Pare-parehas kaming napalingon sa taong tumawag sa'kin. It was Sir Clyde—Lunoxx's Dad. Napatingin pa sa'kin si Chloe na para bang nagtatanong ito kung bakit nandito ang Daddy ni Lunoxx. "Sir Clyde!" tawag ko sa kaniya. "It's nice to see you here. Nagkasalubong ba kayo ni Lunoxx? Have you seen each other?" Mabilis akong tumango sa kaniya. "Yes, sir. Nagkasalubong po kami kani-kanina lang." "That's good. I wasn't expecting to see you here. Dito rin pala ang lakad mo." I smiled at him. Nang maalala ko ang presensya ng mga kaibigan ko ay ipinakilala ko sila kay Sir Cylde. "By the way sir, this is Bryle and Chloe. They are my friends. Actually, Chloe is working at the accounting department po sa kumpanya," pagpapakilala ko pa sa kanila. Tila namangha si Sir Clyde sa sinabi ko. "Really? T

