NAPALUNOK si Jairus nang makita ang isang magandang babaeng palabas sa bahay nito. Sa harap mismo ng gate ng bahay ni Amber siya huminto. Ilang saglit lang siyang bumisina at lumabas na rin ito. Sunud-sunod siyang napalunok nang matitigan ang kabuuan nito. The woman was wearing a body hugging knee-length balck dress. It was conservative yet sexy. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito na bumagay naman sa maganda at feirceful nitong mukha. Umibis siya ng sasakyan at pinagbuksan ng kotse ang babaeng abala sa pag-lock ng bahay nito. He kissed her on the cheek when she came closer. Napangiti naman ito na halatang nahiya nang mga oras na iyon. “Hi, Sir,” bati nito. `Tang ina. Ang lakas talaga ng epekto sa kanya sa tuwing binabanggit nito ang “Sir” na parang endearment na nito sa ka

