Shaznia's POV "Hindi mo ba alam kahit pangalan niya man lang?" Inangat ko ang mukha ko saka dahan-dahang umiling kay Ryle. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin. "I'm sorry, Sha. Sorry sa nagawa ko. Kung hindi siguro ako nagloko, baka—" Kumalas ako sa pagkakayap niya saka umiling sa kaniya. "No, Ryle. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. That's my decision. Labas ka na ro'n. Pagkakamali ko 'yon. Oo, inaamin ko na no'ng una'y ikaw ang sinisisi ko sa nangyari. Pero na-realize ko, ako naman may gusto no'n, e." Natawa pa ako. "Kaya siguro malala ang galit ko sa’yo nang makita kita ulit." He sighed. "Pero hindi ko pa rin dapat ginawa 'yong panloloko ko sa'yo. Alam mo, sobrang nagsisi ako no'n. Gusto kong makipagbalikan sa'yo pero alam kong wala

