“ANO `YON?” Mula sa minamaneho ay napasulyap si Jairus sa katabi. Pauwi pa lang sila ni Amber mula sa bahay ng pamilya nito matapos ang maghapong pagi-stay roon. Kanina niya pa napapansing medyo tahimik ang dalaga pero hindi niya rin naman ito kinukulit. Maybe she was still processing the entire conversation she had with her mother. “Anong ‘ano `yon?’” takang tanong niya kahit may kaunting ideya na siya kung ano ang itinatanong nito out of the blue. Napabuga ito ng hangin. “Bakit mo sinabing nanliligaw ka?” Nagkibit-balikat siya. “Anong masama roon? Nailusot ko naman nang maayos ah. Mukhang approved naman ako sa mama mo.” “Eh hindi ka naman talaga nanliligaw.” Hindi siya nakakibo sa loob ng ilang sandali. Totoo naman ang sinasabi nito. Putang ina. Pakiramdam niya ay nakasama pa ang p

