CHAPTER 2

3369 Words
" DEBBIE'S P.O.V " Wag kang mag isip kung ano pa man... Mga paliwanag mo'y di na kailangan.... At kahit ano pa ang iyong nakaraan..... Mamahalin kita maging sino ka man.... Pagpasok ko sa bahay dinig na dinig ko na ang boses ng aking ina. Talagang hilig niya ang pagkanta. Nagmula kasi ang aking ina sa angkan ng mga Zaragosa kung saan nasa lahi na ang taglay na magagandang tinig. Nalipasan na siya ng kanyang panahon kaya hindi na natuloy ang pangarap niyang maging isang singer tulad ng kanyang mga kamag-anak. Isa pa, tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Si Dino Barbosa First year college na sumunod sa yapak ng aking ama nag-aaral ng BS-Criminology at si Derik Barbosa na Grade 5 ang aming bunso. Kaya naging abala na ang aking ina sa pag-aalaga sa amin. Lagi namang busy sa kanyang trabaho ang aking ama dahil isa siyang Pulis. Matapang ang aking ama at magaling sa kanyang trabaho kaya nagkaroon ng magandang antas sa serbisyo. si Police Senior Master Sergeant Danniel Barbosa ang aking ama at Si Lenny Barbosa naman ang aking ina. Dahil may pangalan sa serbisyo ang aking ama kaya kilala kami sa aming barangay at maykaya sa buhay. "Mga anak ng Pulis 'yan " mga salitang lagi kong naririnig mula sa aming mga kapit-bahay. Walang tao sa sala kaya dumiretso na ako sa kusina. Mahal kita pagkat mahal kita... Iniisip nila ay hindi mahalaga Mahal kita maging sino ka man... Abala ang aking ina sa paghihiwa ng patatas habang kumakanta. kumuha ako ng baso para uminom ng tubig. Mali man ang ikaw ay ibigin ko... Ako'y isang bulag na umiib... "Oh anak, nandiyan kana pala!" Napatigil ang aking ina sa pagkanta ng makita niya ako. Tinapos ko muna ang pag-inom ng tubig. "Ba't nakabihis ka?saan ka galing? akala ko ba kina Nikko ka nagpa-practise ng demo mo ?" sunod-sunod niyang tanong. "Nako ma, napagod ako nag-practise kami kasi para sa aming dula-dulaan na gaganapin bukas." Pagsisinungaling ko nalang kay mama mahirap na baka awayin pa si Nikko. "Ah gano'n bah, Sige anak umakyat ka muna sa taas at makapagpahinga ka, ako na ang bahala dito." Kinuha niya ang mga patatas at hinugasan ito. "Ma, bat wala dito ang mga pasaway holiday naman ngayon ah." "Isinama ng papa mo, birthday kasi ng Ninong Jayson mo. Syempre bestfriend ng papa mo at kasama sa trabaho." "Ah, kaya pala ang tahimik ng bahay eh, sige ma, magme-message nalang ako kay ninong." Umakyat na ako sa taas nang makapagbihis. Nangangati na rin kasi ang aking mukha sa nilagay ni Nikko. Pagnagka pimples ako lagot sa'kin ang baklang 'yon. -- San Lorenzo Benidict University Name: Gregorio Nicholas T. Ambrocio Jr. Code No.AGNT 01242000 Course: Bachelor of Science in Civil Engineering The bearer whose picture and signature appear herein is a bonifide student of this University. THIS CARD MUST BE WORN AT ALL TIMES INSIDE THE CAMPUS. IN CASE OF EMERGENCY, PLEASE CONTACT MRS. MARIA GLORIA AMBROCIO Hda. San Juan Brgy. Dimalubak San Lorenzo City.. Yo deru yo deru yo deru Yokai deruken derarenken Yo deru yo deru yo deru Yokai deruken derarenken... Napatigil ako sa pagbabasa sa I.D ni Greg ng mag-ring ang phone ko. Kinikilatis ko kasi ito habang nakahiga sa kama ko dito sa aking silid. Tinignan ko ang phone ko. Malanding bakla is Calling... Nasabi ko na sa kanya na hindi kami nagkita ni kiven dahil nabali-an siya sa pagakadulas nito sa C.R. Yokai..Yokai....Yokai Uochichi!! kai kai ki ki, kui kui kei kei... Ang ganda Talaga ng ringtone ko, sinagot ko nalang ang tawag niya baka mainip na naman ito. "Oh, bakit na naman?" pagsisimula ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag niya. "Beshy, kinikilig talaga ako si Kiven kasi gusto niya akong ligawan" Nabingi yata ang aking tainga sa aking narinig." Hoy Nikko! gumising ka ngah! alam mo ba na niloloko mo yong tao! Magpakatoto-o ka nga!" Singhal ko sa kanya, hindi ba siya nakokonsinsya. "Alam ko naman yon eh, kaya lang alam mo yong feeling na ayaw mo munang matapos ang kilig at sayang nararamdaman mo." Napasapo ako sa aking no-o. "Pero Nikko! mali yang ginagawa mo!!"Napalakas na ang boses ko. "Beshy, pwede bah, Hayaan mo muna akong sumaya kahit ngayon lang. Gusto ko kasing maranasan ang pagiging tunay na babae kahit ngayon lang" Naintindihan ko ang bestfriend ko mula kasing pagkabata tinago niya ang tunay niyang pagkatao dahil takot siya sa tatay niya. Isang sundalo kasi ang kanyang ama kaya talagang nahirapan siyang ipagtapat ang tunay na siya. Mabuti nalang talaga naintindihan siya ni tita Betina ang kanyang ina na matalik na kaibigan ni mama dahil may kapatid din itong bakla. Mahabang panahon din ang kanyang tiniis bago siyang tuluyang matanggap. Sabi nga nila walang magulang na hindi kayang tiisin ang anak. "Ikaw ang bahala, hindi naman ako nakita ni kiven ang akala lang niya babae ka talaga" "kaya nga eh, iba pala ang feeling pagniligawan kah. Gravehh beshy parang malaglag ang matres ko nang kantahan niya ako. Ang ganda ng boses ni papa kiven." "Mamamatay yata ako sa kilig beshy" dagdag pa niya. Napangiwi ako sa sinabi niya, felengera talaga to. "Oh sige, magkita nalang tayo bukas" "Sige beshy, bye thank you talaga. Hindi talaga ako magtataka kung nabalitaan ko na kambal kita dahil alam ko magkadugtong na ang mga pusod natin." "Dami mong sinabi matulog kana ngah" 'Cge, babushh" Nasabi ko na bang madasalin akong tao. "Naku lord, kung ano mang kalandian ang sumanib sa kaibigan ko tulungan niyo po siya na labanan ito." Tinignan ko ulit ang I.D na hawak ko. " Bakit ba habang tumatagal mas pumupogi ka sa paningin ko " Nagulat ako sa aking nasabi muli akong nagdasal " Lord, huwag po sana akong madamay sa kalandi-an na meron ang bestfriend ko. Amen" Paano ko kaya to maibalik sa kanya? Basta kailangan ko 'tong maibalik. --- " GREG'S P.O.V " "Ano pa, Greg magkwento ka pa?"Ilang ulit na sabi ni Kiven. "Basta, mahiyain siya sa personal"Simpling sagot ko nalang. Ilang besis ko nang sinabi sa kanya na maganda 'yong ka-callmate niya hindi naman mukhang chaka! tulad ng iniisip niya. Dalawang buwan ya na kasi itong ka-talk pero hindi ya pa ito nakikita kaya naisip niya na ang pangit nito. Isa pa, wala man lang itong picture sa f*******:. Mabuti nalang nagandahan siya sa boses nito kaya nawili siya tuwing tumatawag ito, at minsan siya na mismo ang tumatawag. Pagkakataon nga naman kung saan magkikita na sila tsaka pa siya minalas. "Ba't ba kasi hindi ka nagpa-picture nang sa gano'n magkaroon ako ng idea sa kanyang mukha" Pagrereklamo niya. "Tumawag kasi si inay alam mo naman 'yon, pagpumanta siya dito at wala ako baka isipin pa non nagbubulakbol ako." Pinagpag ko muna at inayos ang aking kama ng sa gano'n makapagpahinga na. "May tiwala naman ako sayo eh, pagsinabi mong maganda o sakto lang eh talagang pasado na. Alam mo namang tayong mga lalaki mas maganda pag-jowa natin yung simple lang basta MAGANDA!..hehe" Napailing ako sa tropa ko, talagang jowang-jowa na. Siguro niligawan niya na si Nicole. Inayos ko ang unan ko at humiga na. "Greg, matutulog kana?" "Hindi ba halata, may pasok pa tayo bukas" " Pero wala pa, sila ni Dino at Macky?" Mga kasamahan sila namin dito sa dorm. Pareho kaming nag-aaral sa San Lorenzo Benidect University, 'yon ngalang magkaiba kami ng course. Malawak kasi ang SLBU nasa Engeneering Department kami ni Kiven at nasa second year na, habang sila ni Dino at Macky naman nasa Criminology Department at unang taon pa lang sa kolehiyo. Naging magtropa na rin kami dahil magkakasama kami dito sa dorm at nasa isang silid lang kami na may apat na kama. Malawak kasi itong dorm kaya binubu-o ng apat na tao ang bawat silid. " Hindi mo ba alam, umuwi sila may party yata sa bahay nila ni Macky. Birthday kasi ng papa niya, nakalimutan mo siguro masyado ka kasi nalibang kay Nicole moh" Minsan yata makalimutin 'tong si kiven. "Ay Oo nga pala, ba't nakalimutan ko ganito naba ang epekto sa akin ni Nicole! Nag-chat pala siya sa akin kanina, kapag daw hindi tayo busy ngayon habol tayo do'n. May painoman yata, pareho pa namang mga anak ng Pulis yon." "Wag kang mag alala sinabihan ko na di mo kaya" Tinignan ko ang binti niya mukhang okey naman. "masakit pa ba?" "Ah, hehe ano kaba wala to sipain pa kita diyan eh" Tumayo ito at inayos na din ang kanyang kama para sa kanyang pamamahinga este, pagtulog pala. ---- KINABUKASAN " DEBBIE'S P.O.V " Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero nandito ako ngayon sa SLBU. Hindi naman gaano kalayo mula sa North Therese State University (NTSU) kung saan ako nag-aaral. Maaga pa akong umalis sa bahay kahit mamaya pa ang klase ko dahil lang dito sa I.D ni Greg. Palinga-linga ako dahil tulad ni Greg dito din nag-aaral ang kapatid ko. Hindi kasi siya sa bahay natulog kagabi. Nagpaiwan siya kina ninong Mac kaklase niya kasi ang kinakapatid ko at bestfriend ya din. Mahirap na makita niya ako. Isipin pa niya may bf ako dito sumbungero pa naman ang asungot na 'yon. Balak ko kasing ibigay sa guard ang i.d ni Greg nang sa ganon siya na ang bahalang magbigay sa kanya. Tumingin ako sa paligid ko mukhang maraming pogi dito sa SLBU kaya pala marami sa mga kaklase ko ang may jowa dito. Marami na ang mga estudyanting pumapasok sa loob ng campus kaya nasisiguro ko kung nandito na kapatid ko hindi niya ako mapapansin. Binuksan ko na ang bag ko para kunin ang I.D ni Greg para maibigay na ito sa guard nang sa ganon makaalis na ako dito. Nicole? Nicole? " GREG'S P.O.V " Watdapak! halos binuhos ko na ang laman ng bag ko hindi ko parin mahanap ang I.D ko. 'Yan tuloy, hindi ako pinapasuk ng Guard na feeling pogi dito sa university. "Ba't ba kasi nawala sa isip ko ang I.D ko." Pagasisi ko sa aking sarili. " 'Di kaya naiwan mo sa dorm " Ang naisip ni Kiven. "Sige Kiven, mauna ka nang pumasok babalik lang ako sa dorm" Ibinalik ko na ang mga gamit ko sa bag dahil wala talaga. "Sige Greg, wag kang mag alala maaga pa naman" Nauna na si Kiven pumasok sa campus. Natawa pa ako ng paika-ika pa itong maglakad papasok sa gate dala siguro ng pagkakadulas niya kahapon. Lalakad na sana ako pabalik sa dorm nang masilayan ko ang familiar na babae. Hindi ako nagkakamali si Nicole to! abala siya sa pagkakalikot ng kanyang bag. Hindi kaya gusto niyang puntahan dito si Kiven. Wow sana all!! talagang magkaka-jowa na ang tropa ko. Tawagin ko kaya "Nicole?" "Nicole?" Bingi yata ang magiging jowa ng tropa ko kaya lapitan ko nalang. "Nicole? bat nandito kah?" sambit ko sa kanya nang makalapit ako. Natawa ako sa mukha niya midyu nagulat siya kasi. "G-Greg?" "Ahh Oo, ako si Greg ang kaibigan ni Kiven gusto mo bang makita si Kiven sandali tawagan ko nang makapunta dito." Pangiti-ngit akong kinuha ang cellphone ko pero bigla niya itong hinablot. "Hoy! Gregorio sandali lang" Nagulat ako sa kanyang binanggit. "Anong sabi moh?" Pagtatanong ko sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay. "Gregorio Nicholas Ambrocio Jr." Binanggit niya ng mabilis kaya napaisip ako. "Sandali pati ba ako pinag-uusapan niyo ni Kiven?" "Hindi noh, nasa akin ang I.D mo. Naiwan mo kahapon kaya nga ako pumunta dito para ibigay sayo" Napangiti naman ako."Edehh ako pala pinunta mo dito." Napaisip ako kung nasa kanya ang I.D ko bakit hindi niya sinabi kahapon. Sa pagkaalam ko siya ang ka Late night talk ni Kiven. Watdapak! hindi kaya nagkakagusto na siya sa akin? " DEBBIE'S P.O.V " Napangiwi ako sa sinabi ni Greg ang lakas ng hangin masyado naman siyang feeling. "Ang ibig kong sabihin kung hindi kita makita dito sa guard ko to ibibigay " Nabobohan yata ako sa sinabi ko. "Bakit sa guard? pwede naman kay Kiven sandali Crush mo ko noh?" Huh??napasapo ako sa aking no-o "Naririnig mo ba ang mga sinasabi moh? Hindi kita type noh!!" Napalakas yata ang pag sabi ko. "Edehhh hindi kalma lang. Ikaw naman masyado kang seryoso. Akin na nga ang cellphone ko tsaka 'yong i.d ko." Binigay ko naman ang Cellphone niya dahil nahablot ko to ng muntik niyang tawagan si Kiven. Tinignan ko ulit 'yong i.d niya sa bag ko na kanina ko pa hinahanap. Napatigil ako sa aking ginagawa nang bigla kong naalala. "Naku! lagot, 'yong libro ko nasaan?" Napakagat ako sa aking labi "Aba! ewan ko tiyaka kanina pa kita tinitignan wala kang dalang libro" "Greg, kaya pala Hindi ko mahanap yong i.d mo kasi ginamit ko palang pang-ipit sa libro ko kanina habang nagbabasa ako." Nahihiya kong sabi sa kanya. "Ah.. gano'n bah, okey lang walang problema. Nasaan na pala yong libro mo?" " 'Yon nga ang problema, nawawala, naiwan ko yata kanina sa Taxi." Midyu nahihiya na ako sa kabobohan ko. "Ano?? anak ng tokwa!! hindi pwede kailangan kong pumasok ngayon Nicole! may pagsusulit kaming gaganapin" "Naku lagot na, pasensya na talaga Greg" Paghihingi ko ng tawad sa kanya. Tumingin ito sa kanyang relo. "May oras pa naman hindi nalang ako papasok sa una kong subject dahil sa next subject kami may quiz. Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong taxi 'yon, ang kanyang plate number at ako na ang maghahanap." Talagang big deal sa kanya ang hindi makakuha ng quiz. Makikita mo talaga sa kanyang mukha na seryoso siya pagdating sa pag-aaral. "Sasamahan na kita, may kasalanan din naman ako wag ka mag alala kilala ko yong driver dahil taga sa amin 'yon." Nakahinga naman ng maluwag si Greg. "Mabuti naman kung ganon saan natin siya matatagpu an?" "Halika sumama ka sa'kin" Hinila ko na si Greg kailangan kasi namin magmadali para umabang ng jeep papunta sa NTSU. Mga ganitong oras kasi pag walang pang pasahero tumatambay si mang kanor do'n sa karinderya malapit sa NTSU upang magkape. Hindi ko nga alam ba't doon siya nagkakape siguro masarap ang kape do'n. Mahirap pa naman umabang ng jeep kaya lakad takbo ang ginawa namin. "North theres, down town , batang isa nalang lalarga na!!.." Narinig ko na sigaw ng Konduktor ng jeep kaya binilisan na namin ni Greg buti nalang talaga may jeep na naka-abang. "North therese, down town ba.." "Manong sasakay kami" Hinihingal pa ako nang makalapit kmi, tinignan ko si Greg gano'n din siya. Hinawakan ko ang kamay ni Greg nang sa ganon magkasama kaming umakyat papasok sa jeep. Ako palang ang nakapasok nang mundo ko'y biglang tumigil. Ulalam gulay.. dinaig pa ang sardinas sa sikip saan pa kami uupo. "Nako ining, isa nalang ang pwede iwanan mo muna dito ang jowa moh" Anas ng konduktor. Nagkatinginan kami ni Greg sa sinabi ng kondukto Pero 'di ko 'yon initindi. Napabuntong hininga ako sa aking inisip, bumaba muna ako ng jeep. "Nako kuya hindi pwede emergency kasi, babe umakyak ka kandungin mo ako" Ano?? Nagulat naman si Greg, parang di siya makapaniwala sa sinabi ko. Kaya lumapit ako sa kanya para bumulong "Sumunod ka nalang kung gusto mo makuha 'yong I.d mo tsaka kala nila magjowa tayo." "ah hehe"Napatawa pa ang mokong, sinunod ya naman ang utos ko at nakipag siksikan sa jeep ng makapwesto na. " Kayo ang bahala total mag-jowa naman kayo. WOW SANA ALL!! " Anas ng konduktor. Wow kuya, masyado kang bitter. Nang nakaupo na si Greg sumonod na ako sa kanya. Midyu nahirapan din siya kasi masikip talaga. Inayos niya ang pwesto niya ng sa gano'n maka-kandong ako sa kanya. " Wag ka magalala magaan lang ako "Sabi ko sa kanya ng makaupo ako sa mga hita niya. Tumingin ang ibang pasahero sa amin pero mukhang naintindihan nila kasi diba sabi ko emergency. Bahala sila mag-isip kung ano, matapos lang to ang problema ko. -- "Sa NTSU ka pala nag-aaral, pano yan, absent ka din sa una mong subject?" Tanong ni Greg sa akin. Naglalakad kasi kami ngayon papunta sa Karinderya kung saan madalas si mang kanor tumatambay. " Hindi no, Mga 9:00 pa ng umaga ang klase ko tuwing Tth. Napaaga lang talaga ako ngayon. " " Dahil ba sa i.d ko? " " Kailangan ko rin kasi pumunta sa Library " Sabi ko nalang mahirap na, mahangin pa naman ang isang to. Napangiti ako ng makita ko si mang kanor na nagyoyosi sa kabilang tindahan malapit sa karinderya. " Ayon, ayon si mang kanor" Turo ko kay Greg. " Tara puntahan natin " At sa unang pagkakataon siya na ang humawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero may namumuong ngiti sa labi ko. Naglalakad siya habang ako nakasunod lang sa kanya. Hawak niya ang aking kamay habang ako'y nakatitig sa kanya. Ang kanyang hakbang ay siya rin ang akin, bumilis ang t***k ng aking puso parang sasabog ito. (dub..dub..dub..) Napagtanto ko na mas lalo siyang pumopogi sa paningin ko. (dub..dub..dub) Nyetah...tumigil ako at hinawakan ang aking dibdib gusto kong damhin ang bawat pagtibok nito. Nagtaka naman si Greg kung ba't ako tumigil nagulat siya nang nakita niya na ang aking kamay ay nakahawak sa aking dibdib. Bigla namang umiba ang kanyang wangis. Para itong nagalala sa akin. " Nicole okey ka lang? " Ina- heart attack ka ba? Napangiwi ako sa kabobohan niya " anong heart attack napagod lang ako " " Ah, gano'n ba, okey ka na bah? " " Mang Kanor!! " sigaw ko ng nakita ko si mang kanor na paalis na sa tindahan mga ilang metro nalang kasi ang layo namin mula sa kanya. Buti nalang nadinig niya ako at kumaway pa ito sa amin. Hinila ko si Greg papunta sa kanya. " Debbie 'yong libro mo bah? " Ang sabi ni mang Kanor nang makalapit kami sa kanya. " Ah Opo mang Kanor,Pasensya na po." Paghingi ko ng tawad sa kanya. " Walang ano man Debbie basta ikaw alam mo naman malakas kayo sa 'kin. Sandali lang at kukunin ko sa taxi. " Pumanta si mang Kanor kung saan naka-park ang kanyang taxi. Debbie?? Napalunok ako nang magsalita si Greg nako lagot nakalimutan ko. " Ahh... D-Debbie Nicole hahaha yon ba ang pangalan moh? " Muli niyang sabi haha napatawa ako sa isip ko. Hindi ko alam na siya pa makaisip ng paraan para pagtakpan ang kasinungalingan ko. Mabuti nalang talaga nasa bag ko 'yong i.d ko. " Ah Oo, ang ganda diba?" Pagpupuri ko nalang sa naisip niya. "Iba din pala mag-isip ng pangalan ng nanay mo" "Hahah... mas iba mag-isip ang nanay moh diba Gregorio!" Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Dibbie ito 'yong libro mo sino 'yang kasama mo boyfriend mo?" Anas ni mang Kanor ng makalapit siya sa amin. Kinuha ko naman agad ang libro mula sa kanya. "Naku! hindi poh, Kakilala ko lang siya" Paliwanag ko kay mang Kanor tumingin naman ito kay Greg. "Sos, Dong kay pogi mong bata pero mag-ingat ka anak ng pulis to, SPO2 ang tatay nito. Napakamot naman si Greg sa kanyang batok. "Sige po, mang Kanor maraming salamat po. kailangan na po kasi naming pumasok." "Oh Sige, aalis na rin ako basta lagi mong tandaan malakas kayo sa'kin sabihin muna rin sa tatay mo." Sipsip talaga si Mang Kanor, subukan niyang magloko huhulin pa 'din siya ng tatay ko. Binuksan ko ang libro hindi ako nagkamali nandito ang I.d ni Greg napangiti naman ako at binigay na sa kanya. " Oh, ayan na! wag mo nang i-wawala ulit yan huh? " Kinuha niya naman ito at isinuot. " Yes po, thank you nga pala huh " " hmmm.. walang ano man sige mauna kana " Tinignan ko kung anong oras na. Maaga pa naman tiyak na makakuha siya ng quiz. " Sige pumasok ka na din. " Muli kaming nagkatitigan ni Greg ngumiti nalang ako sa kanya para magpaalam na. Chapter 3 will be posted soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD