IT WAS supposedly another boring day for Amber. Pero kailangan niyang magsipag. Kailangan niyang gawing productive ang isang patay na araw. Nauubos niya ang savings niya. Malaki ang kinita ng huli niyang erotica series. Good enough to keep herself alive for almost a year without having an approved manuscript.
Parang kelan lang, isa lang siyang aspiring writer. High school student na pangarap makapag-publish ng sarili niyang story. After years of persistence and hardwork, she graduated from a state university o "eskwelahan ng mga mahihirap pero matatalino" 'ika nga ni Jairus sa isa nitong libro. And at that time, she was already a published author.
Iyon nga lang, she had to pay the price. She had lost her family. And now her husband. Wala nang natira sa kanya kundi ang pagiging si "Amber" niya. Sa kabila ng success na mayroon siya, wala na siyang ibang makitang okay na bahagi ng pagkatao niya.
She was typing something on her laptop when her phone rang. She was furious. Ayaw niyang naaabala siya habang nagsusulat. Nakalimutan niyang i-silent ang phone. Bihira ang mga ganoong pagkakataon na tuluy-tuloy ang daloy ng mga ideya sa isip niya.
She took her phone and stared at the person's name registered on screen. Napalitan ng kaba ang inis niya. Ilang saglit siyang ganoon bago naisipang sagutin ang tawag.
It was her attorney.
"Hello, Atty. Rose?"
"Good morning.. I finally got the order," anito. The lawyer paused for a while. "Congratulations, Miss Amber Rivera. You are finally free."
The honorific title "miss" echoed in her head. She took a deep breath. "Thank you, attorney."
Iyon lang at pinindot niya na ang end call button. Finally, her husband–err, ex-husband's will was granted.
Hindi sila nahirapan dahil may-kaya naman talaga ito. Galing sa may-kayang pamilya. Maganda rin ang sahod bilang IT sa isang malaking kompanya.
Galing din siya sa well-off na pamilya pero hindi naman niya pwedeng hingian ng tulong ang mga ito. They would surely feed her with too much toxicity if she would dare to ask them for health.
Kaya ipinaubaya niya na kay Corven ang lahat. Ito na ang sumagot ng lahat ng kailangang gastusin para sa annulment. Wala siyang ginastos ni isang kusing. Wala rin siyang prinoblema. Maging ang abogado niya ay ito rin ang kumuha. Hindi naman siya tumanggi roon. Hindi na rin siya nagtaka sa naging mabilis na proseso ng annulment. Dahil nasa Pilipinas siya, alam niyang biyaya nang umabot lang ng tatlong taon ang process. Pero alam niyang ginamitan din iyon ni Corven ng connections para hindi na umabot pa ng isang dekada ang paghihintay nila.
Kung tutuusin ay kayang-kaya rin naman ng pamilya niyang bayaran ang anumang gastos. Pero hindi niya planong abalahin pa ang mga ito. Ayaw niyang madamay pa ang pamilya niya sa gusot na ginawa niya sa buhay niya.
She knew she should be happy. Because after years of bearing Corven's name despite of separating ways with him was sickening. It was the longest three years of her life.
But she was there. Staring blankly with her cold hands hiding in between her thighs. Thinking about nothing. Walang pumapasok sa isip niya. She felt lost for a moment.
Maya-maya, naramdaman niya na lang ang pamamaybay ng mga butil ng tubig mula sa mga mata niya. She finally granted his last wish. Kahit pa dinurog niyon ang puso niya. Ang pagkatao niya. She knew he made him happy when she gave him the freedom he asked for.
She smiled bitterly. Pinunasan niya ang mga luha. She should be happy. At least, they ended up well. She had the most wonderful years of her life with him. But she gotta move forward. Isang kabanata lang ng libro ang katumbas ng lalaki. Hindi kalahati ng kalahati ng kwento. At lalong hindi ang buong istorya ng buhay niya.
Kinuha niyang muli ang phone. Nag-dial ng numero. Pagkatapos ay itinapat sa tenga.
"I just want to congratulate ourselves. Malaya na tayo pareho," bungad niya nang sumagot si Corven.
Corven sighed. "Thank you, Amber. Thank you for letting me go. I know you're hurt. But things will be better."
Hindi niya na sinagot pa ang mga sinabi nito. She put down her phone and cried out loud.
She promised herself. Iyon na ang huling pagkakataong magpapatalo siya. Next time, she would make sure that she would be a winner.