Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Miski sina Lucas at Bruno ay napatigil din sa nakita. Muntik ko nang sapakin si Ryko nang mapatingin si Lunoxx sa direksyon namin at mabilis na itinulak si Celestine. "What the f**k are you doing inside my office?!" bulalas niya sa'min. Itinaas ni Ryko ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko ito. "Chill, men! Hindi namin alam na may milagrong nangyayari pala rito," paliwanag ni Ryko. I heard Bruno chuckled at my back. Hindi ako agad nakapagsalita nang tapunan ako ng masamang tingin ni Lunoxx. Kahit na si Celestine na katatayo lamang sa pagkakatulak ni Lunoxx kanina ay masamang-masama rin ang tingin sa'kin. "Mr. Monteverde, kasi po—" "Haven't I told you to ring me first before letting someone enter my office?" Bakas ang galit sa to

