KABANATA 3: 1st Kiss

1559 Words
Amira's Pov "Bess okey kana ba?" Tanong ni Eretel sakin. Lunch break na namin at nandito kami ngayon sa cafeteria. "Yeah, okey na ang pakiramdam ko." Nakangiting sagot ko dito, pero ang totoo ay nang hihina ako dahil sa nangyare sa clinic kanina. "Sino ba naman ang hindi agad gagaling pag nasa clinic diba? Ang gwapo gwapo kaya ni Sir Byron. Ewan ko nalang kung di ka pa agad gumaling." Kinikilig na saad nito. Speaking of Byron, nakikita ko ito ngayon na papasok ng cafeteria. Paanong hindi ko agad sya mapapansin? Marami kasing kinikilig na mga babaeng studyante na nakasunod sa kanya habang sya ay nakangiting nakikipag usap sa mga ito. Bigla ko na namang naalala yung mga nangyare sa clinic kanina. Mula ngayon ay dapat ko ng iwasan ang lalaking yan. Kung nag tataka kayo kung paano nya nakuha ang first kiss ko, ganito yun. Nung panahon namin uso nun' yung mga gang group. Ang grupo nila ang isa sa mga sikat na gang nung high school kami. Hindi sa pag mamayabang pero isa ako sa mga magaganda sa batchmate namin. Madalas na ako ang nagiging muse sa klase namin. To short cut the story, nag ka gusto si Byron sakin. Hindi sya yung mga tipo ko dahil una, sakit sa ulo ang dala nito. Para syang walang pangarap sa buhay dahil puro cutting classes lang ang ginagawa nito. So ayun, lakas loob itong nanligaw sakin. Ako naman ay todo iwas sa kanya dahil alam kong wala syang maidudulot na maganda sakin. Magiging distraction lang sya sa pag aaral ko lalo na at part time student ako noon. After ng graduation namin ay nag karoon kami ng graduation ball. Masquerade ball ang naging theme nito, at nag karoon ng huling request ang student council namin. Bago mag alas dose at may tinatawag silang random dance. At kung sino yung makakapartner mo sa pag patak ng alas dose ay mag kikiss kayo. So ang ending, si Byron yung nakatapat ko. Hindi ko naman alam na sya yun, nalaman ko nalang nung tinangal na nito yung mask nya. After ng graduation ball, yun na ang huling pag kikita namin. Wala na akong naging balita sa kanya dahil lumuwas na ako ng Manila para mag trabaho. "Grabe, ang gwapo talaga ni Sir Byron. Balita ko single pa din sya hanggang ngayon." Saad ni Eretel. Nakakapag taka naman kung single pa sya. Napaka babaero kaya nyan nung highschool kami kahit hindi naman sya gwapo nun. "Huwag na nga natin syang pag usapan." Saad ko dito. "Hoy girl, nag ka sakit ka lang bigla ka ng na walan ng interest kay Sir. Nakakapanibago yan ah." Pailing-iling na saad nito. "Basta, huwag na muna natin syang pag usapan." Sagot ko dito at pa simply ko itong sinulyapan. "Babe, nandito ka lang pala. Kanina pa kitang hinahanap." Natigilan ako sa pag kain ng biglang naupo sa tabi ko si Florence. Napakunot ng noo si Eretel dahil sa pag dating ni Florence. Marahil ay may alam ito tungkol sa relasyon nila ni Aira. "You can't hide from me. Susunduin kita mamayang uwian." Bulong nito sakin sabay halik sa pisnge ko bago umalis. Nag taasan naman ang balahibo ko dahil sa ginawa nito. "What the heck! Akala ko ba ay nakipag break kana sa lalaking yun!" Inis na tanong ni Eretel sakin. "Yeah, pero hindi nya pa rin ako tinitigilan." Sagot ko dito at sinulyapan ko si Florence kasama ang mga barkada nya. Naalala ko ang grupo ni Byron nung High school kami. Ganyan na ganyan sa grupo nila Florence ngayon. Ang pag kakaiba nga lang, halatang mga rich kid ang mga ito. Samantalang nung batch namin ni Byron ay mga pormahang jejemon sila. Pinag patuloy na namin ni Eretel ang pag kain namin. Feeling ko ay hindi ako natunawan dahil sa kabang nararamdaman ko. Nag dadalawang isip pa din kasi ako kung tama ba itong pinasok ko. Iisipin ko nalang na para ito sa kapatid ko. Hindi pwedeng dito nalang tumigil ang lahat ng pangarap nya. After namin kumain ay lumabas na kami ng cafeteria. Habang nag lalakad kami ni Eretel pabalik ng classroom ay nakahawak ako sa tiyan ko. Ganito ako sa tuwing hindi natutunawan ng maayos. "Good afternoon sir." Bati ng studyanteng nakasalubong namin. Huminto kami ni Eretel sa pag lalakad at gumilid sa isang tabi para paunahin ang teacher na nasa likuran namin. Pero laking gulat ko ng makilala kung sino ito. "Good afternoon Sir." Bati ni Eretel dito. Todo kapit naman si Eretel sa braso ko na tila nag pipigil ng kilig. "Nag lunch na ba kayo?" Tanong nito kaya agad naman akong umiwas ng tingin dito. "Yes po." Agad na sagot ni Eretel dito. "Mabuti kung ganun, kunin nyo to, para matunawan kayo ng maayos." Saad nito at inabutan nya kami nag tig isang yakult. Tamang tama at kailangan ko ito ngayon. "Thank you po Sir." Saad ni Eretel dito. Nag katinginan naman kami ni Byrone pero agad din akong umiwas dito. "Kyahh, first time kong makatangap ng ganito mula kay Sir." Kinikilig na saad ni Eretel ng makarating na kami ng classroom. Ininom ko na yung yakult ko habang si Eretel naman ay hinahalik halikan pa ito. Mukang walang sya balak na inumin to. "Remembrance ito galing kay Sir kaya itatago ko to." Saad nito. Hindi nga ako nag ka mali. Pag nalaman nya kaya na jejemon noon ang dating iniidulo, magiging crush nya pa kaya ito? Ilang minuto pa ay naging maayos na ang tiyan ko. Laking tulong din nung yakult na binigay ni Byron. Natapos ang mag hapon naming klase at uwian na. Napansin kong nag kakagulo sa labas yung mga studyanteng babae. Ilang sandali pa ay pumasok sa silid namin si Florence. Natanaw ko naman sa labas ng pinto ang mga tropa nito. Malakas ang dating nila sa mga babae, kaya maraming nag kakagusto sa mga ito. Kaya siguro mabilis na nahulog ang loob ni Aira dito.. "Babe, let's go." Saad nito sabay hila sa braso ko. Napatingin nalang ako sa kamay nito. Narinig ko pa ang pag tawag ni Eretel pero di ko na nagawang lumingon dahil mabilis ang pag kakahila ni Florence sakin. Hindi ko alam kung san kami pupunta ng mga barkada nya. Lahat sila ay may kanya kanyang partner. Malapit na din dumilim dahil 5pm na. Nasa parking lot na kami at nag si sakay na sila sa mga motor nila. Napatingin naman si Florence sakin ng mapansin nitong wala akong balak na umangkas sa kanya. "Ano pang hinihintay mo?" Inis na tanong nito. "San ba tayo pupunta?" Mahinahong tanong ko dito. "Kailangan pa bang itanong yan? As usual sa tambayan. Para ka namang bago babe." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Pa sakay na ako ng motor ng biglang may humila sa braso ko. "Ms. Evangelista, where do you think you're going?" Nang laki ang mata ko ng makilalang si Byron ito. "Sir, kayo po pala. May kailangan po ba kayo sa girlfriend ko?" Nakangiting tanong ni Florence dito. "Hindi ba't kagagaling mo lang sa sakit? Hindi ka pwedeng umangkas sa motor dahil mapapaspas ka ng hangin." Saad nito sabay hila sa braso ko papunta sa likuran nya. "Ako na ang mag hahatid kay Aira." Saad ni Byron dito. Hindi naman na umimik pa si Florence at umalis na to. "Ano bang tumatakbo sa utak mo at sumasama ka sa lalaking yun!" Inis na saad nito. Sa tono ng pananalita nito ay muka syang nag aalala at the same time ay nagagalit. Hindi na ako umimik at bigla nalang nitong hinila ang kamay ko. Tumigil kami sa tapat ng itim na kotse. "Get inside, ihahatid na kita sa inyo." Saad nito at pinag buksan pa ako nito ng pinto. - Habang nasa byahe kami ay tahimik lang akong naka tingin sa labas. Ramdam ko naman ang maya-mayang pag sulyap nito sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag tiwala sa lalaking to matapos ng ginawa nya sakin sa clinic kanina. "Gusto kong malaman kung bakit mo to ginagawa?" Saad nito at bigla nya nalang tinigil sa tabi ng kalsada yung sasakyan. Palubog na ang araw at wala ng mashadong dumadaang sasakyan sa lugar na ito dahil liblib na ang papasok sa brgy namin. "Mananatili bang lihim ang sekreto ko kung sasabihin ko sayo ang totoo?" Tanong ko dito habang nakatingin sa mga mata nya. "Oo naman, malakas ka sakin eh. Ako lang naman tong mahina pag dating sayo." Nakangiting sagot nito kaya tiningnan ko sya ng masama. "Nasa hospital si Aira ngayon at comatose ito. Nag laslás sya ng sarili nyang pulso." Malungkot na sagot ko dito. "A-ano? Pero bakit?" Gulat na tanong nito. "Dahil sa pang ba-blockmail sa kanya ng Florence na yun." Sagot ko dito. Napansin ko ang pag higpit ng kamay nya sa manobela ng kotse nya. "That jérk, sabi ko na nga ba. I warning her before pero hindi sya na kinig sakin!" Inis na saad nito na ikinagulat ko. "What do you mean? Nakakausap mo ang kapatid ko before? Don't tell me na may ginawa ka din sa kanya?" Inis na tanong ko dito habang nakatingin ng masama dito. Hinding hindi ko sya mapapatawad pag nalaman kong ginawa nya din sa kapatid ko ang ginawa nya sakin sa clinic kanina. Baka mag dilim ang paningin ko at kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD