Matapang ang babaeng ito, Tatum had to give her that. At sa halip na mabahag ito sa matatalim na titig nila ni Dean ay napahalukipkip lang ito at matapang siyang sinagot.
"Hindi mo ako maaring patayin dahil ako lang ang nakakaalam kung nasaan si Victor," she answered coolly. "At kung papatayin mo nga ako, na kasama ko ang anak ko na natutulog sampung talampakan mula sa akin, pwes ikaw ang pinakamasaklap sa lahat ng nilalang dito sa mundo."
Napataas ng isang kilay si Tatum. "Sinong nagsabing hindi ko kaya?"
Those big round eyes flashed with defiance. "Fine, you want me to call your bluff? Go ahead and kill me, then."
Naghinang ang mga mata nila ng ilang sandali, at hindi naman maiwasan ni Tatum na mapatawa. Hindi talaga niya pinagkatiwalaan ang babaeng ito, kahit konti, pero na-appreciate niya ang lakas ng apog nito.
"Umupo ka," sabi niya sa wakas. "Mag-uusap tayo ng ilang detalye."
Ina's shoulders remained stiff as she primly sank into a chair. Nakapusod ang buhok nito pero may iilang hibla pa rin ng buhok nito ang nakatakas sa magandang mukha nito.
She crossed her ankles together, drawing his gaze to the shapely legs covered by tight black leggings. Her gray V-neck T-shirt was loose but couldn't hide the full, high breasts beneath it, and Tatum's mouth went dry as he remembered how firm those breasts had felt when they'd filled his palms earlier. Muntik na nga siyang humiling na sana wala itong suot na bra kanina, para makita niya mismo sa harapan niya ang paghubad nito.
Tragis, umandar tuloy ang pagkamalibog niya.
Ngunit kailangan pa rin niyang kontrolin ang tinatago niyang pagnanasa rito. Siguro reaksyon lang ito sa labing-isang buwang hindi niya nararamdaman iyon sa isang babae. Ang isang kagaya pa naman ni Ina Reyes ay nakakatukso na talaga tingnan. The perfect combination of vulnerable and gutsy, not to mention far too attractive for her own good. Hindi maitatangging umaapaw talaga ang s*x appeal nito, yet she seemed oblivious to it, which was either an act or she truly didn't know the effect she had on the males in her vicinity. Kahit nga ang pihikan na si Dean at ang may malaking disgusto na isama niya sa kampo nila ang babae, napansin niya na malagkit din ang pagkakatitig nito kay Ina.
Ignoring the zip of heat moving through his veins, Tatum lifted his gaze from Ina's chest and focused it on her eyes.
"I suppose you want to talk money, right? Magbabayad ako kahit ilan ang gusto mo. Well, within reason," mabilis nitong dagdag sa sinabi.
He waved a dismissive hand. "Hindi ko kailangan ang pera mo."
Mukhang nagulat pa nga ito sa tinuran niya. "Ayaw mo?"
"No. Pero kung gagawin na natin ang pakay natin, gusto kong umalis na tayo sa lalong madaling panahon." He grabbed a chair, turned it around and straddled it. "Pwede ka bang makapagbyahe o kailangan pa nating ayusin ang mga dokumento mo?"
"May mga dokumento na ako." Napahinto siya saglit para titigan ang anak niyang mahimbing na natutulog. "Kung ayaw mo akong isama, pwede naman akong manatili rito na kasama si Rafael. Ibibigay ko na lang sa'yo ang eksaktong lokasyon sa pinagkukutahan nila ni Victor, at pwede kanang--"
"Hindi," putol niya sa sinabi nito. "Sasama ka sa akin."
Napakunot ito ng noo. "Hindi mo ako kailangang singhalan. I'm just thinking in practical terms - I don't want to slow you down."
Napangiti siya rito na hindi umabot sa mga mata niya. "I've got all the time in the world, sweetheart. Kung pupunta man ako sa San Jose, sasama ka sa'kin. That's a deal breaker."
"Bakit naman kailangan na--Okay, nakuha ko na," anito na tila naintindihan na nito ang ipinahiwatig niya. "You still think I'm not being up-front with you."
"Sinisisi mo ba ako?"
"Hindi, I guess not." Napakagat ito sa pang-ibabang labi nito. "I'm not, by the way."
He arched his brows. "You're not being up-front with me?"
"Hindi naman kita ipapasok sa isang bitag eh." Exhaustion lined her face as she released a sigh. "Ang gusto ko lang na mamatay na si Victor, Tatum. Hindi ako pwedeng magtatago na lang sa buong buhay ko."
Dean, who'd been leaning against the wall, stepped forward with a frown. "At bakit ka naman nagtatago?" tanong ng lalaki. "Are we seriously expected to believe that Ortez developed an obsession with you and is now spending his time and resources to locate you? Na mag-aksaya lang ito ng pera at oras niya para sa mga walang kwentang bagay?"
Mukhang hindi man lang natinag si Ina sa sinabi ni Dean. Again, rather than back down, nakipagsukatan pa nga ito ng titig kay Dean. "Magkaibigan ba kayo ni Victor?" kaswal na tanong nito kay Dean.
Napakurap-kurap si Dean. "Anong sabi mo? Of course not."
"Did you spend a year working in San Jose and talking to him nearly every day?"
"No," Dean said, his jaw going rigid.
"Did he ever share his hopes and dreams with you? Pursue you romantically? Call you his 'heart and soul'?" Biglang tumigas ang aura ni Ina. "I'm going to assume the answer to those questions is also no. So anong basehan mo para mag presume na mag-aksaya lang ito ng pera at oras niya para sa mga walang kwentang bagay?"
Nang makita niyang tila napahiya si Dean sa babae, hindi naman maiwasan ni Tatum na lihim na mapangisi, ngunit hindi pa pala tapos si Ina.
"Siguro nga walang kwenta lang ako sa'yo para kay Victor, but you know what? Ang sinasabi mong walang kwenta para kay Victor ay malaking bagay na sa kanya, dahil hindi niya ako ipapahanap ng tatlong taon kung wala nga talaga akong kwenta sa kanya. Nagbayad pa nga siya ng mga pribadong imbestigador para lang sundan ako, para lang magmasid sa pamilya ko sa New Jersey, at sa tuwing nakukuha kong lusutan siya ng walang kamalay-malay, agad din naman niya akong ipapahanap." Her voice wobbled. "I'm sick of being on the defensive. Gusto ko na talaga siyang mamatay, tangina niya!"
"Mommy?"
Ina's face went stricken. Cursing softly, she hopped off the chair just as her son stumbled groggily off the bed platform Pierre had arranged for him, clutching a small stuffed lion against his chest. Nagising tuloy ang anak ni Ina dahil sa pagtaas ng boses nito.
As Ina scooped the kid up, including the lion stuffed toy, the little boy peered past her shoulder, his round eyes going as big as saucers when he spotted the three men.
"Mommy, sino po sila?" bulong ng bata.
Malumanay namang sinagot ni Ina ang anak. "Mga kaibigan sila ni Mommy, baby. Nakita mo 'yong malaki at matangkad na mama na nakaupo roon? Ang pangalan niya ay Tatum." She crossed the room, at napahinto ito sa harapan nina Pierre at Dean. "Sila naman ay ang kuya Pierre mo at kuya Dean."
"Hey, kiddo," ani Pierre at ginulo-gulo nito ang buhok ng bata. "Parang nagising ka yata ng wala sa oras, huh?"
"Nanaginip kasi ako ng masama."
Ina's expression strained as she carried her son to the chair and sat down again. The little boy instantly wrapped his arms around her neck and his legs around her waist, clinging to her like a monkey.
Hinagod nito ang likod ng bata at ginawaran ito ng isang halik sa noo. "Gusto mo bang sabihin kay Mommy kung anong napanaginipan mo?"
Mahinang napamura si Tatum.
Damn it. Paano kaya niya mapapatay si Victor Ortez kung sakaling sagabal lang sa kanya ang mag-ina na 'to? This is not exactly his cup of tea.
Sabagay, hindi naman talaga siya makakapayag na isasama sa paglalakbay nila ang bata. Basta ang sigurado na maiiwan ang bata sa pangangalaga nina Dean at Pierre.
Hindi pa rin kasi niya pinagkatiwalaan ang babae. It came back to that, and always would.
Pero siya ang magtutunton sa'yo kung nasaan na ngayon si Ortez.
Pinaaalahanan ni Tatum ang sarili habang pinagmamasdan niya si Ina na inulan nito ng halik sa mukha ang anak nito. "Sige na, baby," pangungulit nito nang hindi sumasagot ang bata. "Sabihin mo na kay Mommy ang napanaginipan mo."
"Hinahabol ka po Mommy ng mga bad guys at sigaw ka ng sigaw...hanggang sa..." The kid trailed off and snuggled deeper into Ina's breasts.
Napakunot ng noo si Tatum. Bakit kaya pakiramdam niya na mas may higit pa kaysa panaginip?
Over the top of her son's head, Ina sought out Tatum's gaze and held it. "Si Ortez," she said, barely audibly. "Hinahabol kami ng mga tauhan niya noong isang buwan sa Turkey."
Tumayo na ang babae sa kinaupuan nito at kinargang muli ang bata papunta sa sleeping bag. "Bigyan niyo muna ako ng kahit ilang minuto," sabi nito sa mga lalaki.
As Ina tended to her son, Tatum strode toward the table where Dean had set up the laptops. Parehong magagaling sa computer sina Dean at Pierre, but so far, neither of them had managed to uncover why their own government was determined to kill them.
"Hindi ko siya pinagkatiwalaan," bulalas ni Dean.
"Tell it to the marines," sagot naman niya rito.
Pierre spoke up in a quiet tone. "Her story checks out." Iminuwestra nito ang isa sa mga laptops. "Rolando just got back to me about the info request we put in."
Tatum leaned down and scrolled through the documents on the computer screen. Napatuon naman ang pansin niya sa live birth ng babae, sa transcript of record nito, at sa aplikasyon nito sa isang relief foundation.
The documents backed up the story Ina had fed them, but then again, that meant absolutely nothing. Any agency worth its salt would produce the paperwork needed to corroborate an agent's cover story. Kung isa ngang agent si Ina na pinadala sa kanila para manmanan sila.
"Ang galing mo," narinig niya ang inis sa boses ni Ina.
Napalingon siya rito at nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ni Pierre, at tumitingin din ito sa computer screen. He shifted his gaze and saw that her kid was sound asleep again, curled up on the sleeping bag.
"I made contact twenty-four hours ago and you've already got your hands on my school transcripts," she remarked.
"The credit's due elsewhere," pag-amin pa ni Pierre. "Our information dealer compiled all this."
"Information dealer, huh?" She sounded bemused. "Siguro papasukin ko rin ang ganoong klaseng trabaho. Dahil sigurado ako na magagawa kong e-hack ang kahit sinong transcript of record na mas maaga pa kaysa sa bente-kwatro oras."
It took Tatum a second to realize she was talking to him. "Bullseye," he shot back.
Umangat naman ang isang sulok ng labi nito. "What's the matter, Tatum? Hindi ka makabasa ng English? Isa ka ba sa mga pasaway na bata noong nag-aaral ka pa?"
Pierre snorted, and even Dean managed a reluctant smile.
"Nakakatawa," himutok ni Tatum.
Anong hindi makabasa ng English?...Oo nga, tumigil siya ng pag-aaral noon sa Elementarya ng isang taon, nang aksidenteng napilayan ang mga paa ni Wilson matapos nitong mahulog sa mataas na puno. Kailangan kasi niyang mag-stay sa bahay para maalagaan ang kapatid niya.
Hindi na lamang niya binanggit pa iyon. Bahala na kung anuman ang sabihin sa kanya ni Ina. Playing stupid was never a bad strategy, and he could use it to his advantage if needed.
Ina's brown eyes abruptly turned somber. "Pero nakikita ko pa rin sa ekspresyon ng mukha mo na hindi ka pa rin kumbinsido sa background check tungkol sa'kin, tama ako di ba? Hindi mo pa rin ako pinagkatiwalaan o pinaniniwalaan na nagsasabi ako ng totoo."
Napakibit-balikat siya at lumayo na sa computer. "I'm more of a gotta-see-it-to-believe-it kind of man."
"So hindi ka talaga naniniwala na alam ko ang pinagkukutahan ni Victor hanggang sa makita mo ito mismo sa dalawang mga mata mo?" Hindi na naghintay si Ina sa sagot niya, napatango na lang ito. "Fine. Let's make you a believer, Tatum. Kailan ba tayo aalis?"
"Sa madaling araw." Mabilis niyang tugon.
"Are we flying direct?"
Napahawak siya sa magkabilang balbas niya sa panga. Napabaling ulit siya kay Pierre. "Minonitor pa rin ng militar ang air traffic ng San Jose, di ba?"
Napatango si Pierre. "Yes, ever since the UFF started running drugs using the relief foundation planes. Kung wala kang government clearance para makalapag sa isla, titirahin ka nila agad-agad sa himpapawid."
"Pwede naman tayong sumakay sa isang commercial plane," pakli ni Ina.
Napaikot sa mga mata niya si Tatum. "Sure, sweetheart, why don't you go ahead and do that. Basta ako doon ako sa rota na hindi nila ako mati-trace, at magkita na lang tayo sa mapagkasunduan nating lugar."
"No need to be snarky about it."
"Lilipad tayo papunta sa Venezuela," pagpapasya niya, at inignora na lamang kung anuman ang naging tugon nito. "Saka mag-aarkila tayo ng barko pagkarating natin doon. Bribe someone at the port to look the other way."
Tila dismayado naman si Ina sa desisyon niya. "But the harbor is in the east. Mas magiging madali kung dadaan tayo sa kanlurang bahagi ng mga bundok - kung saan naroon si Victor. Otherwise kailangan nating maglakbay ng ilang araw sa kagubatan."
Muling inignora ni Tatum ang sinabi ng babae. "Get in touch with Usting," aniya kay Dean. "Sabihin mo sa kanya na kailangan namin 'yong cabin niya, depende sa kung saang rota kami mapadpad sa kanlurang bahagi ng isla."
"Sino si Usting?" tanong ni Ina, her tone distrustful.
"Isang maituturing naming kakampi," tugon niya rito.
He didn't elaborate, and wouldn't have even if she'd pushed. Ngayong mga araw, mahirap ng maghanap ng kakampi, at si Usting ang maituturing na valuable asset nila na mahihirapan sila kung mawawala ito. Nakatira ito sa San Jose, isa itong dating sundalo na may marami-rami ng koneksyon. Nakilala ni Tatum si Benhur Usting noong nag te-training pa lamang sila, at hanggang ngayon may kontak pa rin sila sa isa't isa. Bukod kina Dean at Pierre, si Usting ang bukod tanging ibang tao na pinagkakatiwalaan niya sa mundong ito.
As his brain snapped into business mode, he barked out some more orders. "Pierre, kunin mo 'yong mga bagahe ni Ina na nasa loob ng sasakyan ko. Doon muna matutulog ang mag-ina ngayong gabi sa isa sa mga cell natin."
"Ang tinutukoy mong mag-ina ay nakatayo lang dito," anunsyo pa ni Ina. "And what the hell do you mean, one of the cells?"
"Iyan ang tawag namin sa mga silid dito," paliwanag ni Pierre. "Either that, or closets. Maliit lang iyon, kaya nga dito kami namalagi sa silid na ito kasi nga mas malaki rito." He swept his arm around the enormous chamber before ambling off to do what Tatum ordered.
Dean drifted off, too, a satellite phone pressed to his ear. Nang makaalis na ang dalawang lalaki, binalingan naman ni Ina si Tatum. Her big round eyes flickered uneasily in the glow of the candles.
He couldn't help but notice that she looked annoyingly beautiful in candlelight, and he had to force his gaze away from all that smooth skin, the incredibly vivid eyes, and most especially her sensual mouth.
Awtomatiko tuloy na naninigas ang sandata niya, kaya mahina siyang napapamura. Putragis, kailangang kontrolin niya ang atraksyon niya rito. Lalo na ang pagnanasa niya rito dahil hindi ito makabubuti sa kanya. Hindi pwedeng magkamali siya ni isang beses nang dahil lang sa babaeng ito.
"Talaga bang matitirahan ang fort na ito?" demanda nito, habang namimilog ang mga mata nitong sinuri ang paligid. "Hindi ko alam kung kumportable ba ako na patitirahin ko si Rafael dito kahit pansamantala lang. Paano na lang kung biglang bumigay ang mga kisame rito?"
"We assessed the structural integrity before making this our base. Matibay ang lugar na ito."
Napakagat ito ng pang-ibabang labi nito. "What about food? And, um, restroom facilities? And--"
Tatum cut in. "We got an outhouse, marami namang ligaw na hayop dito sa bundok, may malapit din na batis mula rito, at hindi naman gaanong malayo ang bayan kung kailangan talaga naming bumaba para sa mga kailangan naming supplies."
"He'll have a blast," came Pierre's reassuring voice. The younger man reappeared in the doorway, lugging Ina's two big suitcases, which raised a cloud of dust as he dropped them on the stone floor. "Dean and I will treat your son to a real wilderness adventure."
"What about security?" she asked in a sharp tone. "We just drove right up to the door, ni wala ngang safety precaution ang pinto niyo rito."
"May mga cameras naman at motion senses ang lahat ng sulok dito," Tatum said with a shrug.
Mukhang nagulat ang babae sa sinabi niya. "Talaga?"
He gestured to the laptops scattered on the tables. "Makikita at maririnig namin kung may mga tao mang papalapit sa base namin. The tunnels also provide half a dozen escape routes. Oh, and the whole mountain is rigged to explode. Kung may magtangka man na umataki sa'min dito, isang push lang ng button ni Pierre or ni Dean...Boom!"
"Magiging ligtas si Rafael dito," malumanay na saad ni Pierre.
To Tatum's irritation, nakita niyang mamasa-masa ang mga mata ni Ina habang nakatitig ito sa natutulog na bata. "Hindi pa ako kailanman nalayo sa kanya ng higit pa sa bente-kwatro oras."
Before Tatum could make a quick escape - dealing with female tears were not his strong suit - Ina recovered from her emotional moment in an impressive display of self-control. "I guess I should get some sleep, then. Sabi mo kasi sa madaling araw na tayo aalis, tama?"
Napatango siya. "Dapat madilim pa tayong aalis dito. That's the only way I operate."
Her lips twitched. "Fine. Gisingin mo lang ako pag oras na nating umalis. Ngayon may magtuturo ba sa'min kung saang cell kami matutulog ng anak ko?"
*****