Chapter five: AGAW BUHAY

922 Words
Kaagad na pumara ng taxi si Angelie papuntang ospital. May sasakyan naman sila sa garahe, ngunit hindi niya ito magamit dahil hindi siya marunong magmaneho. Wala rin ang kanilang driver—nagpaalam itong umuwi ng probinsya. “Don Hernandez Hospital po, Manong,” magalang niyang wika. Habang nasa biyahe, hindi niya mapigilan ang pag-agos ng masaganang luha. Labis ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ni Michael. > “Kapapasok na balita: Kinilalang si Governor Michael Sandoval ang nagmamaneho ng kotse na nadaganan ng isang ten-wheeler truck kaninang alas otso ng umaga. Maliban sa kanya, wala nang ibang nasaktan. Kasalukuyan siyang dinadala ngayon sa Don Hernandez Hospital. Ayon sa driver ng truck, nawalan umano ito ng preno. Sa ngayon, hawak na siya ng mga awtoridad. — Karen Miranda, nag-uulat.” “Tsk, tsk... Kawawa naman si Governor,” sambit ng driver, umiiling. “Napakabait pa naman n’un. Isa ako sa mga natulungan niya noong humingi ako ng tulong pambayad sa ospital ng misis ko. Wala siyang pag-aalinlangang tumulong.” Napaluha lalo si Angelie. Totoo ang sinabi ng driver—si Michael ay taong bukas-palad. Kahit sino pa ang lumapit, handa siyang tumulong. At ngayon, siya naman ang nangangailangan ng tulong. “Ma-manong, pakibilisan po, pakiusap,” sabi niya sa pagitan ng hikbi. “Sige po, Ma’am Angelie.” Nagulat siya. Kilala pala siya ng driver. Isang beses pa lamang siyang ipinakilala ni Michael sa publiko, pero nakiusap siyang huwag na itong sundan. Nais niyang mapanatili kahit papaano ang kaunting pribadong buhay nila bilang mag-asawa. Pagkarating sa ospital, mabilis siyang nagbayad ng pamasahe at halos patakbong nagtungo sa emergency room. Ngunit hinarang siya ng ilang reporter. “Mrs. Sandoval! Ano pong masasabi ninyo sa nangyari kay Governor?” “Mrs. Sandoval, hawak na ng otoridad ang driver ng truck. Ano po ang nais ninyong sabihin sa kanya?” “Pasensiya na po, nagmamadali ako,” sabi ni Angelie, pinilit lampasan ang mga ito. Mabuti na lamang at nakiusap siyang huwag munang magpa-interview hangga’t wala pa siyang alam sa lagay ng asawa. “Nurse! Nurse! Ako ang asawa ni Michael Sandoval! Nasaan siya? Kumusta na ang kalagayan ng mister ko?” tanong niyang puno ng kaba. “Mrs. Sandoval, kasalukuyang inoooperahan si Governor. Maraming bubog ang tumusok sa kanyang katawan, lalo na sa mga mata. Hindi maganda ang kondisyon niya. Sa ngayon, kailangan natin ng matinding panalangin.” Parang gumuho ang mundo ni Angelie. Sunod siya sa doktor habang patuloy sa pagluha. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. “Diyos ng mahabagin... Maawa ka po kay Michael. Iligtas n’yo po siya,” pabulong niyang panalangin habang nauupong nanghihina sa tapat ng operating room. “Ma’am, maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin pa po ako.” “Sa-salamat po...” sagot niya habang pinapahid ang luha. Hindi siya mapakali—lakad, upo, tayo. Nalilimutan na rin niyang wala pa pala siyang agahan. Muli siyang napahawak sa noo, kinakalma ang sarili. Biglang narinig niya ang tinig ng biyenan. “Where’s my son? Nurse! Kumusta na ang anak ko?” tanong ni Donya Clemente, kasunod ang mga bodyguard. “Kasalukuyan po siyang inoooperahan, Ma’am,” sagot ng nurse. “What?! Hanggang ngayon wala pa ring update? Ano 'to? Kung may masamang mangyari sa anak ko, mananagot kayo!” galit na sigaw ng donya. Naglakad ito palapit kay Angelie, galit na galit. “Mo-mommy...” mahinang bati ni Angelie. “You! Ikaw ang malas sa anak ko! Kung hindi ka niya pinakasalan, hindi siya maaksidente!” PAK! Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Naluha si Angelie. “Hi-hindi ko po ginusto ang nangyari...” bulong niya, ngunit muli na namang lumipad ang palad ng matanda sa kabilang pisngi niya. “Sumasagot ka pa talaga? At hindi mo man lang ako tinawagan? Hindi ko sana nalaman kung hindi pa ako ininform ng kumare ko!” Napanganga si Angelie. Sa sobrang pagkataranta at pag-aalala, nakalimutan niyang tawagan ang ina ni Michael. “Pa-patawarin mo po ako, Mommy... nakalimutan ko talaga...” nanginginig ang tinig niya. “Huwag mo akong tawaging Mommy! Nakakadiri ka!” Muling tinuligsa siya ng matanda. “Hindi ka karapat-dapat sa anak ko! Isa kang salot!” Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Isang guard ang lumapit. “Ma’am, pakiusap po, huwag po tayong mag-eskandalo...” “Hindi mo ba ako kilala?! Gusto mong mawalan ng trabaho?!” Tahimik ang guard, bakas ang takot sa mukha. Biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Lumabas ang isang doktor. “Doctor! Kumusta na ang anak ko?!” “Dok, kumusta na po ang asawa ko?” singit ni Angelie. “Hindi pa rin stable ang kalagayan ni Governor. Marami kaming tinanggal na bubog, lalo na sa kanyang mga mata. Kailangan pa rin nating obserbahan kung maaapektuhan ang kanyang paningin. Sa ngayon, nasa ICU na siya.” Parang nabunutan ng kaluluwa si Angelie. Napasandal siya sa pader. “Bakit si Michael? Bakit hindi na lang ang mga taong walang pakialam sa kapwa?!” “God, my son... Do everything to save my son!” sigaw ni Donya Clemente. Dinala si Michael sa ICU. Pinayagan na silang pumasok, ngunit nauuna si Donya. Pagkaalis nito, saka pa lang nakalapit si Angelie. Halos madurog ang puso niya sa nakita—nasa kama si Michael, balot ng benda, may tubo sa bibig, at mga wires sa katawan. Bali ang kaliwang binti. Makina lang ang bumubuhay sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito, inilapit sa labi, at mahigpit na hinalikan. “Michael... magpagaling ka. Nandito ako. Mahal na mahal kita...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD