CHAPTER 3.
Kiven p.o.v
Hi sa inyo! ako pala si Kiven na nagmula sa angkan ng mga Dela cruz kung saan ang pagiging pogi ay nasa dugo na namin. Ako lang naman ang poging tropa ni Greg at kaklase ya rin.
Hindi ko alam kung bakit ang tagal ni Greg. Tatawagan ko sana siya pero naiwan ko 'yong cellphone ko sa dorm.
Ano na kaya nangyari 'don?
Nagsimula na ang klase namin sa first subject kaya nakinig nalang ako.
" In contrast to the forces on particle, the forces on a rigid-body are not usually concurrent and many cause rotation of the body. "
Abala ang prof. namin sa pagdi-discuss. Hanga talaga ako sa mga kaklase ko dahil halos lahat sila nakikinig. Ako kasi mas iniisip ko ngayon si Nicole. Ka'y ganda talaga ng boses parang musika sa aking tainga.
Napapangiti nalang ako tuwing iniisip ko ang mga landian namin tuwing gabi.
" Dela cruz! Are you listening?? "
Inayos ko ang aking pag-upo nang binanggit ng prof. ang aking pangalan.
" Yes, Sir. " Sagot ko agad.
Tinignan ya lang ako at pinagpatuloy na ang pagdi-discuss.
Statics of rigid bodies ang subject namin sa kanya at Condition for rigid-body equilibrium ang pinag-aaralan namin ngayon.
" For a rigid body in equilibrium, the net force as well as the net moment about any arbitrary must be equal to zero. "
Let me show you a formula...
Malapit ng matapos ang first subject ba't kaya wala pa si Greg. Siya kasi ang tipo ng tao na talagang responsable at talagang may pangarap sa buhay. May nangyari kaya sa kanya? 'di kaya nag-mariang palad muna sulo niya kasi ang dorm.
HEHEHE!!! talagang napangiti ako sa aking naisip. Tumingin ulit ako kay prof.
" For analyzing an actual physical system. First we need to create an idealized model... "
5 minuto nalang ang natitira talagang sinulit ng prof. ko ang pagdi-discuss.
Okey class, that's all for today. See you in next meeting...
Sa wakas natapos na rin iba kasi si Mr. Dimaasim ang prof. namin sa Statics of rigid bodies siya kasi ang prof. na walang paki-alam kung nakikinig ka sa klase niya o hindi basta gagawin niya ang trabaho niya.
Tumayo na kami ng mga kaklase ko para pumunta sa next subject.
Pagpasuk ko sa room nakita ko si Greg naka-upo na 'don. Sabi ko na nga ba. Talagang hindi 'yan magpapahuli pag may pagsusulit kami.
Lumapit ako sa kanya para maupo sa kanyang tabi.
Napailing nalang ako nang makita kung pawis na pawis siya parang galing sa bakbakan. Tumingin siya sa'kin.
"Ano palang ginawa natin kay Sir Dimaasim?
"
Agad niyang tanong.
" Ah wala, nag-discussed lang. Papahiram ko nalang sayo mamaya ang note's ko. Ikaw kasi kita muna na may pasok tsaka mo pang naisipan mag mariang palad." Pagbibiro ko sa kanya.
Natawa ako sa reaksyon niya kumonot kasi ang kanyang noo at umiling na talagang itinanggi.
"Wag mo akong i-tulad sayo. Ang dumi ng utak mo! Nahirapan akong makita ang I.d ko."
Nahirapan daw sino niloko mo.
" Hehehe, basta ba wag araw-arawin tama na 'yong twice a week. Mahirap na baka mangayayat tayo at manghina ang tuhod magpakamalan pa tayong adik."
Nagulat nalang ako nang bigla akong hinampas ng notebook ni Greg. Problema niya nagpapaliwanag naman ako ah. 'Di ba boys know this.
" Tsssss. "
" Hoy Greg! pahingi ng bleesing mamaya ah. Alam mo na, mukhang kunti lang yong ni-review ko. Magkaka jowa na kasi 'tong pogi mong tropa."
Tinitigan lang ako ni Greg tapos napangiwi. Loko to! Anong akala niya sa akin napakahina pagdating sa babae. Utot niya!! hindi ako tulad niya na patay na patay sa first love niya. Sino nga bang probisyana na 'yon.
Dona?? Digna? parang Denia.
ay iwan bahala sila. Basta ako magkaka- jowa na kunting push nalang hahaha. Buti nalang 'di pa ako excited.
" Okey class,, before to proceed to our next lesson. Let's have a quiz first"
Bigla akong napa-ayos ng upo nang biglang dumating 'yong prof. namin. Ito namin si Sir parang laging excited.
Hindi ba uso sa kanya 'yong magdasal muna. Siguro kulang to sa aruga o 'di kaya hindi pa nagkaka-jowa.
Napa-ngiti ako sa mga iniisip ko.
Ano kayang gagawin namin sa first date namin ni Nicole. Magki-kiss na kaya kami. Masyado namang mabilis pag gano'n. Manonood ng sine 'yong subrang nakakatakot para mapapayakap siya sa akin o 'di kaya maliligo kami sa beach para makita ko kung gaano siya ka sexy Hehehe. mukhang magaganda 'yong iniisip ko ah.
" Okey, I will give you 10 minutes to solve that problen on the board. You're time starts now"
Nako po, Panginoon ko. kayo na pong bahala!
-----
GREG P.O.V
Ang ganda niya talaga kapag naka-ngiti, Kitang-kita talaga ang kanyang mapuputi at magagandang ngipin. Idagdag mo pa ang mahaba niyang nakalugay na buhok. Napaka-simpli niyang babae at walang arte sa katawan. Matalino at pinalaki ng maayos. Siya 'yong babaeng halos pinapangarap ng mga kalalakihan. Kaya gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa kanya. Napapangiti ako habang titignan ang litratong kasama ko si Dianna. Ang aking kababata at ang babaeng bumihag ng aking puso. Magkasama kaming lumaki sa probinsya. Tanda ko pa ang litratong ito kung saan pareho kaming masaya. Ito ang huling Christmass party namin sa high School.
Iniligpit ko na ang litrato at muling inipit sa note book ko. Palabas na kasi ng room si Kiven. Loko kasi, kung anong tumatakbo sa isip yan tuloy hindi siya pumasa sa quiz kanina. Kaya pagkatapos ng klase kailangan ya pang gumawa ng refection about sa new topic namin.
" Gregorio tara uwi na tayo. Si Sir, talaga hindi na inalis 'yong tingin niya sa akin kanina 'yan tuloy mas lalo akong nahirapan sa quiz. Hindi tuloy ako naka-kopya sayo " Pagrereklamo niya.
Natawa ako sa hitsura niya mukhang. Talagang nahirapan nga. " Nabasa kasi ni Sir na may masama kang binabalak sa susunod kasi mas-uunahin ang pag-re-review"
" Umuwi na nga tayo excited na akong tawagan si Nicole"
Napatigil ako saglit ng marinig ko ang pangalan ni Nicole. Hindi ko akalain na siya pala ang naka-pulot ng i.d ko. Nong una talaga hindi ko gusto si Nicole para kay Kiven dahil may pagka-malandi ito kapag nagtatawagan sila. Pero kanina parang maayos na babae naman si Nicole. Mabait naman ito at mukhang pinalaki ng maayos. At isa pa may kaya ito sa buhay dahil SPO2 ang tatay niya. Mukhang mapapalaban si paring Kiven.
" Oh? bat ang tahimik mo may iniisip ka? Gusto mo na rin magka-jowa no?"
Biglang tanong ni Kiven. Naglalakad kasi kami palabas ng campus.
" Asa ka, Alam mo naman na meron na akong Dianna." Pagyayabang ko sa kanya.
" Whatever!!! "
Inirapan pa ako at lumakad ng mabilis. Abah!! Loko to!! Parang bakla, Kaya tumakbo ako sa kanya para akbayan siya.
----
Pagkadating namin sa dorm agad niyang hinanap ang phone niya upang tawagan si Nicole.
Iba talaga kapag in-love. Pumunta ako sa closet ko at kumuha ng T-shirt. Agad kong Hibubad ang uniform ko at isinuot ang T-shirt na Kulay blue na may pangalang BRO.
Agad naman dumating ang mag-bestfriend na sina Macky at Dino.
" Wow! Good timing. Buti maaga natapos klase niyo!
Bungad ni Mac. Pareho silang pawis na pawis. Mukhang kagagaling lang nila sa training. Pabagsak namang humiga si Dino sa kanyang kama. Binaliwala niya lang ang pawisan na katawan. Dala sa matinding pagod. Sumunod naman si Mac sa kanya at humiga sa kanyang tabi.
"Ano ba! Do'n ka nga sa kama moh!" Pagtataboy ni Dino sa kaibigan niya.
" Ito naman parang 'di na nasanay. Wala ka bang balak umuwi sa inyo. Akala ko ba ayaw ni tita Lenny na ma dorm ka pa?"
" Nag-usap na kami at pumayag na si papa basta daw huwag kong pababayaan ang pag-aaral ko"
Nakikinig lang ako habang naghahanda ng mga gagamitin ko bukas sa klase. Tulad ng Compass, Protractor, Ruler,T-square, lapis at ang pinka-importanti sa lahat ang Scientific Calculator. Agad ko namang inilagay ang mga ito sa backpack ko na kulay black.
"Greg, sama kayo sa'min ni Kiven may pupuntahan tayo masaya to promise."
Napatingin ako kay Macky. Nakahiga siya sa tabi ni Dino Duda ako sa loko to ah!!. Bigla namang bumangon si Dino at lumapit sa akin. " Bud, maaga pa naman sama kayo sa'amin. Dating gawi."
Napailing nalang ako. Tiyak Kay Stella naman ang punta nila. Si Tita Stella ay isa sa may-ari ng bar dito sa San Lorenzo. Ang Stella's Star Show Kung saan maraming Sexy at nagagandahang babae ang nagtatrabaho. Singer, dancer at pati waitress nila ang sexy. Minsan lang naman ako pumupunta do'n kapag walang masyadong ginagawa. Alam niyo na, baka sabihin nila ang kill Joy ko dahil laking probinsya ako.
" Bud, Pasensya na, pero may tatapusin pa... Ay!!! Aso!!."Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kiven. Nagsisigaw ito. Kinikilig ata. Ta-talon talon pa ang loko.
Mga brad!!! sa wakas!! sa ngalan ng pag-ibig JOWA KONA SI NICOLE!!... YAHOOOO!!
" Oh!! talaga?? hahah Congratulations pare!!"Wika ni Dino sabay kabig sa balikat ni Kiven. Agad namang bumangon si Macky. Nag-thumbs up kay Kiven.
"Wow!! Pare lumalakas kana sa chicks hehehe pano ba yan tara inom tayo at dahil may jowa kana Libre mo kami."
Pagbibiro ni Macky kay Kiven.
" Oo bah!! walang problema mga brad, Greg, bawal tumanggi huh. Minsan lang naman to. Sige na magbihis na kayo dahil mangli-libre ako. Let's go to Stella's Star Show."
Masyadong mayabang ang kiven na to!! Haha hindi ko akalain na bibigay agad sa kanya si Nicole. babae nga naman kunti kiliti lang bibigay na. Mapasabak yata ako sa inomang ito.
---
Debbie P.O.V
Hindi ko alam kong tama ba to ang ginagawa ko. Nandito lang naman ako Sa Stella Star Show. Ponyetang Nikko nayan!! Naiirita ako sa kanyan. Kailangan niya daw mag-celebrate dahil boyfriend niya na si Kiven. Hindi ko pa nakikita ang Kiven na yan pero na-aawa ako sa kanya. Biktama siya subrang kalandian ng beshy ko.
"Beshy.. halika sayaw tayo,, Parang gusto kong mag-twerk"
Malanding bakla na to. Hinila niya ako papunta sa Dance floor. " Aray ko po!! Ano ba dahan-dahan naman." Pag-ito nalaman ng papa ko na dinala mo ako dito. Hindi kana talaga makaka-lapit ng bahay.
Nasa gitna na kami ng dance floor. Mga 7:00 na nang gabi. 30 minutes nalang uuwi na ako. Mahirap na baka malaman to ng papa ko. Hindi ko alam kong ano yong isasayaw ko kaya kumembot nalang ako. Kembot to the left, Kembot to the right. Kembot lang ng kembot.
Nasa kalagitna-an ako ng pagke-kembot ko ng may napansin akong lalaking pasimpling tumitingin sa akin. Midyu madilim sa loob ng bar kaya nahirapan akong maaninag kung sino ito.
Hindi ako nagkakamali parang familiar talaga. Tinignan ko ulit 'yong lalaki kanina pero hindi ko na siya makita marami kasing tao sa dance floor.
Sino kaya yon. Binaliwala ko nalang at pinagpatuloy nalang ang pagke-kembot ko.
" Hoy pangit!! "
" Dino??"
Kaya pala familiar kasi kapatid ko. Hinatak niya ako palabas ng Dance floor.
" Hoy babae!! Alam mo ba kung anong ginagawa mo?? Paano ka napunta dito?? Sinong kasama mo 'yong malanding bakla no??"
Abah! Sumusubra nang asungot na to ah. " Hoy!! Dino!! bitawan mo nga ako. Ikaw bakit ka nandito di ba dapat nasa Dorm ka?? tsaka pwede bah!" Binigyan ko siya ng masakit na tingin "Ate mo ako!! baka nakakalimutan mo!. Kaya uwi na tayo sa bahay!" This time ako naman ang humatak sa kanya.
" Sandali nga!" kinuha niya yong kamay niya sa'kin at dinuro ako. " Sa dorm ako matutulog kaya ikaw ang umuwi!! Makinig ka!! Huwag ka nang pumunta dito. Kundi isusumbang kita kay Papa. Tignan lang natin kong makaka-punta payang Nikko nayan sa bahay. Nasaan na 'yong bakla na 'yon? " Tumalikod ito para hanapin Si Nikko.
Kaya pinakalma ko siya. " Sandali lang Dino, ikaw naman. Ngayon lang naman akong pumunta dito promise hindi na to mauulit" Sumbungiro talagang asungot na to. Kaya kinurot ko siya sa tagaliran. " Ikaw umuwi ka na rin. Akala mo natatakot ako sayo ah." Pagtatapang ko sa kanya mabuti nalang talaga mas-matanda ako sa kanya kahit isang taon lang. hehehe.
" Brad, Sino yan? "
Tumingin ako sa lalaking biglang sumulpot. ISANG MALAKING OMG!!!
"Nicole???" Agad niyang tawag sa'kin.
"Nicole ba't ka nandito magdi-date ba kayo ni Kiven??"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko bakit nandito si Greg. Anong sasabihin ko Isip..isip Beshy... where are you??
Kumunot naman ang noo ni Dino at tumingin kay Greg ng deretso. "Magkakilala ba kayo??"
"Ah, Oo siya si Nicole ang Girlfriend ni Kiven." deretsong sabi ni Greg.
" Nicole!! hahaha Sigurado ka ba??? Hindi Nicole ang pangalan niya." Pagpapaliwanag ni Dino.
" Sigurado ako. Siya si Nicole. Nagkita pa kami kanina." Nag-iba ang tingin ni Greg kay Dino. Dahil sa reaksyon nito. " Sandali, kursunada mo din ba siya??"
" Hindi no!!!" Agad na sabi ni Dino.
" Sandali lang!!" Bigla kong sabi. Pareho naman silang tumgin sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko. " Ah.. E...I ...O ....U?."
Pareho silang napangiwi sa sinabi ko. Naguguluhan ako.
"Hoy pangit!!" Hinila ako ni Dino papalapit sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ako makapagsalita na pepe yata ako.
"Toto-o bang pinag-sasabi ni Greg? Sino si Nicole?" Naging seryoso na talagang ang kapatid ko. Tumitingin siya sa akin ng deretso habang ako iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ko.
" Dino tama na yan. Nicole sandali hahanapin ko si Kiven."
Biglang lumaki ang mata ko sa sinabi ni Greg.
"Pwede bah! huwag niyong pinagloloko kapatid ko." Malamig na sabi ni Dino.
Nagulat naman si Greg sa narinig.
"Magkapatid kayo!! So, siya pala ang kapatid mong babae. Ibigsabihin ikaw ang maging future brother-in-law ni kiven. "
That's bullsh*t!!! no!!! never!!!
------------
Don't forget to vote.
Thanks.
Chapter 4 will be posted soon.