“WOW. YOU’RE HERE.” Nakangiting niluwangan ni Amber ang pagkakabukas ng pinto ng bahay niya. Nagising siyang may nagdo-doorbell na sa labas at nang pagbuksan niya nga ang taong maagang nang-abala sa kanya ay nabungaran niya ang guwapo at maaliwalas na mukha ni Jairus. Mabilis nawala ang inis niya. “Good morning. Ang aga ko bang mang-istorbo?” nakangiting bungad din sa kanya ni Jairus. Gusto niyang halikan ito nang mga sandaling iyon pero pinigilan niya ang sarili. Ni hindi pa siya nakakapagmumog. He really smelled so nice. “Nope,” tanggi niya. “Sakto lang. Ganitong oras din naman ako nagigising.” He stepped inside her house. Halos magkasunod silang naupo sa sofa. Nagulat siya nang biglang iabot nito sa kanya ang isang bungkos ng pulang rosas. Ni hindi niya namalayang may dala itong

