakot akong hindi ko na siya makita pang muli.
*****
Iyon na ang huling beses na nakausap ko siya. Ilang taon muli ang dumaan at buong akala ko ay nakalimutan ko na siya pero mali ako. Nakikita ko pa rin siya minsan sa panaginip ko pero malayo na siya. Kung dati ay siya ang kusang lumalapit sa akin, ngayon ay tila ba lumalayo siya. Sa tuwing lalapit ako, naglalaho siya.
Hanggang naging masaya na lang akong nakikita ko siya, namamasdan.
Pilit kong isiniksik sa isip kong parte lang siya ng malikot na imahinasyon ng katulad kong manunulat. Sabi ng mga eksperto, hindi daw talaga alam ng utak ang pagkakaiba ng pantasya at reyalidad. Nakadepende raw ang lahat sa kung paano mag-isip ang isang tao. Pinaniwalaan ko iyon dahil kung minsan kailangan ko pang isampal sa mukha kong hindi siya totoo para lang magising ako sa panaginip kong balang araw ay magkikita kami.
Ilang taon na, pero tila katulad na lang siya ng mga simple kong panaginip. Nagpapakita pa rin siya pero para bang hindi niya ako kilala. Hanggang napalagay na lang ako na sa bawat pagtulog ko, sana ay naroon siya. Hindi ko man mahawakan, masaya na akong makita siya.
Tumingin ako sa labas ng bintana kasabay nang pagbuga ng hangin. Wala akong balak isisi sa kaniya kung bakit hindi ko magawang gumawa ng masayang pagtatapos sa mga kwento ko. Dahil ako ang kusang pumili ng katapusan ng bawat kwento ko. Alam kong maikli at simpleng alaala lang ang hinatid niya sa akin pero para sa akin ay napakalaking bagay na niyon.
Dahil sa kaniya, nabuo ko ang unang karakter na lalaki ko.
Dahil sa kaniya, natutunan kong kumapit kahit sa mga bagay na imposible.
Dahil sa kaniya, naranasan ko ang kakaibang saya at lungkot na hindi ko naranasan sa totoong buhay.
Sa maikling sandali, tumatak siya sa puso ko.
Minsan hinihiling kong sana kagaya kami ng mga nasa kwento na magugulat na lang ako at masasalubong ko siya sa daan. Magkikita kami kahit ako lang ang nakakaalala. Pero, hindi gan'on. Iba ang kwento ng buhay namin.
*****
"Alelia! Sasakay tayo ng kabayo, ha." Nakangiting wika ni Thea ng makarating kami ng Baguio.
"Check-in muna tayo," aya ko sa kaniya at dumiretso na sa hotel kung saan kami tutuloy.
Ngumiti siya bago sumunod sa kaibigan. Sa isip niya, โSana naman ay may mangyaring maganda ngayon.โ
*****
Mabilis lumipas ang araw hanggang natapos na ang seminar namin. Dalawang araw na lang at babalik na kami ng Batangas kaya naman sinusulit namin ni Thea ang pamamasiyal. Nasa Burnham Park kami ngayon at naglalakad-lakad. Nakapag-picture taking na kami kanina at halos mangalay ang panga ko kangingiti kay Thea.
Iniwan ko nga at naglakad akong mag-isa.
Malamig ang paligid at sariwa ang hangin. Hindi summer kaya halos kokonti ang kaagaw namin sa lugar.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napapangiti ako sa mga pamilya na naroon. Siguro kung sama-sama kaming pupunta dito ng buo kong pamilya, tiyak kagulo ang paligid.
"Mommy! I want the yellow one!"
Napunta ang atensyon ko sa batang babae na nagsisimula ng umiyak sa kaniyang ina. She must be five years old or something. Napangiti ako. Mabuti pa noong bata ka, hindi ganoon kabigat ang mga problema. Iiyak mo lang okay na..
"But, they don't have yellow."
"I really want yellow." Pagpupumilit ng batang babae na sinamahan na ng pag-upo sa damuhan.
Opss.
"Okay, well try to find. But, if we really don't see any yellow balloons, we're going back to the hotel." The mother still said softly to the little girl.
Kung titingnan ay tila hindi nagkakalayo ang edad namin ng babae. Hindi na nakakagulat ang mga ganitong pagkakataon. Sa panahon ngayon, tila napag-iwanan ka na ng panahon kung pagdating mo ng 26 and above ay mag-isa ka pa rin sa buhay mo.
Tumalikod na ako sa mag-ina. Babalikan ko na si Thea at baka maghurumentado na naman iyon na iniwan ko siya. Nakakailang hakbang pa lang ako ay natigilan kaagad ako. Tila tumigil ang mundo ng mga oras na iyon at walang ibang mahalaga kundi ang lalaking palapit sa direksyon ko.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Natutop ko ang bibig ko.
Blue cap, red jacket above white V-neck undershirt and denim pants.
No, it's not just that.
His face. I remember now.
I suddenly remembered his beautiful face. Everything seemed familiar. My erratic heart beat, the ecstatic feeling of seeing him and the frightening feeling of losing him again.
Humakbang ako.
I have to talk to him. I have to ask him if he knows me. This may sound weird, but I have to try.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kaniya pero ng ilang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa ay tila nakadama ako ng takot. I tried to talk but no sounds came out.
And he just passed by me.
Nakita ko pa ang pamilyar niyang mga ngiti. Ngiting minsan niyang ibinigay sa akin pero ngayon...
Napayuko ako nang lagpasan niya ako.
โHindi ba niya ako nakita? Hindi ba niya ako napansin? Hindi ba niya ako nakikilala?โ
"Lana!" A familiar deep and manly voice said.
'Sumunod ka sa akin.'
They also have the same voice.
Hinarap ko sila. Napakagat-labi ako nang makita kong binuhat niya ang batang babae. Kumapit naman sa lalaki ang mommy ng bata.
"No..." I whispered.
My tears started to fall. I could hear my heart breaking into pieces.
"I've been waiting for you..." I whispered again.
โWhy?โ
Meeting you in my dreams was beautiful, then you're gone, leaving me in sadness. But, you came again, this time in real life and that's beautiful.
However, I think this time it will be tragic...
Pinahid ko ang luha ko habang pinapanood kayong naglalakad palayo. I tried to smile then turn on my heel. I'm oblivious to the pain inside me.
Not knowing you turned your head on me and left a sad smile.
Maybe not all stories have a happy ending. Some are sad. Some are tragic. But for me, no matter how happy, sad or tragic it isโstill they are beautiful.
*****
ShimmersErisJane