“THANK you so much for gracing our event, Mr. Jairus Tan and Ms. Amber.” Magkaagapay na naglakad palapit sa long rectangular table sina Amber at Jairus sa loob ng function room. Umupo si Amber nang ipaghila siya ni Jairus ng upuan at pagkatapos ay umupo naman ito sa tabi niya. Napasinghap pa siya nang tila sadyain nitong mapahawak sa binti niya na mabilis din nitong binawi. Napasulyap siya sa lalaki na binigyan naman siya ng pilyong ngiti bilang piping tugon. Natatawang naiiling na lang niyang binalewala ang ginawa nito. Lunch na iyon ng mga organizer ng young writers’ conference na dinaluhan nila. Kausap niya ang isa sa mga organizers kanina. Tuwang-tuwa raw ito na isinama siya ni Jairus dahil may maganda na rin daw siyang reputasyon sa pagsusulat. Marami rin ang nagtanong sa kanya kan

