Amira's Pov
"My goodness Amira, iniisip mo talaga na papatol ako sa isang studyante?" Inis na sagot nito sakin at may pag iling pa ito.
"Hindi ba? Napag samantalahan mo na nga ako!" Inis na sagot ko dito.
"Well, hindi ka naman talaga studyante. Isa pa, na miss lang kita." Nakangiting sagot nito.
"Tigilan mo ko Byron, madalas ba kayong mag usap ni Aira?"
"Oo, nung una kasi ay napag kamalan kong ikaw sya. Yung look ni Aira nung high school tayo, walang pinag kaiba sa look mo noon. Kuhang kuha nya lahat bawat kilos at pag ngiti mo, the way din ng pag sasalita nya." Nakangiting saad nito.
"Talagang patay na patay ka sakin nung high school tayo nuh?" Iritadong sagot ko dito.
"Bakit hindi? Kuhang kuha mo kaya ang puso ko." Saad nito habang patuloy pa din ang pag ngiti.
"May napapansin ka pa bang kakaiba kay Aira?" Seryosong tanong ko dito.
"One time na kwento nya sakin yung about sa relasyon nila ni Florence. Nangliligaw palang kasi si Florence sa kanya noon ng binalaan ko sya. Pero hindi sya naniwala sakin dahil okey naman daw ito. Well totoo naman na okey ang mga pinapakita ni Florence sa kanya nung panahong nangliligaw palang ito. Pero nung naging sila na, napansin kong parang nag bago na si Aira. Last month, napapadalas ang pag punta nya sa clinic ko tuwing lunch time. Ang lagi nyang dahilan ay gusto nya daw matulog ng tahimik. So hinahayaan ko lang sya na matulog, then ginigising ko nalang sya pag mag aalauna na." Kwento nito kaya napayuko nalang ako. Kahit papano naman pala ay naging mabuti itong si Byron sa kapatid ko.
"May na kwento ka ba kay Aira tungkol sakin?" Tanong ko dito habang nakakunot ang noo ko.
"Wala, dahil ayukong mailang si Aira sakin dahil sayo." Sagot nito.
"Mabuti kung ganun."
"Hindi mo pa rin nasasabi sakin ang dahilan kung bakit ka nag papangap na si Aira." Seryosong tanong nito. Wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanya ang lahat.
"Nakipag break na si Aira kay Florence pero hindi pumayag si Florence sa gusto nito. May nangyare na sa kanila at hindi alam ng kapatid ko na kinuhaan pala ng video ni Florence ang pag tatalik nila. Ngayon ginagamit na itong pang block mail ni Florence para hindi sya iwan ng kapatid ko. Hindi kinaya ni Aira yung depression kaya hindi na ito pumasok at madalas na nag kukulong sa kwarto. At yun nga, tumawag sakin si Lola para iparating ang masamang balita tungkol dito." Naiiyak na kwento ko. Nagulat naman ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Sorry for what happened, kritikal pa din ba ang lagay ni Aira ngayon?" Pag aalalang tanong nito.
"Hangang ngayon ay wala pa din itong malay. Kaya Byron, nakikiusap ako sayo na ilihim ang tungkol sa pagkatao ko. Ayukong masira ng tuluyan ang buhay ni Aira dahil lang sa isang pag kakamali. Marami na kaming pinag daanang mag kapatid at ayukong masira ang mga pangarap nya dahil dito." Umiiyak na saad ko at bigla nalang akong niyakap nito.
Nang tumahan na ako sa pag iyak ay kumalas na ito sa pagyakap sakin. Napalunok ako ng hawakan nito ang pisnge ko habang titig na titig sa mga mata ko. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko ng unti-unti nitong ilapit ang muka nya sa muka ko. Alam kong hahalikan nya ako sa mga oras na to. Pero bakit hindi ko magawang pigilan sya.
Kakaiba ang naging halik nito ngayon. Ramdam ko ang pagiging mahinahon nito hindi katulad kanina sa clinic na may halong kaharasan.
"B-Byron" Tawag ko sa pangalan nito ng maramdaman kong nasa legs ko na ang isang kamay nya. Sa sobrang ikli kasi ng palda na ito ay mabilis nya lang na mahahawakan ang kepay ko.
"Sh*t, hindi ko na naman na kontrol ang sarili ko." Saad nito at umayos na ito ng upo. Pinaandar na ulit nito ang sasakyan at sinimulan na ang pag mamaneho na para bang walang nangyare.
-
Pag dating namin ng bahay ni Lola ay bumaba pa ito ng sasakyan nya. Ibang klase din naman itong si Byron, door to door talaga ang ginawang pag hatid sakin.
"Hindi na kita yayayain na pumasok sa loob dahil baka kung ano pang ka manyakan ang gawin mo sakin." Nakangising saad ko dito.
"Sorry, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Mashado ka kasing sexy sa suot mo." Saad nito sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Totoo namang napaka sexy ko sa uniform na to.
"Salamat nalang sa pag hatid, ipangako mong magiging lihim ang tungkol sa sitwasyon namin ni Aira." Saad ko dito habang nakatayo sa tapat ng pintuan namin.
"Yes mam, malakas ka sakin eh." Sagot nito sabay salute kaya napailing nalang ako. Bumalik na ito ng sasakyan nya habang ako ay nakatanaw sa kanya mula dito sa pinto. Nang mawala na ito sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Napansin ko ang mga groceries sa ibabaw ng lamesa. Kaninang umaga ay wala pa ito, siguradong umuwi si Lola kanina para kumuha ng mga gamit nila ni Aira at namili na din ng groceries. Bago ako mag bihis ay tinawagan ko muna si Lola para kamustahin si Aira.
*Kamusta na po si Aira?* Bungad na tanong ko dito ng sagutin nito ang tawag ko.
*Hangang ngayon ay wala pa din syang malay. Mag damag ang papa mo dito kahapon, ang sabi nya ay pupunta sya dyan sa bahay para mamili ng pang araw araw na pangangailangan mo.* Saad nito sa kabilang linya. Napatingin ako sa groceries na nasa ibabaw ng lamesa. Akala ko ay galing ito kay Lola. Muntik ko ng makalimutan na bumalik na nga pala si papa para bumawi sa mga pag kukulang nya.
*Kamusta naman ang unang araw mo sa school?* Muling tanong ni Lola. Napabuntong hininga ako at naupo sa silya.
*Okey naman po ang lahat, hindi nila napansin na hindi ako si Aira." Sagot ko dito. Ayukong mag alala si lola sakin kaya kahit mali ay mag sinungaling ako dito. Siguro naman ay hindi ako ilalaglag ni Byron sa pag papanggap ko.
*Mabuti naman kung ganun, mag iingat ka apo ah. Tatawagan agad kita kapag may malay na si Aira.*
*Sige po Lola, kayo din po ingatan nyo yung sarili nyo dyan.* Sagot ko dito bago mag end ang call.
Muli akong napabuntong hininga bago pumasok ng kwarto namin ni Aira. Nag bihis na muna ako bago mag handa ng hapunan. Habang nag luluto ako ay biglang nag ring ang cellphone ni Aira. Pag tingin ko ay tumatawag si Florence. Alam kong puro pang ba-block mail lang ang sadya nito kaya hindi ko sinagot ang call nito. After ng call nito ay tumunog ulit ang phone ni Aira. Pag silip ko ay message ito mula dito.
*Babe, sorry sa mga pang ba block mail ko sayo. Promise hindi na mauulit, basta bumalik kana sakin.* Message nito at ilang sandali pa ay tumawag na naman ito. Hindi ko alam kung nag sa sasabi ba ito ng totoo or pinapasakay nya lang ako para makuha ulit nya ang loob ni Aira.
*Hello* Saad ko sa kabilang linya.
*Finally at sumagot kana din. Babe sorry na please, miss na miss na talaga kita.* Saad nito sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang pangungulila.
*Sorry, nag luluto kasi ako.* Sagot ko dito.
*Ganun ba, okey na ba ang pakiramdam mo? Sayang at hindi kita naihatid kanina. Babawi pa naman sana ako sayo dahil sa mga sinabi ko sayo nitong mga nakaraang araw.*
*Okey lang babe, basta ipangako mo sakin na hindi mo na yun uulitin.* Sagot ko dito.
*Yes babe, pangako hinding hindi na yun mauulit. Sunduin kita bukas ng umaga.* Saad nito.
*Sige, good night.* Sagot ko dito.
Pag ka end ko ng call ay muling nag ring ang phone ni Aira, unknown number ito kaya nag dadalawang isip akong sagutin ito. Pero paano kung importante ito at makatulong sa sitwasyon ng kapatid ko.
*Yes hello, sino to?* Agad na tanong ko ng sagutin ang tawag nito.
*It's me Byron.* Saad nito sa kabilang linya kaya napakagat labi ako.
*Mabuti nalang pala at nilagay ni Aira sa record book yung number nya.* Saad nito habang ako ay tahimik na nakikinig sa kanya.
*Na miss ko kasi agad ang boses mo kaya tumawag ako.*
Dali-dali ko namang pinat@y yung kalan dahil muntik ng masunog yung niluluto kong hot dog dahil sa pakikinig dito.
*Amira, nakakaabala ba ko?* Muling saad nito.
*Ah eh, hindi naman.* Pag sisinungaling ko dito. Hays, pwede ko namang sabihin ang totoo na naistorbo nya talaga ang pag luluto ko pero parang ayuko naman syang ma opened sakin.
*Pwede ba kitang sunduin bukas ng umaga?* Tanong nito kaya napakagat labi na naman ako.
*Ano kasi Byron, si Florence kasi tumawag kanina, susunduin nya daw ako bukas.* Nahihiyang sagot ko.
*Ano ba talagang pinaplano mo Amira? Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni Florence sayo. Paano kung pag samantalahan ka nya?* Pag aalalang saad nito.
*Kaya ko namang ipag tanggol ang sarili ko. Baka nakakalimutan mo, 25 years old na ako at Senior High lang ang lalaking yun.* Pag mamalaki ko dito.
*It's not about the age, d*MN it!* Saad nito na tila ba na iisstress na sya.
*Alam kong nag aalala ka lang sakin. Pero pangako, mag iingat ako.* Saad ko dito at narinig ko ang pag buntong hininga nya.
*Okey, may tiwala ako sayo. Alam ko naman na medyo may pag kaamasona ka noon pa. Pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako if kailangan mo ng tulong.*
Napangiti ako sa sinabi nito. Parang mukang mas kilala nya pa ako kesa sa sarili ko.
*Thank you Byron.* Saad ko bago patayïn ang call nito.
Napangiti nalang ako dahil kahit papano ay hindi ako nag iisa sa laban na to.