CHAPTER 3.1

1089 Words
"HI, AMBER." Jairus' greetings made her bite her lower lip. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng excitement nang marinig ang boses ng lalaki. Kasalanan niya ba kung hindi niya maialis sa isip ang magandang tindig at mabangong amoy nito? He was one attractive man. She cleared her throat. "Hi, Sir Jairus. Napatawag ka po?" As much as possible, ayaw niya namang magmukhang excited sa simpleng call na iyon. Kahit naman idolo niya ito pagdating sa pagsusulat, may class pa rin naman siyang babae. Hindi niya rin ito tinatawag sa pangalan nito kahit sinabihan na siya ng binata na pwede niyang tawagin na lang ito sa sarili nitong pangalan kung hindi siya kumportable sa “Sir Jairus.” "Kamusta ka? Are you free today?" dire-diretsong tanong nito. Free to be f****d, maharot na bulong ng isang bahagi ng isip niya. Pasimiple siyang napailing at napahawak sa sentido. Mabuti na lang at hindi nito nakikita ang hitsura niya nang mga sandaling iyon. "Kinda, Sir. Bakit po?" she should sound very normal kahit pa gusto niya talagang makita ito.  She wanted to smell him again. She wanted to see his well-toned body and handsome face. She wanted to fantasize new scenes at the back of her dirty mind. Baka sakaling mabuhay ang pagiging erotic writer niya kung lagi niyang mapagnanasahan ang lalaki. Effortless kasi ang pagbabandera nito ng kagwapuhan sa harap niya. She was attracted to him physically. Aminado siya roon. Natampal niya ang noo. Ano bang pinag-iisip niya? Marami naman siyang nakakausap na lalaki. Marami siyang nami-meet na opposite gender, pero bakit kay Jairus niya lang iyon nararamdaman? Her senses were working well whenever he was around. "Let's meet later. May free time ako ngayon. Coffee... Or tea for you since hindi ka nagkakape," Jairus offered. Tahimik siyang napangiti. Nakagat na naman niya ang ibabang labi. Of course she would say "yes" to that. "Uhmmm..." Kunwari ay nag-isip siya. "Sige, Sir. Sa same cafe na lang ulit." "Okay, I'll see you then." Nagmamadali siyang naligo nang matapos ang tawag. She only have less than two hours. Magda-drive pa siya. Ayaw niya nang paghintayin pa ang lalaki. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong mamili ng damit. She just grabbed a red pencil-cut dress and wore it without any hesitation. Alam niya namang bagay sa kanya ang dress na iyon. Hindi naman siya bumibili ng damit na hindi babagay sa kanya. Ginawa niya muna ang skin care routine niya bago siya nag-apply ng manipis na makeup. In less than an hour, tapos na siya at humahangos na patungo sa kotse niya. Siniguro niya munang secured ang lahat ng sulok ng bahay bago tuluyang sumakay sa sasakyan. As usual, traffic na naman. Mabuti na lang at naglaan na siya ng mahaba-habang oras para sa biyahe. Ayaw niya na talagang ma-late sa usapan nila ni Jairus. She was five minutes early when she entered the cafe. Wala pa ni anino ni Jairus doon. At last, mas nauna na siya rito. Hiyang-hiya siya noong huling nagkita sila ng lalaki dahil matagal-tagal itong naghintay sa kanya. She ordered a Wintermelon milktea. Pagkatapos ay naupo na siya sa isang sulok ng cafe. Naisip niyang i-text na lang si Jairus. Baka nasa university pa ito at nagtuturo sa mga sandaling iyon. Nakakahiya kung bigla siyang sisingit. Sir, I'm here na, she texted. Wala pang limang minuto nang mag-reply ito. Nasa school pa ako. Wait mko dyan. Text kita pag malapit na ko. Labas ka na lang. Lipat tayo ng cafe. Inilapag sa harap niya ang order na milktea. Nagsisisi siyang um-order pa siya. Lilipat din naman pala sila ng cafe. Maya-maya pa, nag-ring ang phone niya. "Hello, Sir?" "Nasa labas na 'ko." Mabilis siyang lumabas ng cafe. Iniwan niya na ang in-order niyang milktea na halos dalawang sip lang yata ang naibawas niya. Paglabas niya, una niyang nabungaran ang nakangiting si Jairus na nakadungaw mula sa pulang kotse nito. She was stunned for a moment. He was really, really hot. He had this friendly and smart neighbor aura yet there was something behind his smiles. Sumenyas ito na sumakay siya. Hindi na siya nakipagdiskusyon. Mabilis siyang sumakay sa passenger's seat. "Wow, lady in red," bungad nito sa kanya. She smiled. "Saan tayo, Sir? Okay lang kayang naka-park doon 'yong kotse ko?" "Hindi naman nila siguro mawawala `yan d’yan," he answered. Nagulat siya nang bigla itong lumapit nang husto sa kanya. Nahigit niya ang hininga. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya nang tumambol iyon nang malakas. He was just an inch away from her. She could smell his manly scent. Aminin niya man o hindi, tila kinikiliti niyon ang kaibuturan ng kanyang p********e. Ilang segundo silang nagkatitigan ng lalaki. Pakiramdam niya, anumang oras ay tatawirin na niya ang distansya sa pagitan nila kung hindi ito lalayo sa kanya. She could read words in between his fiery eyes. He was desiring her. He was tempted. At palihim siyang nagdarasal na sana'y hindi nababasa ni Jairus na ganoon din ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. "Seatbelt," he said afterwards, still staring intently at her. Pinigilan niya ang sariling kagatin ang ibabang labi nang malanghap niya ang mabangong hininga nito. Kaunting-kaunti na lang talaga, mahahalikan niya na ang lalaki. At last, he moved. Isinuot nito sa kanya ang seatbelt. Pagkatapos ay bumalik na ito sa pagkakasandal sa driver's seat at sinimulang mag-drive. "Saan ba tayo pupunta, Sir?" tanong niya para mawala ang awkward atmosphere sa pagitan nila. "Doon sa hotel na tinutuluyan ko ngayon. May cafe doon. Mas okay ang ambiance," tugon nito na seryosong nakatingin sa dinaraanan nila. "May writer's conference kasi kami ngayon sa university with international authors." Hotel? Pinilit niyang iwaksi agad ang anumang namumuong eksena sa likod ng utak niya. Napatango na lang siya. Hindi niya na masyadong narinig ang iba pang sinabi nito dahil napako ang mga mata niya sa braso ng lalaki. He had very firm and well-toned biceps. Sakto ang laki niyon pero alam niyang kaya siyang buhatin at itaas-baba nang paulit-ulit kahit pa nakatayo. Shit. "Baka naman matunaw ako niyan." Napasinghap siya sabay tingin kay Jairus. Nakatingin pa rin ito sa dinaraanan nila pero pangiti-ngiti ito. His dimples were saying "hi" to her and she couldn't help but melt. "S-Sorry, Sir." Mabilis niyang ibinaling sa malayo ang mga mata. "You look extra gorgeous today," he said out of the blue. "I'm priveleged to see that beauty of yours." Nagulat siya. Was he hitting on her? "And you're very hot in your red dress."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD