CHAPTER 1
"Gusto kita, ayaw mo ba?"
Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Ito ay nabuo dahil sa himahinasyon ng manunulat.
Ang anumang bahagi o kabuuan ng istoryang ito ay hindi maaaring mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng manunulat.
PLAGIARISM IS A CRIME
-Bel Ellie
*********
(Unang pagtatagpo)
"Sige na beshy, isang beses lang naman"
Ang pagmamakaawa sa akin ng kaibigan kong si Nikko ang malanding bakla.
Simula ng tinanggap ng papa niya na isa siyang babae nakatago lamang sa katawan ng lalaki. Hay naku po! wala ng pag-asa, nilantad na ang kapa. Dinaig pa si darna kung makalipad dahil diyosa na ang tingin sa sarili.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya tumalikod nalang ako, pero bigla niya akong pinaharap at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Please darling my beshy sige nah."
Inaalog-alog pa ako ng malanding to. Kaya niya pala ako pinapunta dito sa bahay nila para lang kausapin ako tungkol sa problema niya.
"Debbie pumayag kana! Promise, gagawin ko lahat ng gusto mo"
Talagang wala siyang balak na sumuko mapapayag ya lang ako. Gusto niya kasi na ako ang makipagkita sa Ka-Callmate niya dahil hindi nito alam na bakla siya. Nakita niya na raw ito sa f*******: kaya alam niya na ang gwapo nito, matangkad, may abs at higit sa lahat basketball player. Mahal niya ito gano'n din daw ang nararamdaman ng lalaki sa kanya dahil lagi niya itong pinapasaya. Boses babae kasi ang malanding to kaya hindi mo talaga mahalata na bakla siya. Nagpumilit na kasi ang ka-callmate niya na magkita na sila. Gustong-gusto na raw siya nitong makilala.
Puro nakatalikod kasi ang mga picture niya sa f*******:. Ayaw ya raw humarap sa camera sa kadahilanan na, subrang ganda niya sa personal baka raw pag-awayan siya at pag-agawan ng mga boys dahil iba ang kamandag niya.
Kita nyo na! talagang filingira siya kaya ayokong magpangap na siya! madamay pa ako sa kalandian na meron siya.
"Basta ayoko! umamin ka na kasi nang matapos na, 'di ba sa tingin mo nagkakagusto na siya sayo edehhh kung mahal kanya talaga, matatangap kanya."
Napasimangot naman ito. "Hindi mo kasi ako naintindihan Debbie"
Maypaiyak-iyak pa siyang nalalaman. Tumahimik nalang ako.
"Sige ano ba naman ako sayo, bestfriend mo LANG naman ako mula pagkabata. Ako LANG naman ang tumutulong sayo pag may problema ka, at higit sa LAHAT AKO LANG naman ang tumutulong sayo sa mga reports mo, kaya sige lang, okey lang, sige pwede ka nang umuwi"
Loko to ah, pinakonsensya pa ako maypa singhot-singhot pa siyang nalalaman. Talagang diniin pa sa akin na siya lang. Ano pa ba ang magagawa ko. Akmang a-akyan na siya ng hagdan papunta sa kanyang kwarto nang maisipan ko.
"Sandali lang, isang beses lang ah?"
Nagulat naman siya sa sinabi ko sa kanya dalidali siyang pumanta sa akin para yakapin ako.
"Ahhhh," napasigaw pa ang g*g*.
talagang di mo ako matitiis. Oo isang beses lang tara pagagandahan kita ng bongga at sasabihin ko sayo ang mga gusto niya at mga nachika namin nang sa gano'n may idea ka sa kanya"
"Ayoko nga !" Singhal ko sa kanya nang bitawan niya ako mula sa pagkakayakap niya.
"Ano kaba Debbie!! 19 years old na tayo kaya walang problema sa paglalagay ng make up."
"Excuse me, pinanganak akong maganda isa akong magandang binibi.." hindi ko na natuloy ang pag e-emote ko nang hatakin ako ni Nikko papunta sa kanyang kwarto.
--
" DEBBIE'S P.O.V "
Ilang buntong hininga ang aking pinakawalan sa paghihintay kay Kiven a.k.a ka-callmate ng aking beshy. Simple lang naman ang pinapagawa niya ang maging Nicole sa ngayong araw. Nicole kasi ang pagpapakilala niya kay kiven.
Sa pagkakadinig ko magkikita kami dito sa sa Sta.Elena Park isa sa mga malawak na parke dito sa San Lorenzo. Pero ni anino ni Kiven na yan, wala pa, mahigit 30 minuto na akong naghihintay. Aba, hindi magandang paghintayin ang magandang dilag na tulad ko. Ano siya Artista?
Sa pagkakaalam ko ang usapan magkikita sila mga 3:00 pm dito sa Park malapit sa fountain. Si Nikko na raw bahala mag message sa kanya basta maghintay lang ako dito. Talagang ako pa ang pinahintay! wala ba siyang pagpapahalaga sa sarili niya pati ako na nanahimik dinamay.
"Hi miss"
Bumalik ako sa aking huwesyo ng marinig ko ang boses ng lalaki.
Ikaw ba si Nicole? Sambit ng lalaki ng lumapit sa akin.
Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa. Este, okey naman, matangkad, matangos ang ilong, moreno pero payatot. Ang layo lang kasi ng mukha niya sa f*******: kung pogi siya ngayon mas pogi siya 'don, ano bang filter ang gamit nya.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Naguguluhan talaga ako kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan muli ang litratong naka save doon.
Tinignan ko siya tapos tumingin muli sa cellphone ko. Inulit-ulit ko iyon. Hindi ako nagkakamali ibang tao ang kaharap ko.
Napakamot siya sa kanyang batok sinyales na nahihiya siya.
"Ah, miss pasensya ka na, ako pala si Greg kaibigan ako ni kiven."
Bingo! sabi ko na nga bah, paasang kiven na 'yan.
"Nag-text kasi sa akin si kiven sabi niya hanapin ko raw ang babaeng naka-dress na black,naka-shoulder bag na white, midyu curly 'yong hair at may suot na sumbrero na white na nakaupo sa bench malapit dito sa fountain" Tumingin siya ng maigi sa akin at muling nagsalita.
" Ikaw ba si si Nicole?"
Ang slow naman ng Greg na to, taglay ko naman lahat ng nabanggit yah, kung sa bagay baka naninigurado lang.
"Oo ako si Nicole, ano ba namang yang kaibigan mo, paasa! Siya nag-request na mag meet up kami tapos siya pa ang hindi sumipot."
" Ah, pasensya kana Nicole, may nangyari kasi kanina. Magbibihis na sana siya para makapagkita sayo. Alam muna excited siguro kaya ayon nadulas sa C.R . Hindi nya maikilos ng mabuti ang isa niyang paa. Nabali yata, pero wag kang magalala sa kanya, okey na siya kunting pahinga lang."
Tumingin siya sa akin ng diretso at nagsalita muli.
"Alam mo excited talaga siyang makita ka, tama pala ang sabi niya na maganda ka sa personal."
"Ah, hehehe thanks for the compliment pero dahil sa make up lang ito. Mabuti naman hindi siya napuruhan " Umusog ako ng kunti para makaupo sya.
"Maupo ka nga dito"
Umupo naman siya sa tabi ko.
" Salamat ah, kanina ka pa ba dito? sabi niya kasi mga 3:00 magkikita kayo 3:30 nang dumating ako nag research pa kasi ako para sa project ko"
" Hindi naman sakto lang, ayos lang 'yon. Saang department ka ba? Engeneering ka rin tulad ni kiven?" Ang tanong ko nalang sa kanya para may topic kami.
" Ah , Oo second year na rin, magkasama kami sa dorm kaya naging magtropa na rin kami. Nasa Education Department ka diba? anong major moh?"
"Gen ed" Tipid na sagot ko.
"Ba't wala kang picture sa f*******: ? maganda ka naman. Saang university ka ba? anong year ka na?"
Nakakahalata na ako ah, interview ba to."Ah... ehh.. alam mo na mahiyain ako sa personal,second year na rin tulad nyo. Midyu malayo dito kung saan ako nag-aaral" Pasimpling sagot ko nalang
"Hahah, 'di ko naman tinatanong kung malayo, tama nga sabi ni Kiven malihim ka raw. May jowa ka no?? para di na umasa tropa ko may balak pa naman 'yon na ligawan ka pagkatapos ng meet up niyo."
"Wala noh, tsaka kung may jowa ako bakit pa ako makipag meet sa kanya?"
"Oo nga naman. Nagugutom ka ba? libre kita"
Sasagot na sana ako ng biglang nag-ring ang phone niya.
"Ay, sorry ah, sandali lang."
Agad naman niyang sinagot ang tawag.
"Ah gano'n bah sige2x papunta na ako "
Rinig ko na sabi niya sa kausap sa phone. Emergency yata.
"Naku! Nicole kailangan ko nang umalis si inay kasi nasa dorm hinahanap daw ako"
"Ah gano'n bah, sige Greg mauna ka na"
"Sige masaya ako na makilala kah " Ngumuti pa ito.
At tuluyan na siyang umalis. Nakahinga na rin ako ng maluwag buti nalang pala kaibigan ya rin 'yong dumating.
Atleast hindi ako nakapagsinungaling ng todo maka-alis na nga dito.
Tatayo na sana ako ng may nakita akong bagay mula sa inupuan ni Greg kanina lang.
"I.D?"
Pinulot ko ito at natawa ako nang binasa ko ang buo niyang pangalan.
Gregorio Nicholas T. Ambrosio Jr.